Malaya's POV
I'm driving really fast. Sinubukan ko namang tawagan si Avi pero hindi n'ya sinasagot. It's sunday, sa tingin ko ay wala naman s'yang pasok ngayon. Hindi ko rin macontact si Miss Harm. Kaya dumaan muna ako sa mansion nila. Malayo layo pa naman 'yon kaya habang tumatagal ay bumibilis na rin ang tibok ng puso ko.
"Wala po si Miss Avi rito, Miss Free. Wala rin po si Miss Harm at ang parents nila." 'Yon ang sabi ng kasambahay nila.
Umalis din agad ako do'n at ang bahay n'ya ang naiisip kong sunod na puntahan. That's my second and last resort, wala ng iba. Simula kasi magkabalikan kami, nabanggit n'yang hindi na s'ya umuuwi ro'n.
Dinoble ko ang bilis ng pagpapatakbo ko ng sasakyan until I reached her house. Nakasara ang gate at pinto. Gano'n naman yata 'yon kahit nasa loob s'ya kaya sinubukan ko parin.
I clicked the doorbell three times, wala paring nagbubukas ng gate.
Naluluha na ako. I'm getting deja vu, parang ganitong ganito 'yong last time na hindi n'ya ako pinagbuksan dahil natatakot s'yang maging marupok.
"Avi! Avi, are you inside?!" I shouted. Nasa labas ako, medyo malayo ang mismong bahay n'ya sa gate pero sa tingin ko ay maririnig naman ako.
Wala paring sumasagot. Nanlalambot na ang mga tuhod ko. Nakakapanghina ang mga ganitong eksena. Please, no, ayoko nang maulit.
"Avi! And'yan ka ba?! Avi!" Sigaw ko pa ulit, hoping na nand'yan talaga s'ya. Masakit na ang lalamunan dahil sa nagbabadyang luha at sa kakasigaw pero hindi ako pwedeng umalis dito nang hindi ko s'ya nakakusap. "Avi! Avi.." unti-unti nang nawawala ang lakas ko.
Tumigil muna ako sa pagsigaw, ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig ako ng yapak palapit sa gate. Tumingin ako sa baba at nakakita ako ng isang pares ng paa. Nagulat ako nang bumukas ang gate, iniluwa nito si Avi na kay hawak na trash bag. Rumehistro rin ang gulat sa mukha n'ya.
"Malaya.. what-why.." nataranta s'yang buksang maigi ang gate n'ya. "Why are you here?" Tiningnan n'yang maigi ang mukha ko, binitawan na niya ang trash bag at hinawakan ang kamay ko. She squeezes it. "Are you crying?" She softly asked.
Hindi ko s'ya sinagot, I hug her instead. Mukhang hindi n'ya inaasahan 'yon but she still responds after recovering. Doon na bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Nakabaon lang ang mukha ko sa balikat n'ya, letting all my tears on her shoulder.
She caress my back. Hindi muna ulit s'ya nagsalita, hinayaan n'ya lang akong umiyak nang umiyak. It's such a relief seeing her. Ibig sabihin hindi s'ya umalis, pero may plano ba s'ya?
Nang kumalma ako ay humiwalay kami sa yakap.
"I'm sorry for going here like this.." nagsimula akong magsalita. Nakatingin lang s'ya sa'kin, mahahalata sa mukha ang pag-aalala. "I thought you're leaving me.." pahina nang pahina ang boses ko.
Mukhang naguluhan naman s'ya sa sinabi ko pero nando'n parin ang pag-aalala. "I will never do that, baby. What made you even think of that, hmm?" Her voice is still soft.
Suminghot ako. "E kasi.. may nalaman si Niks kay Saji.." I said in a low tone. Napayuko pa ako, nahihiya ako dahil masyado akong nag ooverthink.
"I think I knew it." She remarked kaya napaangat ang mukha ko sa kanya. She's smiling which made me confused. "It was supposed to be a vacation, a surprise vacation for the two of us."
My mouth hanged open. What? Vacation para sa aming dalawa? So umiyak lang ako para sa wala?
"I'm sorry nasira ko 'yong surprise.." nahihiyang wika ko. Kasi naman e, ang hirap ding hindi mag-isip. Natatakot lang akong maulit 'yong nangyari dati.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]
RomanceStory Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her complete family and friends. A cheerful yet strong and brave girl. Miss Avilyn Anderson-Herero - a col...