Malaya's POV
"Miss Harm and Miss Herero!" Tumayo pa si Niks para salubungin ang dalawang propesor. Ako naman ay hindi nalang ulit humarap sa kanila dahil naiinis ako kay Niks, pakiramdam ko sinadya n'ya 'to.
Kung aalis agad ako rito, nakakabastos naman tingnan. Baka isipin nilang ayaw ko talaga silang makasama so I'll just stay here at saka aalis maya-maya.
"Kuha lang po ako ng upuan sa loob", wika ni Niks at saka pumasok muna sa loob ng beach house.
"Tulungan ko lang po s'ya", sagot ko naman at saka humarap sa dalawang propesor. Nagtama pa ang paningin namin ni Miss Herero, nando'n nanaman 'yong expression n'yang hindi ko maintindihan.
Pumasok na ako sa loob, kasunod kay Niks.
"Hoy, Niks, nananadya ka, 'no?" Naiinis na tanong ko rito.
"Hindi ah. Baka destiny lang naglalapit sainyo", sagot naman nito at saka nagpunta sa kusina kaya sinundan ko.
"Ayoko ng ginagawa mo, Niks. The more na napapalapit ako sakan'ya.."
"The more na nahuhulog ka?" She asked while smiling. May kinuna ito sa isang hanging cabinet at inabot sa'kin.
"Ano 'to?" Hindi ko pinansin 'yong tanong niya kanina.
"Betsin", sagot n'ya nang kunin ko 'yon sa kamay n'ya.
"Aanhin ko?"
"Betsinin mo si Miss Herero", she answered at saka binuhat na 'yong dalawang upuan na kinuha n'ya para sa dalawa.
"Gago." Mura ko sakan'ya. Binalik ko 'yong betsin kung saan n'ya kinuna at bumalik na sa labas.
Pagdating namin ay nakaupo na ang dalawang propesor kaya kami nalang ni Niks ang naupo sa dalawang bagong upuan.
Anim kaming magkakaharap sa table. Si Miss Harm at Miss Herero ay magkatabi, magkatabi rin kami ni Niks na nakaharap sa kambal. Si Carol at Mica naman ay nasa magkabilang dulo ng table.
"Kulang pa pala ng dalawang baso", pansin ni Carol.
"Ako na-", akmang tatayo na ako nang pigilan ako ni Niks at s'ya na ang tumayo para kumuha.
"Opo, Tourism course ko, dream ko na po kasi maging FA since then", sagot ni Carol kay Miss Harm na masayang nakikipagkwentuhan sa kanila.
Ako naman ay parang tangang ayaw tumingin sa harapan ko dahil nasa tapat ko mismo si Miss Herero at pag nag-angat ako ng tingin ay siguradong magtatama ang mata naming dalawa and I don't want to make it harder for myself. Ramdam ko kasi 'yong tingin n'ya sa'kin using my peripheral vision. Ang obvious n'yang tumingin, syete.
"How about Mica?" Lumipat naman ng tingin si Miss Harm kay Mica na tahimik lang na nakikinig.
"PolSci po, Miss Harm", Mica said and smiled slightly.
"Are you planning to take law?" She seems amazed sa course ni Mica.
"Hopefully po", magalang na sagot ni Mica.
"That's nice", kumento ni Miss Harm. "It was also my dream when I was a kid but my preference changed." Kwento ni Miss Harm. Kung magiging abogada s'ya, sigurado akong maipapanalo n'ya lahat ng hawak n'yang kaso, o kung hindi lahat, most of it.
"I'm here na!" Niks shouted nang makabalik na s'ya dala ang dalawang baso. Sinuri ko munang mabuti 'yong baso, baka may nilagay na kung ano e. Clear naman, malinis.
Umupo na ulit si Niks sa tabi ko, inalinan n'ya lahat ng baso namin.
"Cheers, everyone!" She exclaimed at saka itinaas ulit ang baso n'ya kaya nakigaya nalang kami.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]
RomanceStory Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her complete family and friends. A cheerful yet strong and brave girl. Miss Avilyn Anderson-Herero - a col...