Chapter 30: New Year (SPG)

27.6K 920 383
                                    

Warning: R18. Read at your own risk.

Malaya's POV

Nandito na kami ngayon sa mansion ng Anderson-Herero family. Yes, natuloy kami. Nagustuhan din ni mama at papa ang idea para mas makilala raw ang family nila Avi dahil kaibigan din naman s'ya ni kuya and professor ko na rin. Sana pala sinabi ko na 'yong about sa'min ni Avi, feeling ko naman tanggap ni papa. Para wala sanang iwasan sa pagitan naming dalawa. Ang hirap magpanggap na casual kami pag nasa harap ng family.

May mga dala rin kaming foods para may ambag naman kami. Nagsuot lang ako ng black casual dress, hindi masyadong pormal. Eto 'yong sabi ni Avi.

Gaya ng reaction ko no'ng unang beses akong nakapunta rito ay manghang mangha rin sila mama. Gano'n din si kuya Owen because it's his first time raw dito, medyo weird dahil nauna silang maging magkaibigan ni Miss Avi pero I just shrugged, ayoko munang mag-isip ngayon.

Bitbit ko ang ilang dala naming pagkain, nakay kuya ang iba dahil naka-wheelchair parin si papa at tulak-tulak s'ya ngayon ni mama. Pagdating ay sinalubong kami ng mga kasambahay nila ay kinuha ang mga dala namin.

Pagpasok sa loob ay sinalubong naman kami ng parents ni Avi. Nakipagkilala muna sila kay mama at papa. Sunod ay si kuya, huli nila akong nilapitan.

"Good evening, tita Eve and tita J-jade." Nahihiyang bati ko. Naalala ko kasi 'yong nangyari last time, nahuli n'ya kaming may ginagawang kababalaghan ni Avi. Bumeso rin ako sa kanilang dalawa.

"Good evening ,hija." Bati naman nila pabalik. Tita Jade is smiling pero pakiramdam ko may kung ano pang ibig sabihin ang ngiti n'yang 'yon. Mas lalo tuloy akong nahihiya.

"Tito, tita." Napalingon kami sa nagsalita. It's Avi, wearing a black sleeveless dress with her hair in a messy bun and her face with light make-up, we're kinda matchy-matchy ng suot at ayos. Itinikom ko ang bibig ko bago ko pa maiwan 'yong nakanganga. "Good evening po."

"Good evening din, hija." Wika ni mama na sinundan ni papa. Nakipagbeso rin si Avi kay mama at papa, pati na rin kay kuya Owen.

"'Nak, bumati ka naman sa professor mo." Wika ni mama habang nakangiti sa kanila.

"Good evening, A-Miss Avi." Bati ko rin at nagbigay ng pilit na ngiti. Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon pero pakiramdam ko mukha akong majejebs dahil sa hiya sa parents ni Avi at pangalawa sa pagkailang. Ang hirap magpanggap.

Habang wala pang hatinggabi ay inanyayahan muna kami rito sa living room nila para makipagkwentuhan. My parents and Avi's parents are enjoying each other's company. Sumunod ding dumating kanina si Miss Harm na nakasuot din ng dress pero kulay puti naman.

Kasama rin namin dito sa living room si kuya, ako, si Miss Avi at Harm. Si kuya at Miss Harm ay nakikisali sa usapan ng mga nakatatanda pero kami ni Avi ay tahimik lang, para kaming nagpapakiramdaman. It's also kinda awkward.

I'm feeling like need ko gumamit ng comfort room so I excused myself.

"Excuse me lang po. Comfort room lang po ako." Paalam ko sa kanila.

"Ate, samahan mo naman si Free." Wika naman ni tita Jade.

"Ako na po." Wika naman ni Avi bago pa makalapit ang isa sa kasambahay nila. Napatingin ako sakan'ya, tumayo na s'ya kaya tumayo na rin ako.

"Okay." Tita Jade said with a slight grin on her face.

"Let's go?" Avi said kaya napatingin ako sakan'ya and nodded my head.

"Wait lang, sabi ko CR lang." Pigil ko sakan'ya nang mapansin kong dadaan kami sa dating dinaanan namin no'ng birthday celebration n'ya, papunta sa room n'ya. Imposible namang walang CR sa first floor nila.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon