Malaya's POV
"Gael!" 'Yon nalang ang nasabi ko dahil hindi ko talaga alam ang magiging reaction ko.
"Dati ko pang pinag-iisipan 'to. Ngayon ko lang napagdesisyonang gawin dahil graduate ka naman na.." Abot langit na ang kaba ko sa ginagawa n'ya. She slowly open the small box on her hand. "It's a prank!" She screamed then burst out laughing.
"Tarantado ka rin pala, Gael! Sabi ko na magkakasundo tayo e!" Tumatawang wika rin ni Niks. I rolled my eyes in annoyance. Nakakainis! Akala ko talaga magpopropose na. Hinahanda ko na sa isip ko kung pa'no 'yon tatanggihan in a nice way e.
"Nakakainis ha." I hissed.
"Sorry," she chuckled softly. Gano'n pa man ay nagulat parin ako sa laman ng box. It's a key, mukhang susi ng sasakyan. "Nasa labas 'yong car. Gusto mong tingnan?" She asked.
"Your gift for Malaya is car?" Singit ni Miss Harm. Mukhang gulat ito sa narinig. Bakit?
"Yes, ma'am." Magalang na sagot ni Gael.
"My gift for Malaya is also a car.." she said. Ano raw? Sasakyan din ang regalo?
"Really po?" Pagkumpirma ko. Tumango si Miss Harm kaya kinuna ko 'yong box na binigay n'ya at binuksan 'yon, susi nga rin ng sasakyan. "Hala, 2 cars?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang tinitingnan ang susi na bigay ni Gael at Miss Harm.
"Grabe naman 'yon! Nahiya naman regalo ko." Carol said while holding her gift.
"Ayos lang kahit anong gift, ano ka ba. Wala naman 'tong minimum price e." Paalala ko. Kahit naman talaga ay ayos lang. Mas gusto ko pa 'yong simple lang dahil at magagamit ko talaga. May kotse na ako e.
"Basta 'tong regalo ko, proud ako dito. Maliit pero matinik! HAHAHAHAHAHA." Niks left out a hearty laugh. Masayang masaya s'ya sa regalo n'ya.
"Mine's also a car.." bulong ni Avi sa tabi ni Miss Harm, pero hindi naman sobrang hinang bulong, tipong maririnig parin namin.
What?! Nanlaki nanaman ang mata ko nang sabihin n'ya 'yon. Aanhin ko ang tatlong kotse?!
"What the? Akala ko pa naman unique na regalo ko." Gael stated with a disappointed voice.
"Ah, thank you po sa gifts n'yo but isn't it too much?" Naiilang na tanong ko sa kambal. Maging sila yata ay hindi inaasahan na pareho sila ng regalong ibibigay sa'kin.
"No, Malaya. Keep it. It's yours kaya ikaw ang bahala kung anong gusto mong gawin." Miss Harm said to stop me from thinking. Napapaisip na kasi ako kung aanhin ko ang mga 'yon, naiisip kong ibalik na rin kasi sayang kung hindi mapapakinabangan.
"You accepted Gael's but not mine." Nakita kong gumalaw ang labi ni Avi pero hindi ko naman narinig ang sinabi n'ya sa sobrang hina kaya hindi ko na pinansin.
"Kung ayaw mo, pwedeng akin nalang 'yong isang kotse." Singit ni Niks. Tumingin ako kay Miss Harm, she smiled. So ayos lang sa kanya na ibigay ko? Pero I think that's disrespectful. Bahala na muna.
"Mauna muna nga kayo." Utos ni Carol. Nakatayo kasi kaming dalawa ni Gael kaya sinunod namin ang sinabi n'ya. Tatlo kami sa sofa, Gael, ako at si Niks. Nasa single sofa naman si Carol. Pati rin si Miss Harm at Avi, nakaupo sila sa magkatabing single sofa sa harapan namin. "Gift ko," inabot ni Carol ang regalo n'ya.
Binuksan ko na agad 'yon. "Hala! Thank you!" I exclaimed. Camera kasi 'yong bigay n'ya at ang cute ng design.
"Bigay n'yo muna gift n'yo sa'king dalawa bago ko ibigay 'yong akin." Niks smirked again.
"Okay, sige." Inabot namin pareho ni Carol ang gift namin para kay Niks. Nikon DSLR Camera ang regalo ko kay Niks, kay Carol naman ay designer bag.
"Bakit may gift ako? Hindi pa naman ako graduate." Takang tanong ni Carol. Na-late s'ya ng isang taon dahil may mga nangyari pero deserve n'ya parin naman ng regalo.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]
Storie d'amoreStory Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her complete family and friends. A cheerful yet strong and brave girl. Miss Avilyn Anderson-Herero - a col...