Chapter 3: Miss Herero

23.2K 1K 592
                                    

Malaya's POV

The scenario earlier flashback on my mind.

"Girlfriend ng kuya mo", nang sabihin 'yan ni mama ay halo-halong emosyon talaga ang naramdaman ko. Kaba, takot, pagsisisi at kung anu-ano pa.

"Maganda ba, kapatid?" Kuya asked me while proudly showing his phone kung saan nandoon ang litrato ni Miss Harm.

Kinakabahan naman akong tumango at ngumiti nalang para itago ang kabang nararamdaman ko. Hindi na yata normal ang paghinga ko.

"Kailan pa naging kayo, k-kuya?" Hindi ko napigilan ang pagkautal ko pero salamat parin dahil hindi na 'yon pinansin ni kuya. Maybe, he's too overwhelmed dahil kitang kita ko ang saya sa mukha n'ya, parang ngayon ko lang ulit s'ya nakita nang ganito kasaya.

"Ngayon lang", nakangiti paring wika n'ya. Ngayon ay binaling na niya ang tingin sa akin. "Do you wanna meet her?" Sinserong tanong n'ya.

"O-of course, kuya. But not now kasi kakastart lang ng klase namin", sagot ko nalang. I don't want to disappoint him parin dahil kuya ko s'ya, kung saan s'ya masaya, doon din ako.

"Aish!" Naibato ko nalang ang unan sa pader dahil hindi ko na alam kung anong iisipin. It's sure thing a big problem kapag nalaman ni kuya dahil una, humalik ako nang basta basta, babae, propesor ko pa pala ang nahalikan ko at malala pa do'n ay girlfriend pala ni kuya. So how can I explain that kung sakaling mabuko n'ya?

Tanga, tanga, Free. Nasapo ko nalang ang ulo ko. I need to do something. Hindi pwedeng mabaliw lang ako dito kakaisip. But I'll be needing my friends' help. Isa lang naman ang kailangan kong gawin e, ang masiguro na hindi magsusumbong si Miss Harm sa kuya ko dahil dalawang relasyon ang maaring madungisan. Kuya and Miss Harm's relationship at relationship namin ni kuya as siblings.

The next day ay inagahan kong pumasok para maconfront si Miss Harm. Oo, lalakasan ko na loob ko, pwede naman sigurong idaan muna sa usapan bago magjump sa ibang plano kasama friends ko. Hindi ko muna sinabi sakanila kasi baka kaya ko pa naman i-handle mag-isa.

"Excuse me, alam n'yo po ba kung saan ang office ni Miss Hermione Herero?" I politely asked from of my classmate. She's a girl at iba agad ang dating ng tingin n'ya.

She run her eyes from my head to toe and then sarcastically look at my face again. "What?"

Pero dahil maangas ako; "Do you know kung saan office ni Miss Hermione Herero?" Inulit ko 'yong tanong ko.

"Bakit mo ba tinatanong?" Tanong nito sa mataray na tono. Tumayo na ito sa harapan ko, she's taller than me pero mas maganda ako.

"Kasi hindi ko alam. Tanga ka?" Tanong ko pabalik, gaya-gaya ko pa ang tono n'ya.

"Ooooww", I heard people said that. Napalingon ako sa labas, may audience na pala kami. Mukhang naagaw namin ang atensyon nila dahil hindi ko rin agad napansin na lumalakas na pala ang boses namin.

"How dare you--", she was about to slap me nang isang kamay ang humarang sa kamay n'ya. Napatingin ako kung kanina 'yon.

Gulat ang unang rumehistro sa mukha ko nang magtama ang paningin namin. Miss Harm is now standing next to us, seryoso nanaman ang mga mata nito at halatang hindi nagustuhan ang nadatnang eksena.

She heaved a sigh before speaking. "2nd day of classes and you're making a scene already?" She asked in a monotone yet cold voice. Napalunok naman ako. Sa'kin parin s'ya napatingin kaya napaiwas na ako. "Palalagpasin ko 'to but the next time it happen again, suspension", mariing banta n'ya. Inaasahan kong pupunta s'ya da desk n'ya pero hindi dahil nagtuloy tuloy s'ya palabas.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon