Chapter 43: Back Together

21.8K 734 121
                                    

Malaya's POV

"I'm nervous." Wika ni Avi nang makababa kami sa kanya kanya naming sasakyan. Mahahalata nga sa kanya na kinakabahan s'ya.

"Hindi naman 'to first time na mami-meet mo si mama ah." Usal ko.

"Yes but it's my first time meeting her as your girlfriend." She stated. I held her hand para pakalmahin s'ya. Ang lamig ng kamay n'ya.

"Alam mo naman gaano kabait si mama. Isipin mo kapag nakilala ka na n'ya, pwede ka na pumunta dito anytime." Pangungumbinsi ko. She intertwined her fingers on mine at hinigpitan 'yon. "Can we go inside na?"

She breathe deep. "Yeah."

Pinagbuksan kami ng isa sa kasambahay namin. Dumako agad ang tingin n'ya sa magkahawak naming kamay, nginitian ko lang s'ya.

"Si mama, Ate?" Tanong ko rito.

"Nasa taas po. Tawagin ko po ba?"

"Opo." Sagot ko naman. Pero hindi pa nakakaakyat si Ate ay naglalakad na pababa ng hagdan si mama.

"Oh, Free at Avi?" Mukhang nagtaka si mama sa biglang pagdating ni Avi rito o baka akala n'ya lang na s'ya si Miss Harm? Dumausdos pababa ang tingin n'ya sa kamay naming magkasiklop. Biglang nagseryoso ang mukha n'ya tapos umangat ulit ang tingin sa amin.

"Ma.. si Avi po, girlfriend ko." Kinakabahang usal ko. Kanina ay wala akong kakaba kaba pero ngayon ay mabilis na rin ang kabog ng dibdib ko. Dahil siguro sa expression ni mama. Hindi agad nagsalita si mama kaya pinisil ni Avi ang kamay ko.

"Tita, if you won't allow our relationship po. I'm willing to court Malaya, to prove myself to her and to you as well po." Magalang na usal ni Avi.

"Ayoko." Madiing wika ni mama. Parang uni-unti akong nanlumo sa sinabi n'ya.

"Mama.. ngayon lang naman-" hindi ako natapos sa pagsasalita dahil pinutol ni mama ang sasabihin ko.

"Ayokong manligaw ka kay Free, Avi." Madiing usal ulit ni mama. "Dahil hindi na kailangan. Kung gusto ka ni Free, ayos lang sa'kin, kung saan s'ya masaya." Dagdag ni mama at saka ngumiti nang malapad.

"Mama! Pinakaba n'yo kami!" I exclaimed na parang nagdadabog na bata. Lumapit ako sa kan'ya para yakapin s'ya. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako kanina.

Tumatawa lang si mama na nakayakap din sa akin. Ang lakas ng trip ni mama.

"Pansin ko na kayong dalawa dati pa. Hinihintay ko lang na magsabi kayo pero hindi ko nahintay." Nakangiting kwento ni mama. Nakaupo kami ngayon sa sofa.

Nagtinginan kami ni Avi. Really? Gano'n ba kami kalahata noon o sadyang ramdam lang ni mama dahil sa mother instinct n'ya?

"Talaga, ma?" Medyo hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo naman. Nanay mo 'ko, hindi ka makakapagtago sa akin." Sagot ni mama. "Alam na ba 'to ni ate Girly?" Biglang tanong ni mama.

"Hindi pa po pero sasabihin ko rin sa kanya para s'ya ang magsasabi kung anong dapat gawin." Sagot ko naman. Tumango lang si mama.

"Avi," bumaling s'ya kay Avi. "Just don't ever hurt my daughter ha?"

Avi immediately nod her head. "I promise, Tita." She answered while smiling.

"Ipaalam n'yo rin kay Owen, baka magtampo sa'yo 'yon, Free."

"Opo, ma." Isa pa pala si kuya. Ayos na kaya sa kanya? Pero hindi ko na patatagalin, tutol man s'ya o hindi. Ayoko nang maulit 'yong dati na sobrang sikreto kahit sa mismong family ko. Mahirap gumalaw.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon