Chapter 12: Unexpected Visitor

19.6K 975 308
                                    

Malaya's POV

"Pass your papers." Wika ng isang subject teacher ko for the last period. Eto na ang last exam ko for midterms kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko naman ay pasado ako sa lahat, hindi na ako naghahangad ng mas mataas na grades, kung pasado naman ang tres, aanhin ko pa 'yong sobra diba.

Isang buwan na nakakalipas pero I'm still stuck with those scenarios in my head. Nangyari lahat sa dalawang araw lang. Now, kuya's nowhere to be found. I tried reaching him out pero hindi na s'ya macontact. Sinubukan ko ring tawagan at puntahan si kuya Kieffer pero hindi ko rin s'ya mahagilap. Wherever he is, sana maayos s'ya. And I'm also worried about mama, since that incident, medyo naging malulungkutin s'ya, I often see her crying which is heartbreaking pero I can't do anything aside from comforting her. Si papa naman ay balik sa dati, busy sa work.

Hindi ko na rin s'ya natanong sa reason n'ya on why she made Miss Herero as her girlfriend. Halata namang gusto n'yang pagtakpan ang sarili n'ya pero mali parin.

And speaking of Miss Herero, hindi na s'ya nagtuturo sa'min. May substitute teacher na kami, nawala s'ya nang hindi nagpapaalam, at isang buwan ko na rin s'yang hindi nakikita. Si Miss Harm oo, nakikita ko parin because we often bump into each other, babatiin ko lang s'ya, babatiin n'ya ako pabalik and that's it, ganon nalang ang interaction namin.

Hindi ko rin maiwasang isipin na baka may kinalaman 'yong huling pag-uusap namin sa biglang pagkawala n'ya. O 'yong nangyari sa kanila ni kuya. Basta alam kong may kinalaman ang isa sa mga 'yon. As much as I wanted to talk to her ay pinigilan ko muna ang sarili ko, halata namang ayaw niya nang pag-usapan, isa pa, hindi ko rin naman alam kung saan siya pupuntahan, nahihiya akong magtanong kay Miss Harm.

Napabuntong hininga nalang ako at winaksi muna ang mga gumugulo sa isipan.

At exact 5PM ay naglalakad na ako palabas ng campus nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dali dali kong nilabas ang foldable umbrella ko at ginamit 'yon. Bago kasi makarating sa parking lot ay dadaan muna sa quadrangle which is open space kaya walang masisilungan.

Medyo madilim na because of the clouds. Iilan nalang din ang students na nandito sa school dahil halos lahat ay nag-uwian na rin.

I sharpen my eyes when I saw someone at the hallway, she's just standing there properly. Nakasuot ito ng cap so I can't see her face kaya lumapit ako.

"Miss Harm?" Tanong ko nang nakalapit na ako. I saw her body stiffened for a bit but she immediately composed herself.

Inilapag ko muna ang payong ko sa sahig. Napakagat ako sa labi ko nang humarap siya sa'kin. Hindi si Miss Harm kundi si Miss Herero. Parang kanina lang ay iniisip ko pa s'ya and now she's here.

"M-Miss Herero, ikaw pala", kinakabahang bigkas ko. I didn't expect that it was her because I haven't seen her for almost one month. Hindi s'ya nagsalita. "May hinihintay ka po, Miss?" I asked.

"None." Tipid niyang usal at saka humalukipkip.

Ilang araw ko ng sinasabi sa isip na gusto ko syang kausapin but now that she's here, I can't seem to find the courage to open the topic about last time we talked or I should say, argue.

"Bakit hindi ka pa po umuuwi?" Naglakas ulit ako ng loob na magtanong.

She fished for her phone and open it, dahil sa liwanag no'n ay naiilawan ang mukha niya kaya nakita ko s'ya nang mas malinaw. Napako nanaman ang tingin ko sa mukha n'ya, we're standing one meter away but I can clearly tell how perfect her face is.

"I don't have my umbrella with me." Nagulat naman ako nang sumagot siya, akala ko hindi niya papansinin 'yong tanong ko.

Dahil do'n ay nakaisip naman ako ng paraan para bumawi, kahit sa ganitong way lang. May atraso ako sakan'ya last time. I crossed the line of her privacy for asking personal question.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon