Malaya's POV
Kuya's party just started and I'm now with my friends. They are so loud, at ang gugulo rin nila, may ilan pa kaming kasama na friends ni kuya pero malayo na sila sa tabi ko.
"Hoy, Free!" Sigaw ni Niks sa mukha ko kaya napalayo ako sakan'ya.
"Ano ba?" Iritado kong tanong.
"Ang pangit mong matulala", tumatawang sabi nito. Mas lalo naman akong nairita. I just rolled my eyes.
Napatingin naman ako sa biglang pagsulpot ni Carol sa tabi namin na kanina lang ay nag-iingay sa kumpulan ng mga tao. May hawak siyang isang bote ng bukas na beer. Tuloy tuloy niyang itinungga 'yon.
Sumunod naman si Mica with her serious mode at inagaw kay Carol 'yong bote na iniinom niya. Okay, what's happening?
"You didn't tell me your kuya has a girlfriend..", panimula ni Carol sa medyo garalgal na boses.
Nanlaki naman ang mata ko. She looks.. devastated. Akala mo'y broken-hearted pero baka totoo nga. Totoong gusto niya si kuya?
"I-I didn't know..", mahina ang boses ko. All of a sudden, I feel guilty. Kasi kaibigan ko s'ya and I should've done something para manlang mabigyan s'ya ng chance kay kuya. And kung naging sila, sana, hindi si Miss Herero ang girlfriend n'ya ngayon..
"You don't have to feel guilty", Carol said as if she can read my mind. "Nalulungkot lang ako", dugtong n'ya and game me a sad smile.
Sad smile, two words with contradicting meaning kaya kapag pinagsama ay nakakabuo ng pambihirang emosyon. That's what love can do to people talaga. And I can testify dahil minsan din akong naging hibang sa pag-ibig but that's not gonna happen again. Natuto na 'ko.
Dumalo naman kay Carol si Mica and Niks, they are giving her encouraging words or should I say, an evil plan para pagaanin ang loob niya.
"Okay lang 'yan, ang dami pang iba d'yan", wika ni Niks habang hinahagod ang likod ni Carol. Himala naman at nagseryoso. "Pero kung s'ya talaga edi agawin mo. Mag-asawa nga naghihiwalay pa e", dugtong n'ya. I frown. Akala ko pa naman may matino ng sasabihin.
"Excuse me. Nandito ako, Niks oh. 'Kala mo 'di ko kapatid pinag-uusapan ha", sarkastiko kong usal. Sa harapan ko pa kasi talaga e.
"Ay nand'yan ka pala?" Pambabara naman ni Niks.
"Malamang", I fired back.
"'Di halata", Niks countered.
"Tama na 'yan", Mica said. Tiga-awat talaga 'to. "Carol, I know you like kuya Owen since then pero you can't force people to like you.. lalo kung committed pa 'to sa iba", she clearly explained sa malumanay na tono.
Sabay naman kaming napatango ni Niks kahit kanina nagbabangayan kami pero we both agree dahil tama naman si Mica, you can't force someone to like you lalo na kung committed na.. I bit my lip.
Carol heaved a deep sigh and said; "Oo, tama", wika nito at saka tumayo. "I just remember I'm a bitch. Let's give fire to this party!" She screamed habang nakataas ang isang kamay na may hawak na beer. Grabe 'yong changed of emotions ng babaeng 'to.
Napatingin pa sa pwesto namin ang ilang kaibigan ni kuya. They even shouted to hype Carol na ngayon ay nasa gitna na at nagsisimula ng pagsayaw na sinundan naman ng ibang crowd. May pa-music na rin kasi. Aakalain mo nasa bar ka dahil sa set up ng party, ang kaibahan lang ay open space ito.
Sumunod sakan'ya si Mica. Si Niks naman ay hinila ako para sumunod din sa kanila. Pero naagaw ng atensyon ko ang dalawang naglalakad nang mabilis sa dalampasigan. Si kuya at Miss Herero, hawak ni kuya ang kamay ni Miss Herero at mukhang hinihila ito papunta sa kung saan.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]
RomanceStory Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her complete family and friends. A cheerful yet strong and brave girl. Miss Avilyn Anderson-Herero - a col...