Malaya's POV
Mabilis na lumipas ang araw, today's the last day of our exam, pigang piga na ang utak ko pero laban lang, after nito bakasyon na. Konting piga nalang ng utak.
Binasa ko 'yong question, parang wala naman 'to sa mga nadiscuss o baka ito 'yong nilagpasan ko sa pagrereview.
"Eenie meenie miney mo, ano ang sagot sa question na 'to?" Bigkas ko habang salitang tinuturo ang multiple choice, tumapat sa letter A kaya 'yon na ang binilugan ko. Binasa ko ulit 'yong sumunod na question. Hindi ko parin alam ang sagot. Tinignan ko 'yong mga naunang answer ko, sunod sunod na A, B at D, wala masyadong C kaya 'yon na ang binilugan ko.
Tinuloy ko pa ang pagsagot hanggang sa mga essays na may word limit pa kaya pinaikot ikot ko nalang 'yong thought ng essay ko, atleast nareach 'yong word limit. Nang matapos na ako magsagot ay pinasa ko na ang papel ko. Okay na 'yon, magpopost nalang ako mamaya ng grades are just numbers, it doesn't define intelligence.
Masaya akong naglalakad papunta sa parking lot, last day na kasi namin ngayon. Bakasyon na bukas! Papasok na sana ako sa kotse ko when I heard someone.
"Ibañez," that familiar voice, alam ko na agad kung sino 'yong tumawag sa'kin.
Lumingon ako sa likuran and I was right, si Miss Avi 'yong tumawag sa'kin.
"Good afternoon po, Miss Avi." Nakangiting bati ko sakan'ya.
"Good afternoon", bati n'ya pabalik. Naghintay ako dahil mukhang may sasabihin pa s'ya pero biglang tumunog ang phone ko sa bag ko. Tumingin pa muna ako sakan'ya. "Answer it", she said kaya sinagot ko na.
Si Niks 'yong tumatawag. Lumayo ako sandali para makausap s'ya. "Hello?"
"You're invited!" Nailayo ko pa 'yong phone sa tenga ko sa lakas ng boses n'ya.
"Sa'n?" Tanong ko agad.
"Birthday ko bukas. Yuck, kinalimutan", wika ni Niks sa kabilang linya. Napasapo naman ako sa bibig ko, gagi, nakalimutan ko. Oo nga pala, december's her birthday.
"Hindi ko kinalimutan! Nawala lang sa isip ko, 'no." Depensa ko naman. "Wala ka ng sasabihin?" Tanong ko ulit. Hapon na kasi, birthday n'ya bukas so gusto kong makahabol pa sa pagbili ng regalo.
"Ulo mo hindi kinalimutan." Pambabara n'ya. "Invite mo si Miss Herero at Miss Harm. Bye!" She said and then ended the call.
Agad akong humarap kay Miss Avi, she's still standing there, patiently waiting.
"Ma'am," "Ibañez," Sabay naming wika. Hindi ako nagsalita para paunahin na s'ya.
"You go first", she said.
"Ma'am, ini-invite po kayo ni Niks. Birthday n'ya kasi bukas." Puno ng siglang wika ko.
"Oh, tomorrow's her birthday." Wika n'ya naman but I can something with her tone of voice.
"Opo." Sagot ko naman.
"Have you bought her gift yet?" She asked using her low tone of voice which I find weird. Kasi hindi naman s'ya nagiging gano'n without a reason. May iba talaga e.
"Hindi pa po. Ngayon palang po sana."
"Can I go too? Hindi ko alam bibilhing gift for her."
"Sige po." Nakangiting sagot ko naman. I can see something on her eyes but I can't tell kung ano. Basta may nararamdaman ako.
Nagkanya-kanyang sakay nalang kaming dalawa. Ayaw n'ya yatang sumabay sa'kin.
Pagkarating sa mall ay sabay kaming naglalakad. And as usual, hindi nanaman mawala 'yong tingin ng mga tao sa amin, o sabihin nating sa kasama ko. Suot parin kasi n'ya 'yong uniform n'yang white longsleeve at pencil cut skirt. Her aura screams authority pero 'yong mukha parang pang student, baby face kasi.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]
RomanceStory Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her complete family and friends. A cheerful yet strong and brave girl. Miss Avilyn Anderson-Herero - a col...