Malaya's POV
Nandito na nga kami sa isang bar. Nag-chat ako kay mama na malilate ako ng uwi, kampante naman ako dahil kasama naman ni mama 'yong kasambahay namin. Bago kami pumunta dito ay kumain din muna kami sa isang resto kanina.
And yeah, sumama rin ako dahil why not? Tutulungan na raw ako ni Miss Herero sa research ko e. Sino ba naman ako para tumanggi. Isa pa, si Miss Herero na 'yon e. The great gorgeous professor. Friends na rin kami sa facebook, ako na 'yong nag-add sakan'ya, nakakahiya naman kung s'ya pa mag-add sa'kin, feeling special ako masyado no'n.
We're currently in a long table. Nasa second floor kami which is the VIP area. We can see up here the people from the first floor. May mga nagsasayawan na sa gitna pero hindi pa gano'n karami because it's just 8PM, maaga pa for the party people.
"Just ladies drinks for all, please", Miss Harm said on the waiter who's currently taking our order. Nakahinga ako nang maluwag because as I've said, ayoko ng mag-alaga ng lasing, nakakabaliw. Lalo ngayon, nasa malayong lugar kami, hindi namin alam kung saan sila i-uuwi kung sakaling malasing sila.
"Wait," huminto ang waiter sa pag-alis. "Two hard drinks for two", Niks said while pointing to herself and Saji beside her.
"Niks, baka malasing ka", pigil ko.
"Ako bahala", she said and winked at me. Ako bahala raw e tumba naman no'ng nasa beach kami. Para sa kanilang dalawa pa ni Saji 'yong hard drinks ha. Kanina pa silang dalawa naghaharutan, mukhang same vibes sila e.
Nakaupo kami sa pabilog na couch. Mica, Carol, Ako, Niks, Saji, Miss Harm at Miss Herero. Gan'yan ang pwesto namin.
"Sabi mo kanina hindi ka sasama ah. What made you change your mind?" Carol asked teasingly. May pasundot pa ito sa tagiliran ko.
"Wala lang, naisip kong minsan lang naman may ganitong night out", pagsisinungaling ko. If it's not Miss Herero's chat, siguro'y nasa bahay na ako.
"Sus", 'di naniniwalang kumento ni Carol. Nagkibit-balikat nalang ako. Kung 'di s'ya naniniwala, okay, 'di ko parin sasabihin 'yong totoo. Hindi ko parin naman sigurado kung matutulungan n'ya talaga ako. Simula kasi no'ng nangyari sa beach hindi na ulit kami nag-usap.
"Let's dance!" Aya ni Niks habang hawak ang drink n'ya.
"Let's go!" Tumayo naman agad si Saji, bitbit din ang inumin n'ya. Sumunod din agad si Carol. Nagpunta na nga sila sa dance floor at nakihalubill sa mga taong nagsasaya.
"CR lang ako", paalam ni Mica at tumayo na.
"Bathroom", paalam din ni Miss Harm at sumunod na kay Mica.
Okay, naiwan kaming dalawa ni Miss Herero ngayon.
"Miss Herero..", tawag ko sa tahimik na propesor. Hindi s'ya lumingon, marahil ay hindi n'ya narinig kaya umusog ako ng kaunti, nasa kalahating metro nalang ang pagitan namin ngayon. "Miss Herero..", tawag ko ulit. Sigurado na akong naririnig n'ya ako ngayon dahil mas nilakasan ko na rin ang boses ko pero deadma lang s'ya. "Miss Avi," finally lumingon na s'ya.
"Yeah?" She questioned, nakataas nanaman ang isang kilay pero mukhang hindi naman nagsusungit, parang naghihintay lang ng sasabihin ko.
"About po sa research ko", humina ang boses ko.
"Don't worry, I'll help you. I'm still your professor, no biggy", dire-diretso n'yang wika and sipped from her lady's drink.
Wala na, sinagot na n'ya agad, ano pang itatanong ko?
"Can I ask a question po?" Nahihiyang tanong ko. It's now or never, wala naman kami sa school so pwede na siguro. It's the best time.
"Go on", tipid na sagot n'ya. She's still now looking at me, pinapanood n'ya lang ang crowd. Kita ko rin mula dito sila Niks na nagsasaya.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]
Lãng mạnStory Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her complete family and friends. A cheerful yet strong and brave girl. Miss Avilyn Anderson-Herero - a col...