Chapter 8: Clinic

19.3K 811 238
                                    

Malaya's POV

I woke up in an unfamiliar place dahil lahat ay halos puti. I tried to recall what happened last time bago ako mapunta dito pero wala akong maalala.

Suddenly, a girl in a white scrub opened the curtain and show herself. Nakapamulsa itong sinalubong ako ng ngiti.

"Hi Miss. Kamusta pakiramdam mo?" She asked, smiling.

"Nasa'n po ako?" Tanong ko pabalik. Parang 'di ko kayang sumagot without making sure where I am.

"Nandito ka sa clinic. Nahimatay ka kanina dahil sa pagod", paliwanag n'ya.

Oh, now I remember. Napagod ako kakalinis ng comfort room ng isang building. Sinubukan kong bumangon, agad naman akong inalalayan ng nurse. I assume she's a nurse because she's wearing a scrub.

"Careful", paalala n'ya.

"T-thank you", nahihiyang sagot ko naman. Medyo nailang pa ako sa sobrang lapit n'ya kanina pero matapos n'ya akong alalayan ay bumalik din s'ya sa pwesto n'ya. "Kayo po ba 'yong nurse dito?"

"Yes. And don't address me na with po, bata pa naman ako", usal n'ya habang nakangiti parin. Her white teeth are showing, pwede na s'ya sa commercial ng toothpaste. "Call me Bea"

"Nurse Bea nalang po", I insisted.

"Okay." Sagot n'ya nalang at nagkibit balikat. "Anyway, mas mabuti kung umuwi ka na so you can rest"

Sumilip naman ako sa labas ng bintana. Medyo madilim na at mukhang makulimlim pa. Ang tagal ko rin palang walang malay. "Sige po", sagot ko kay Nurse Bea.

Nang akmang tatayo ako ay bigla akong nahilo kaya agad akong umupo. Humawak pa ako sa ulo ko dahil parang umiikot ang paningin ko. Agad akong dinaluha ni Nurse Bea.

"Nahihilo ka parin?" Tanong n'ya. Sobrang lapit nanaman ng mukha n'ya sa akin kaya nahihiyang tumango nalang ako. Ang isang kamay n'ya ay nasa likuran ko pa bilang suporta.

"Excuse me", sabay kaming napatingin sa nagsalita. "Is that how you treat your patients, Miss Marquez?" Pagtataray agad n'yang tanong dahil naabutan n'ya ang pwesto namin ni Nurse Bea.

Tumayo naman bigla nang diretso si Nurse Bea at pinamumulahan pa ng mukha. Pati ako ay biglang nahiya. Si Miss Herero 'yong biglang pumasok at sa ganong posisyon pa talaga n'ya kami naabutan. Although wala naman kaming ginagawang masama ay pakiramdam ko pag-iisipin n'ya 'yon dahil mukhang may galit talaga s'ya sa'kin. 'Di ko naman s'ya masisisi.

"M-ma'am, she's feeling dizzy kaya po inaalalayan ko", sagot ni Nurse Bea habang nakatungo. Mautal utal pa ito. Nakakakaba naman kasi 'yong ekspresyon ni Miss Herero.

Naglakad si Miss Herero with her sophisticated aura palapit sa akin. Tumabi naman si Nurse Bea para bigyan s'ya ng daan.

"I'll drive you home. Let's go." Miss Herero said. Kinuha n'ya ang bag na nasa side table na pala ng clinic bed na hinihigaan ko kanina. Pa'no nakarating 'yon dito?

Pero wait, ihahatid ako ni Miss Herero? Nauna na s'yang maglakad palabas nang hindi ako binabalingan ng tingin. Dahan-dahan akong tumayo para maiwasan ang pagkahilo.

"Thank you, Nurse Bea", paalam ko kay Nurse bago sumunod kay Miss Herero. Ang lalaki ng hakbang n'ya at ang bilis n'yang maglakad kaya ang layo na agad n'ya.

Pero nanatili akong nakasunod sakan'ya dahil sabi n'ya ngang ihahatid n'ya ako. Finally, we reached the parking lot at nasa tapat na kami ngayon ng sasakyan n'ya. Nanatili s'yang nakatayo sa tapat non.

"Miss Herero", medyo hinihingal na usal ko. "'Wag n'yo na po akong ihatid"

"Nah", 'yon lang ang tanging sagot n'ya.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon