A/N: Marami akong time. Lol.
~~~
Malaya's POV
Nakasalampak kami ngayon sa may na nakalatag sa sahig. Pagkatapos naming kumain kanina ay nagpababa lang kami saglit ng kinain at nag-aya na si Niks na maglaro na raw ng spin the bottle na mukhang pinaghandaan n'ya talaga.
Sabi ko kanina, I'll talk to Miss Avi when I have the chance pero parang nawala 'yong lakas ng loob kong lapitan s'ya dahil pakiramdam ko may galit s'ya sa'kin. Everytime, literally everytime na dadako ang tingin ko sakan'ya, kung hindi magsasalubong ang kilay n'ya ay iirapan n'ya ako.
"Okay, game!" Niks excitedly said while holding the glass bottle.
Ang pwesto namin ay paikot, ako, Lara, Maria, Miss Harm, Miss Avi, Saji, Niks, Carol, at katabi ko sa kabilang side si Mica.
Nakaready na rin 'yong isang glass bottle ng hard drink, kasama 'yong mga shot glass na hindi mukhang shot glass sa laki nito. Kapag pinuno 'yan, parang isang shot lang mahihilo ka kaagad e.
"Spin na!" The girt at my left said exclaimed. Si Lara, tuwang tuwa rin sa naisip na gimik ni Niks.
Nakay Carol naman 'yong glass bowl kung nasaan nakalagay 'yong SPG Edition truth and dares na ginawa raw kunno ni Niks.
"Dahil birthday ko, ako unang mag-i-spin." Niks said. Napahinga muna ako nang malalim. Sana hindi ako maturo. Napatingin ako sa propesor na halos katapat ko, she's also looking at the bottle na umiikot parin hanggang ngayon.
"Ayan na!" Carol exclaimed. Unti-unti nang bumabagal ang pag-ikot nang baso at ilang segundo lang ay huminto na 'yon.
"Hoy, bakit gano'n?!" Reklamo ni Niks.
"HAHAHAHAHAHAHAHA" tawanan naming lahat. Kay Niks kasi unang tumuro ang bote.
"Ayan, spin pa more." Natatawang bigkas ko. Inilapit na sakan'ya ni Carol ang bowl kung saan nakalagay 'yong mga papel.
"Kainis." Wika pa n'ya bago bumunot do'n.
"Ako magbabasa." Inagaw ni Carol sakan'yo 'yong maliit na piraso ng papel na nakatupi. "Baka dayain mo."
"Ano naman tingin mo sa'kin?" Angal pa ni Niks.
"Shhh. Read it na. I'm excited!" Saji giggled. Parang may something sa dalawang 'to e. Niks and Saji, lagi magkadikit.
"Eto na," binuksan na ni Carol ang lukot na papel. Kitang kita agad sa reaction n'ya kung gaano kakalat 'yong tanong. "Hayop HAHAHAHAHAHA. Truth nabunot mo, Niks. The question is, when's the last time you watched porn?" Tanong n'ya habang natatawang nakaharap kay Niks.
Pati ako ay hindi ko mapigilang matawa sa tanong. Ginusto n'ya 'yan e. Panindigan n'ya.
"My poor cousin." Kumento ni Lira while slightly smiling. Napatingin ako sa dalawang propesor, si Miss Harm ay nakikitawa while Miss Avi ay seryosong nag-aabang ng sagot.
"Ano na, Niks?" Carol asked. Niks is biting her lips and I can't help myself kundi tawanan talaga s'ya.
"Yesterday." She answered. "Don't judge me, it's normal!" Pagmamaktol pa n'ya.
"No one's judging you, Niks." Natatawang wika naman ni Mica. "Okay, next." Since si Niks ang unang naituro ng bote ay s'ya na ulit ang nag-spin nito. Eto nanaman 'yong kaba ko. Nakatutok lang lahat nga atensyon namin sa umiikot na bote.
I'm crossing my fingers para hindi ako ako maturo ng bottle. Grabe 'yong dagundong ng dibdib ko nang unti-unti nang humihinto ang bote at parang sa'kin pa hihinto. Laking pasalamat ko nang sa katabi ko huminto.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]
RomanceStory Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her complete family and friends. A cheerful yet strong and brave girl. Miss Avilyn Anderson-Herero - a col...