Chapter 21: Codes

21K 899 399
                                    

Malaya's POV

Kasalukuyang nagdidiscuss si Miss Avi sa harapan. Monday na ulit ngayon and as usual, may klase na. Okay lang, konting tiis nalang naman, almost 1 month nalang kaming papasok, patapos na rin ang sem. Pero ibig sabihin non ay malapit na rin ang finals. December na pala sa susunod na araw.

Nakapangalumbaba lang akong nakikinig sakan'ya. Wala namang nagbago, maganda parin s'ya pero mukha s'yang puyat. May eyebags kasi tapos kanina pa s'ya nagya-yawn. But I can't still help myself to adore her. Ang ganda.

"Hoy!" Bigla naman akong napatingin sa katabi ko. Hindi si Ivy, 'yong isang seatmate ko lang.

"Bakit?" Tanong ko naman agad.

"Tawag ka yata ni Miss Herero", she said and then turned her face infront. Napatingin naman ako sa harapan, nagliligpit na ng gamit si Miss Herero. Nadismiss na rin pala ang klase, may mga nagsilabasan na kasi.

Tumayo na ako ay lumapit kay Miss Herero. She handed me her books kaya kinuha ko naman. "Ma'am, bakit po?"

"I'll give you your papers to my office." She answered gamit ang mababang boses lang. Oo nga pala, 'yong research ko. Kahit pala wala akong kagrupo, mas swerte parin ako kasi professor ko tutulong sa'kin sa research.

Nakangiti akong nakasunod kay Miss Avi sa paglalakad, ang bilis n'ya rin kasi. At sa paglalakad namin, hindi na talaga mawawala 'yong tingin ng mga students sakan'ya. Medyo nakakainis kasi 'yong iba grabe kung makatingin, akala mo'y ngayon lang nakakita ng maganda.

Tuloy tuloy kaming naglakad sa office ni Miss Herero. Nang makapasok s'ya ay sumunod din ako, inilapag ko ang librong pinabitbit n'ya sa table n'ya.

Naupo agad s'ya sa teacher's table n'ya, she opened her laptop at saka pinaharap sa'kin. Hindi ko nanaman maiwasang ma-amaze, parang ang smooth ng mga galaw n'ya. Her hands are moving elegantly while doing those stuffs.

"Have a sit." She said kaya agad ko namang ulit na sinunod. Tiningnan ko 'yong laptop n'ya. "Browse it."

Hinarap kong mabuti ang laptop n'ya, bumungad 'yong title ng research namin, together with the school logo, my name on it, 'yong name ng instructor, lahat na ng kailangang ilagay sa first page ay nando'n na. Sandali akong sumulyap kay Miss Avi, she's yawning again but she's covering it using her hand. Pati tuloy ako ay napahikab.

Tinuloy ko ang pagscroll sa laptop n'ya. Binasa ko kung anong nakalagay sa paper na ginawa n'ya. Chapter 1, The Problem and It's Background. Nagscroll ako do'n and woah, kumpleto na 'yong buong chapter 1. Akala ko hanggang do'n nalang 'yon pero nagscroll lang ako ulit dahil mayro'n pa pala. Chapter 2, Review of Related Literature, nagscroll ulit ako do'n, nanlaki ang mata ko nang makitang ang daming RRL, sumobra pa yata da required number of RRL.

Napatingin na ako kay Miss Avi, she's just watching me sa ginagawa kong pagbabasa ng ginawa n'ya. "Why? Is there an error?" Tanong n'ya agad nang mapansinh huminto ako sa pagscroll at seryosong nakatingin sakan'ya.

"Miss Avi, kumpleto na po yata 'tong ginawa n'yo." Hindi makapaniwalang wika ko. She just tilted her head, parang inuusisa 'yong mukha ko kaya nailang nanaman ako. Kapag s'ya 'yong tumitingin, nakakaconscious talaga, ang ganda naman kasi e.

"You didn't finish reading it yet." Dipensa n'ya naman. Hindi ko naman na kailangang basahin lahat, parang kumpleto na talaga e. Gano'n pa man, tinuloy ko paring tingnan kasi hindi pa tapos, may mga kasunod na pages pa.

Chapter 3, Method and Procedure. Chapter 4, Presentation, Analysis and Interpretation of Data. Chapter 5, Summary, Conclusions and Recommendations. Kumpleto, hanggang references. Walang labis, walang kulang.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon