Chapter 18: Pride March

21.7K 1K 328
                                    

(AN: Happy pride month mga beh. 🤗)

~~~

Malaya's POV

"So, para sa final requirement n'yo sa subject ko, I want you to conduct a research", wika ni Ma'am Vanessa, isa sa instructor namin. Agad naman nag-ingay ang buong klase and as usual, puro complains ang maririnig mo. Gano'n din naman ako, like hello, 1 month nalang matatapos na 'yong sem tapos ngayon lang magkakaro'n ng mini research na 'yan?

"Ano ba 'yan, bakit ang late naman i-announce", reklamo ni Ivy sa tabi ko. Same, Ivy.

"Quiet", si Miss Van. "Bilang consideration, kayo nalang ang mamili ng groupmates n'yo. Group yourselves into 3", she instructs us. Nagtayuan naman ang mga kaklase ko, lumapit sa kung sino ang gusto nilang maging kagrupo.

"Free, group tayo", wika ni Ivy sa gilid ko.

"Sige", sagot ko naman. Hindi na ako pwede maging choosy dahil s'ya lang naman ang kumakausap sa'kin. 'Yong iba kong kaklase ay mukhang hindi ako gusto.

"Hahanap pa ako ng isa", she said at saka tumayo at kumausap ng kung sino para makabuo kami ng isang grupo.

"Eto nalang daw si Jerald kagrupo natin", pakilala ni Ivy sa isang lalaki na mukhang mahiyain dahil medyo nakayuko itong humarap sa'kin. Nakasalamin ito ng makapal habang ang buhok ay may hati sa gitna.

"Sige", sagot ko at nginitian si Jerold. He just smiled shyly.

Next meeting daw ay magkakaroon ng research title defense. Hindi naman na bago sa'min 'to, it's not the first time na gagawa kami pero ang mga kagrupo ko kasi no'n ay sila Niks. Si Mica and Niks ang nagtulungan sa pag-eedit ng mga infos while kami ni Carol ang nagsusupply. Ang ganda ng team namin no'n, sana maging maayos din ngayon.

Una naming ginawa ay nagbigayan muna ng social media accounts para gumawa ng gc.

"Usap tayo mamayang dismissal sa library, ha?"

"Sige", sagot naman nilang dalawa.

~~~

"Hoy, Free!" Sigaw ni Niks mula sa screen ng phone n'ya. Kasalukuyan kaming naka-vc na apat dahil aayain daw kami ni Niks bukas to attend pride month.

Oo naman kami agad. It's not my first time to attend dahil I'm an ally pero bukas 'yong first time na aattend ako being part of the LGBTQ kaya naeexcite ako.

"Oh, bakit?" Nakabusangot na tanong ko. Buti nalang nasa screen lang 'yong mukha n'ya at hindi ako mabubulyawan nang harap-harapan.

"Tinatanong kita kung humihinga ka pa", sarkastikong tanong nito.

"Malamang", sarkatisko ko ring sagot.

"May prob ba?" Si Carol naman ang nagtanong. Gano'n na ba ako katagal na tulala at pansin na pansin nila?

"Nag-iisip kasi ako ng topic sa research namin." Sagot ko habang nakapangalumbaba kaharap ang laptop.

"'Yan lang pala, e. Ez." Mayabang na kumento ni Niks.

"Oh, bakit? May naiisip ka?" Mataray na tanong ko.

"Negative impacts of research among college students" Niks answered seriously na akala mo'y maganda talaga 'yong suggestion n'ya.

"'Di pa nagsisimula, rejected na agad 'yang title na 'yan", walang emosyong sagot ni Mica.

"Ipapahamak mo pa grado namin", umiiling iling na bigkas ko. Medyo stress agad ako, 'yong dalawang kagrupo ko kasi hindi nagreresponse sa GC namin, seen lang. Kung gagan'yan lang sila, baka sabihin ko sa instructor namin na humanap nalang ako ng bagong ka-grupo.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon