Chapter 27: Take it Slow

20.1K 966 404
                                    

Malaya's POV

"Mommy, stop it. She's just my student." Avi said while looking at me.

Aray, ramdam ko 'yong puso ko, parang unti-unting naghihiwalay into tiny pieces.

Parang no'ng isang araw lang umiiyak pa s'ya sa harapan ko ah, ngayon, hays.

Pinilit kong ngumiti sa harapan ng parents ni Avi. Ramdam ko 'yong pagsulyap sa 'kin ng mga kaibigan ko kaya ngintian ko lang din sila.

"Entertain your friends, do'n muna kami." Paalam ni tita Jade, nauna na silang umalis kasama n'ya si tita Eve.

Naiwan kaming magkakaibigan with the twins and Saji. Wala agad nagsalita, mistulang may dumaang anghel sa pagitan naming pito.

"Kukunin ko lang gift ko." Paalam ko sa kanila at naglakad na ulit palabas. Hindi ko na rin hinintay na pigilan nila ako. Ramdam ko nang nangingilid ang luha sa hilid ng mga mata ko.

Why am I acting like this e totoo naman? Truth hurts, ika nga. Pero we both confessed last night, she could have atleast say we're friends. Baka matanggap ko pa.

Pumasok muna ako sa kotse ko, nasa passenger seat 'yong cage kung saan nando'n ang kuting na regalo ko para kay Avi.

"Meow.." natawa ako nang mag-meow ang pusa habang nakatingala sa 'kin.

"Oo, student lang daw ako ng amo mo. Tama naman." Pagkausap ko sakan'ya as if maiintindihan n'ya ako.

"Meow meow.." aba sumagot ang pusa.

"Tama ka. Hindi nalang kita ibibigay sakan'ya, ako nalang mag-aalaga sa'yo." I said looking at the cute kitten while wiping the side of my eyes. Ayokong umiyak, masisira ang make-up ko.

Napalingon ako sa left side nang may kumatok sa bintana. Sinilip ko 'yon, si Avi. I cleared my throat before opening the window.

"Po?" Tanong ko.

She hissed, akala mo'y nandidiri sa isang salitang binanggit ko. She said I'm her student so of course I should address her politely.

"Stop it, Ibañez." She said and rolled her eyes.

"Alin po?" I innocently asked.

"Tch." Naiinis na s'ya. "Where's my gift?" Tanong n'ya. Naawa na ko sakan'yang nakayukong nakatingin sa'kin.

"Excuse me po, lalabas ako." I said. Umatras naman s'ya pero nakarinig pa 'ko ng kung anu-anong binubulong n'ya pero hindi ko nalang pinansin.

Sabi ko hindi ko na ibibigay si mingming e pero dahil nandito na rin naman s'ya at wala akong ibang maireregalo, sige na, ibibigay ko na. Lumipat ako sa passenger seat at binitbit ang cage ni mingming.

"She's my gift." Wika ko while showing her the cute kitten.

"Meow.." usal nanaman ng pusa.

Lumapit sa'kin si Avi at inusisa ang pusang nasa loob ng kulungan. Tumingin muna s'ya sa'kin at saka tumingin sa pusa.

"What's her name?" Tanong n'ya habang hinahaplos ang ulo ng pusa na na-eenjoy naman ang ginagawa n'ya.

I shrugged. "You name her, she's yours."

"Okay, ma'am." May bahid ng pag-uuyam sa boses n'ya. Sandali s'yang nag-isip. "I'll name her Viya." Dagdag n'ya.

Nangunot nanaman ng noo ko. Nakakainis, napaisip nanaman ako, did she name her that kasi cute lang talaga o dahil..

"Let's go back inside." She commanded. Kinuha n'ya sa kamay ko ang cage ng kuting at s'ya na ang nagbitbit. Hinayaan ko nalang din.

Gano'n nalang talaga? Hindi manlang mag-eexplain about sa kanina? Or is there something to be talk about? Mayro'n ba, Free?

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon