Malaya's POV
Hindi ako nakatulog. After what Avi said kahapon, umalis na agad ako sa bahay n'ya at wala manlang s'yang ginawa para pigilan ako. Tinext ko lang si kuya para may sumundo sa'kin and he's mad. Galit s'ya kay Avi at gusto n'ya sanang kausapin sa loob ng bahay n'ya pero pinigilan ko nalang.
Napatingin ako sa side ng room ko, nasisinagan na ng liwanag 'yong kurtina ng bintana ko. Anong oras na ba? Kinuha ko phone ko sa bedside table. 6:30AM na pala.
I spend the whole night reflecting, thinking and crying. I saw my reflection on the screen of my phone. Namumugto ang mga mata ko.
Nagsimula nanamang mamuo ang luha sa mga mata ko. Ang sakit, ang kirot sa dibdib but despite of what Avi did, I can't still hate her. 'Di ko parin s'ya kayang kamuhian. I still love her so much and I still have the hope inside me na baka nabigla lang s'ya and she didn't mean what she said.
So I decided to do something. Gusto ko s'yang puntahan at kausapin. May sinabi ba s'yang rason? Wala, baka pwede kong malaman. Baka pwede pa naming maayos. Naligo ako sandali, nagsipilyo at nagbihis.
Dali-dali akong bumaba. Naabutan ko sa sala si kuya nanonood ng TV. Si mama at papa ay magkasama ulit sa work, bumalik na si papa sa trabaho n'ya dahil magaling naman na s'ya kaya kami lang ni kuya ang naiwan kasama ang isang kasambahay.
"Sa'n ka pupunta?" Bungad ni kuya nang makita n'yang palabas na ako ng bahay.
Humarap ako sakan'ya. "Sa labas lang kuya." Sagot ko naman.
"Pero nakajacket?" Tanong n'ya. Nakapambahay lang kasi ako pero nagsuot nalang din ako ng jacket.
"Kuya,"
"Pupuntahan mo ba s'ya?" Medyo lumaki ang boses ni kuya. Pabagsak ang balikat kong umiwas ng tingin. Tumayo si kuya ay lumapit sa'kin. Hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko. "Nakatulog ka ba?" Lumambot na ang boses n'ya nang makita nang malapitan ang mukha ko.
"Kuya, gusto ko s'ya makita.." I said, weakly.
"'Wag ka na makulit. Dito ka nalang sa bahay." Wika ni kuya. Hinila n'ya ako papunta sa kusina at pinaupo sa isang silya paharap sa lamesa. "Ipaghahanda kita ng pagkain. Tapos nito, matulog ka."
Kagigising ko lang. Nandito ako sa kwarto ko, sinunod ko ang sinabi ni kuya. Natulog ako kanina pagkatapos kong kumain at hapon na ngayong nagising ako.
Sumilip ako sa bintana. Nakita kong paalis ang kotse ni kuya. Nang makaalis ang kotse n'ya ay dali dali na akong bumaba sa first floor. Naabutan ko ang kasambahay naming naglilinis sa sala.
"Ate, sa'n pumunta si kuya?" Tanong ko rito.
"Kay sir Kiefer daw po." Sagot naman nito.
"Ah, sige." I said, acting cool. Bumalik ako sa kwarto ko para magsuot ng jacket. Sa likod ako dumaan papunta rin sa kotse ko. Dinala ko nalang ang cellphone ko.
Narinig ko pa ang sigaw ni Ate pero wala na s'yang nagawa nang bilisan ko ang pagpapatakbo sa kotse ko. Tinahak ko ang daan papunta sa bahay ni Avi. I just want a closure, that's all, pagkatapos nito, titigilan ko na. Just this one chance, pagbibigyan lang ang sarili ko.
Madilim na ang paligid. Anong oras na rin kasi. Pagkarating ko sa bahay n'ya ang nagdoorbell agad ako. Nakailang doorbell na ako ay wala paring nagbubukas ng gate.
"Avi!" Sigaw ko mula sa labas. "Avi, talk to me!" Sigaw ko ulit.
Ilang minuto na ako nagsisisigaw, halos mauubos na rin ang boses ko ay wala parin ni anino ni Avi. I'm losing my patient now. Bukas naman ang ilaw pero bakit walang sumasagot?
BINABASA MO ANG
𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]
RomantizmStory Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her complete family and friends. A cheerful yet strong and brave girl. Miss Avilyn Anderson-Herero - a col...