Malaya's POV
Finally, lunch break na. Nagmamadali muli akong lumabas. Hindi nalang ako aattend sa afternoon classes ko. First day palang naman, self introduction and orientation lang naman ang mangyayari.
After that confrontation sa washroom ay bumalik ako sa classroom nang lumilipad ang isip. Halos hindi ko na rin naintindihan ang pinagsasabi ng sumunod naming mga propesor dahil lumilipad ang utak ko.
Naglakad na ako palabas ng school. It feels weird, parang may nakasunod sa akin pero nang tumingin ako sa likuran ko ay wala namang tao. Kaya nagtuloy-tuloy nalang ako sa paglalakad.
When I finally reach my car ay may biglang sumulpot sa likuran ko kaya nabitawan ko ang phone ko sa gulat. Bumagsak 'yon sa simentong sahig. What the.
Lumingon ako sa likuran ko and I saw, again, that Kris' annoying face. Napairap nalang ako.
"Ang sungit mo naman", he said with a slight grin. Sumandal pa s'ya sa pinto ng kotse ko habang nakapamulsa.
"Alis d'yan", pagtataboy ko sakan'ya dahil hindi ako makapasok sa kotse ko, nakaharang s'ya. Gustong gusto ko nang umuwi, o kahit di muna ako umuwi, gusto ko munang pumunta sa kung saan, basta malayo dito sa school.
"Hindi ako aalis hanggang hindi mo ako sinasagot", he said sa matigas na tono pero mahihimigan ko paring ang kayabangan sa boses nito.
"Ano bang tanong mo?" I asked para matigil na dahil kung araw araw n'ya akong bibwisitin ay baka hindi ako makapagtimpi. Bigla s'yang umayos ng pagkakatayo at nilapit ang mukha sa akin kaya agad naman akong umatras.
"Tayo nalang?" He asked without sincerity dahil kitang kita ko ang nakakakilabot na ngisi sa labi n'ya. Literal na kinilabutan ako dahil tumaas ang mga balahibo ko.
"Seriously? Baliw ka ba?" Tanong ko sa nagmamatapang na tono. I'm trying my best to look firm kahit nakakaramdam na ako ng takot sa paraan ng pagtitig n'ya.
Mas lumawak pa ang ngisi n'ya, bumaba ang tingin n'ya sa labi ko at kasabay no'n ang pagbasa n'ya sa labi n'ya gamit ang dila n'ya. Gosh, so gross. Parang manyakis.
Mas nilapit pa n'ya ang mukha n'ya sa'kin kaya sasampalin ko sana ang mukha n'ya pero napigilan n'ya ang kamay ko. He's stronger than me dahil halata naman sa frame ng katawan n'ya na mas malaki kaysa sa akin.
"Get off me!" I exclaimed nang mas lalong humigpit ang hawak n'ya sa kamay ko.
"You should be thankful na pinapansin kita at hinahabol kita nang ganito. Girls are drooling over me", wika n'ya. Hindi na ako makapagsalita dahil sa takot. Unti-unti n'yang inilapit ang mukha n'ya sa akin kaya pilit ko namang nilalayo ang akin pero dahil hawak n'ya ang kamay ko ay hinihila n'ya ako gamit 'yon.
Natigil s'ya sa paglapit nang may magsalita malapit sa amin.
"Mr. Fuelo", wika ng isang babae sa seryosong tono. Sabay kaming napatingin do'n. Si Miss Harm. Dahil sa naagaw n'ya ang atensyon ni Kris ay naagaw ko ang kamay kong hawak-hawak n'ya.
"Miss Harm?" He asked in an unsure manner. Nagtaka naman ako sa naging reaksyon n'ya. Hindi ba s'ya sigurado na si Miss Harm 'to.
"No." Miss Harm answered. Mas lalo akong naguluhan dahil sa naging sagot ni Miss Harm. So she's not Miss Harm? So sino s'ya? A doppelganger? "Can I know what you two are doing here in the parking lot? A public place?" She asked sarcastically, giving emphasize to the words 'public place'.
Oh no, she may had misunderstood something. "Ma'am, we're not doing anything po", I said defensively dahil 'yon naman ang totoo. Baka hindi n'ya lang nakita nang maayos ang sitwasyon dahil nasa likod s'ya ni Kris.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]
Roman d'amourStory Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her complete family and friends. A cheerful yet strong and brave girl. Miss Avilyn Anderson-Herero - a col...