Chapter 29: Forgiveness

19.8K 801 166
                                    

Malaya's POV

"Gusto raw makita ni papa si kuya. Help n'yo naman ako mahanap s'ya." Pakiusap ko kay Mica at Niks. Nandito kami ngayon sa loob ng hospital room ni papa pero tulog s'ya ngayon at nagpapahinga while si mama naman ay umuwi muna saglit sa bahay.

"I'll see what I can do, ask ako favor kay dad." Wika ni Mica habang kumakain ng mga dinala ni Avi na pagkain.

Umuwi rin s'ya agad kanina dahil may aasikasuhin daw ulit. She's really busy kahit bakasyon, hirap talaga maging teacher. Kaya hindi sumagi sa isip ko na kunin ang course na yon e.

"Try ko rin." Wika naman ni Niks. "Bakit sa tingin mo gusto na s'ya makita ni papa mo?" Tanong n'ya.

Nagkibit balikat naman ako. "I'm not sure pero no'ng sinabi ni papa 'yon, ramdam ko sincerity n'ya. Siguro, ready na ulit s'ya makita si kuya, o ready na s'ya tanggapin si kuya. Sana.." nakangiting paliwanag ko habang sumusulyap kay papa.

"Sana gano'n nga para hindi na kayo mahirapan ni Miss Avi." Mica said.

"Yeah, para masabi ko na rin kila mama na kami na. Ang hirap magtago." Segunda ko naman.

"What?!" They both exclaimed, halata sa mukha ang gulat.

Napatakip nalang ako sa bibig when I realize what I just said. Muntik pang mabitawan ni Niks ang phone n'ya sa pagkabigla.

"Hehe.." I laughed awkwardly. Ano ba 'yan, ang daldal ko.

"Kailan pa?" Tanong ni Niks. Ayan na, mukhang magsisimula na ang interview.

"No'ng birthday celebration nila ni Miss Harm." Wika ko. "Don't get me wrong! Sasabihin ko rin naman, naghahanap lang ng magandang timing." Dipensa ko pa.

"That's 1 week ago but okay, we understand." Tumatangong wika ni Mica. "Akala ko MU palang kayo." She chuckled.

"The truth is, gusto n'ya manligaw pero wala naman ng sense 'yon. We already have mutual feelings." Wika ko naman.

"I hope maging maayos takbo ng relationship n'yo." Si Niks naman ang nagsalita. She's on her serious mode, lagi naman sa tuwing lovelife naming mga kaibigan n'ya ang pag-uusapan. Kulang nalang iisipin kong s'ya talaga tatay namin.

"We'll make it work." Nakangiting sagot ko naman.

"Oo pala, 'di ba, sabi mo pinapahanap ni tito si kuya Owen? Bakit hindi ka humingi ng tulong kay Miss Avi?" Si Mica naman ngayon ang nagtanong. Naisip ko na rin 'yan kaso ayoko, baka isipin n'ya nagti-take advantage ako.

"Nakakahiya.." wika ko naman.

"Nah, she's your girlfriend and also your kuya's friend." Niks stated.

"Pag-iisipan ko," I paused for a while. "Nga pala, Mica, may ipapabasa ako sa'yo." I said at saka nilabas ang papel na galing no'n sa villa nila Avi. "Pwede sabihin mo what this poem means?" Binigay ko sakan'ya ang piraso ng lukot na papel.

She scanned the paper, gumagalaw ang mata n'ya from left to right, binabasa na n'ya ang papel.

"I can't clearly tell what this means but the whole piece means ending, based on the last stanza." Paliwanag ni Mica while still analyzing the paper I gave her. Ending? What ending?

"Anong klaseng ending?" Kuryosong tanong ko.

"Ending a life." Sagot naman ni Niks na nakatingin din sa papel na hawak ni Mica.

"Huh?" Naguluhan naman ako. Ending a life? "What do you mean?"

"The second to the last line kasi, you can no longer hear my screams, ibig sabihin the writer will no longer suffer. Then the last line, binanggit ang sun set, we all know sun set means ending, pagtatapos ng araw." Paliwanag n'ya with serious expressions. "But that's just my interpretation." Nagkibit balikat s'ya pagkatapos.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon