Malaya's POV
"What's up?" Bungad ni Niks nang dumating s'ya dito sa bahay. Nag-aya kasi ako ng sleepover tutal ay saturday naman bukas.
"Mamaya na ako magkikwento", sagot ko naman. She already knows na may kung anong nangyayari because I always call for a sleepover kapag may gusto akong ikwento sa kanila, mas feel ko kasi kapag personal kaming nag-uusap.
"Hello tita", bati n'ya kay mama na nakaupo sa sofa.
"Niks, nandito ka pala", bati naman pabalik ni mama.
Nagsidatingan na rin si Mica at Carol kaya inaya ko na silang pumunta sa kwarto.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa sahig na may mat. Nakapwesto kami in a circle position na akala mo ay may pagpupulong na gagawin.
"So ano nga?" Si Niks. Hindi talaga makapaghintay 'to.
Both Carol and Mica are just waiting for me to talk.
Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. "Naalala n'yo 'yong sinabi kong professor ko, 'yong hinalikan ko sa bar?" Sabay sabay naman silang tumayo. "She's actually kuya's girlfriend", tuloy ko.
"What?!" Carol exclaimed. Napasapo pa ito sa bibig.
"You're doomed", si Mica naman na iiling-iling lang.
"HAHAHAHAHA", as usual, si Niks na never nagseryoso.
"Tapos, ano na balak mo? Does your kuya knows?" Osyoso ni Carol. I can see that she's really interested, maybe because it also involves kuya.
"No. At wala na akong balak sabihin", sagot ko naman. "But my prof, kuya's girlfriend, she's, uhm, how do I say it", sandali pa akong nag-isip.
"She's hot", kumento ni Niks while smiling playfully. Eto nanaman s'ya. She's bisexual and she's open on us, same with Mica, but unlike Niks, Mica's lowkey and kind of secretive.
"No", pag-pigil ko naman sa mga naiisip n'ya.
"You don't find her hot?" Niks asked while her brow are arching. "I saw her at your kuya's birthday and damn she's flamin' hot", kumento ni Niks, akala mo pa may iniimagine dahil nakatingin ito sa kawalan habang nagsasalita kaya binato ko sakan'ya ang unan na yakap ko. Hindi ko alam kung naiinis ako because she keeps on asking stupid questions or because she's thinking inappropriate things about Miss Herero.
"Shut up, Niks. Gusto mo pa bang ituloy ko kwento ko?" Pagsusungit ko na.
"Tigil na kasi, Niks", bumaling naman ngayon si Carol sa'kin. "Tuloy mo na"
"Ayon nga, she's irritating me. Pakiramdam ko sinasadya n'ya because earlier, there's a badminton match tapos kami 'yong magkalaban and she keeps on irritating me. Halatang nang-aasar. And also, pinag-iinitan n'ya ako during our class, particularly on recitations. Napipiga utak ko sakan'ya", pagra-rant ko nang dire-diretso.
"Hmm", nakahawak pa si Niks sa chin n'ya, kunyari nag-iisip. "Wala ka na bang ibang atraso sakan'ya? Baka may pinanggagalingan"
"Yeah, she's a professional so she wouldn't act that way kung wala kang ginawang makaka-trigger sakan'ya", dugtong ni Mica in her serious tone.
Hindi agad ako nakasagot.
"So meron nga?" Si Carol.
"Ahmm", I'm a bit hesitant kung sasabihin ko ba ang totoo.
"Spill it, Free. We shouldn't be one sided here", Mica said.
"I", halos hindi ko masabi ang salita. "I kissed her again..", nahihiyang wika ko. Napaiwas pa ako sa kanila ng tingin.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]
RomansaStory Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her complete family and friends. A cheerful yet strong and brave girl. Miss Avilyn Anderson-Herero - a col...