Chapter 39: Chit-chat

19K 777 662
                                    

Malaya's POV

"It's mine." Napabaling agad ako nang magsalita ulit si Avi. Woah, ngayon ko lang yata s'yang maririnig na kumanta. Inabot n'ya ang mic na binigay ni Niks.

Siniko ako ni Niks at nginuso n'ya ang TV kaya tumingin ako do'n.

Still Into You by Paramore.

"Pftt," pigil tawa ni Niks. "Kanta ng hindi maka move-on."

"Shut up, Niks."

Tumayo si Avi habang diretsong nakatingin lang sa TV screen. Parang lahat kami ay natahimik. Maybe because it's our first time to hear her sing. Pakiramdam ko maganda naman ang boses n'ya 'cause her speaking voice is also nice.

"Can't count the years on one hand
That we've been together
I need the other one to hold you
Make you feel, make you feel better"

Unang stanza palang ay kinilabutan na ako. Ang ganda ng voice n'ya, she sounds like the original singer of the song.

"Wow.." napabulong nalang si Niks sa pagkamangha. Hindi ko alam pero bakit ganito.. why do I feel proud of her? Gosh, Malaya.

"Tch." Narinig ko naman ang asar na tono ng katabi ko.

Avi continue singing, sobrang seryoso n'yang kumanta. Dahil maganda ang vibe ng song ay napapasabay na rin halos lahat kami. Ang ganda rin kasi ng boses. Pati si Niks kanina na naiinis sa kan'ya ay sumi-second voice pa.

"I'm Still Into You.." napasabay na ako sa last line ng kanta. After she finished her song ay tumingin muna s'ya sa'kin before going back to her seat. Napaiwas ako ng tingin. Bakit pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko ngayon?

"Saan ka pupunta?" Gael asked nang tumayo ako.

"Kukuha lang ulit ako ng pulutan at alak." I answered. Kinuha ko 'yong dalawang plate na wala ng laman, pati 'yong isang bote na ubos na. Marami rin kasi kami kaya ang daling naubos. Tumango lang s'ya at kinuha ang song book, maghahanap yata ulit ng kakantahin.

Nandito na ako sa kusina, binuksan ko muna ang ref para kunin ang pwedeng pang pulutan.

"What can I help?"

"Ay shit!" Napasigaw pa ako dahil sa gulat. Nang lumingon ako sa likod ay si Avi pala. Napahawak pa ako sa dibdib ko.

"Sorry.." paghingi n'ya ng paumanhin. Halata namang nagulat ako. And I don't know why my heartbeat is racing, dahil ba sa nagulat ako o dahil ang lapit na namin ngayon. But what surprised me more ay ang paghingi n'ya agad ng tawad. Parang hindi ko kasi naalalang nagsorry s'ya sa'kin sa ginawa n'ya noon.

"Sorry, Miss Avi.. Ikaw pala." Ginawa kong pormal ang boses ko. Nagsalin ako ng pulutan sa dalawang plate, I tried my best na pigilan ang panginginig ng kamay ko. Masyado kaming malapit. Hindi ko pala kaya, kanina, pakiramdam ko'y wala na s'yang epekto sa'kin pero ngayon ay eto nanaman ang sistema ko.

"Can we talk?" Her raspy voice are doing it again. Gaya ng dati, pinapahina nanaman nito ang sistema ko, pinalalambot ang mga buto ko na parang gusto akong mahulog sa kinatatayuan ko. She's doing it again!

"We're already talking, Miss Avi." Madiing bigkas ko. Sinara ko ang ref saglit para kumuha ng bote ng alak sa hanging cabinet pero nang mabuksan ko 'yon ay inunahan na n'ya akong kumuha kaya ang ending ay humarap ako saka'ya. Ang kamay n'ya ay nasa magkabilang gilid ko na habang ako ay nakasandal sa kitchen counter. We're so close.

"Let's talk, please.." masuyong pakiusap n'ya. Dahil sobrang lapit namin ay amoy na amoy ko ang alak at pabango n'ya. The same smell from years ago. Parang bumabalik tuloy lahat.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon