Malaya's POV
Nandito na kami ngayon sa salon, kumakain. Kasama ko sa isang table ang mga kaibigan ko, nandito na rin si Avi at Miss Harm, kasama rin si Saji.
Tahimik kami pareho ni Avi, sa hindi malamang dahilan ang tahimik din ang mga kaibigan ko. Bihira lang talaga mangyari 'to. Ramdam ko ang panak-nakang tingin nila sa gawi namin ni Avi. Makalipas ang ilang sandali ay hindi na ako nakatiis kaya nauna na akong magsalita.
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Sabay sabay muna silang nagkatinginan bago sumagot.
"Oo." They all said in unison. Para bang nagtataka pa sila na nagtanong ako.
"E, ikaw? Ayos ka lang?" Tanong sa'kin ni Carol na katabi ko sa upuan. Mahina lang ang boses n'ya, parang ayaw iparinig sa iba 'yong sinasabi n'ya.
"Oo naman." Nakangiting sagot ko at saka sumubo ng pagkain.
"Weh?" Kwestyon pa n'ya.
Oh, I get it na. 'Yong bigla kong pag-alis kanina dahil sa sinabi ni Avi. Hindi ko na kasi nabanggit dahil pagkababa ko ay kumakain na sila, nauna akong bumaba dahil kinausap muna ni tita Jade si Avi. Hiyang hiya ako kanina, kung pwede lang akong magpalamon sa lupa ay ginawa ko na. Hindi pa man ako naipapakilala as girlfriend ay may bad image na agad ako.
"Ayos na kami." I gave Carol an assuring smile. 'Yong genuine na ngiti talaga para hindi na sila magworry. Kaya pala mga tahimik e, akala mo may tension sa pagitan namin kanina.
"Really?" She asked again, I can hear excitement on her voice.
Tumango ako while smiling.
"Buti naman." Natutuwang wika ulit ni Carol.
Alam n'yang ayos na kami pero hindi n'ya alam na kami na. I'm not sure kasi kung dapat ko na bang sabihin, kung ayos lang kay Avi na sabihin ko na. The situation is still complicated dahil una, hindi ako out, baka makarating agad kay mama, second, she's my professor and we are all aware na hindi pwede ang relationship between teacher and student.
Dahil sa sinabi ko ay nabanggit na rin ng kaibigan ko kaya bigla na silang naging maingay. I really love my squad, they are the best.
"Eat more." Narinig ko namang bulong ng katabi ko which is Avi.
"I'm full." Sagot ko naman. Marami na rin akong nakain dahil ang sasarap din ng foods nila.
Pero hindi s'ya nagpapigil, nilagyan n'ya ulit ng foods ang plato ko na nakaagaw naman sa atensyon ng mga kasama namin sa table.
"Ehem." As usual, si Niks nanaman ang kunyaring nasamid pa.
Nahihiya naman akong napatingin kay Miss Harm at Saji. Saji's smiling and giving us the 'I smell something' look while Miss Harm's kind of serious.
"Malisyoso mo, Niks." Si Mica naman ang nagsalita na binabawal si Niks pero dahil literal na makulit si Niks ay mas nilala pa nito ang pang-aasar.
"Sana all may naglalagay ng pagkain." Kunyaring parinig pa n'ya.
"Lagyan kita, baby." Wika ni Saji.
At nagtuloy-tuloy pa nga ang asaran sa table namin. Paminsan-minsan din akong tumitingin kay Avi at sa tingin ko'y naeenjoy n'ya naman ang kulitan nila dahil hindi man s'ya nakangiti ay kita ko naman sa mata n'ya 'yong saya. Ako rin naman, grabe 'yong saya ko ngayong gabi. Sana hindi na 'to matapos, sana tuloy-tuloy na.
~~~
Dahil wala naman akong gagawin ngayon ay naisipan kong maglinis nalang ng kwarto ko. Ang dami kong nakalkal na gamit na hindi ko naman na napapakinabangan kaya nilagay ko nalang sa isang kahon at ibigay kung sino ang nangangailangan, 'yong mga hindi naman na pwedeng gamitin ay baka ibasura ko nalang.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]
RomanceStory Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her complete family and friends. A cheerful yet strong and brave girl. Miss Avilyn Anderson-Herero - a col...