Chapter 37: Unexpected Gifts

18.3K 735 197
                                    

Malaya's POV

"Hoy, Free!" Pabulong na sigaw sa'kin ni Niks.

"Oh?" Umayos ako ng upo at tumingin sa kan'ya. Ngumuso naman s'ya sa harap kaya napatingin din ako.

Naglalakad palapit si Miss Harm, kasabay n'ya si kuya Kiefer pero sa likod ni Miss Harm ay taong hindi ko iniexpect na pupunta rito.

Si Avi.

I clenched my jaw. Bakit s'ya nandito? Sabi ni kuya si Miss Harm lang ang in-invite n'ya.

"Kuya?" Tanong ko kay kuya na bigla ring napabaling sa'kin.

"I didn't." Madiing bulong n'ya. Mukhang wala nga rin s'yang alam dahil nakita ko kung panong nag-iba pakikitungo n'ya kay Avi simula nang malaman n'ya 'yong nangyari.

"Congrats, Free and Niks!" Bati ni kuya Kiefer nang makalapit s'ya sa'min. Una n'yang pinuntahan ay si Kuya Owen, s'ya na ang may bitbit kay Ken ngayon.

"Nandito rin pala si Avi, ayaw pang tumuloy. Pinilit ko lang." Masayang wika ni mama. Mukhang proud s'yang napilit n'ya si Avi habang si Avi ay nakatungo lang, parang takot humarap sa amin dahil pilit n'yang tinatago ang sarili sa likuran ni Miss Harm. Ah, so pinilit lang pala s'ya ni mama. Pero bakit ba s'ya sumama kay Miss Harm in the first place?

"Congrats, Malaya." Nakangiting wika ni Miss Harm. May inabot s'ya sa'king isang maliit na box. "That's my gift." Kinuha ko naman 'yon.

"Thank you, Miss Harm." Ngumiti rin ako. Nacurious ako sa maliit na box na 'to. Parang necklace lang ang kakasya rito dahil hindi kalakihan.

"Free, sumunod na kayo para makakain na tayo." Si mama. "Halika na Girly, hayaan mo muna ang alaga mo d'yan." Pag-anyaya ni mama kay tita Girly.

Naiwan kami rito sa labas, ako, si Niks, Carol, kuya Kiefer at Kuya Owen, Miss Harm at si Avi. Para kaming tangang nagtititigan. Hindi alam kung sino ang unang magsasalita.

Avi stepped forward, palapit sa'kin. She extend her one arm na may abot na halos kasinglaki rin ng box na binigay ni Miss Harm. "I just came here to give my graduation gift.." wika n'ya sa mahinang boses. "Congratulations, Malaya."

I forced a smile. "Thank you, Miss Avi." I formally replied at saka inabot 'yong box na hawak n'ya.

Hindi parin nagsasalita ang mga kasama namin and it's getting really awkward.

"I'll go ahead.." bumaba ang tingin n'ya sa sahig, akmang tatalikod na sana para umalis nang bigla akong magsalita.

"Miss Avi," ramdam kong nagtinginan agad ang mga kasama namin sa akin. Si kuya Kiefer naman ay kanina pa sinisiko ni kuya Owen dahil wala s'yang kaalam-alam kung bakit ganito ka awkward ang sitwasyon. "Kumain ka po muna."

She immediately lift up her head and stare at me directly. Her eyes seems so hopeful kaya nag-iwas ako ng tingin.

Tumikhim si kuya bago magsalita. "Tara na sa loob, Harm and Avi." Wika n'ya. Pinauna n'yang pumasok ang kambal, sumunod naman sila ni kuya Kiefer. Naiwan kaming tatlo nila Carol at Niks sa labas.

"Bakit nandito ex mo?" Tanong agad ni Niks sa'kin. Alam ko na agad na 'yan ang itatanong n'ya. Mas mukha pa nga s'yang may sama ng loob kay Avi kumpara sa'kin.

"Hindi ko alam, si Miss Harm lang talaga ang in-invite ni kuya pero dahil siguro nakita s'ya ni mama sa labas ay inimbitahan na. Alam n'yo naman hind alam ni mama 'yong past namin." Paliwanag ko dahil 'yan talaga sa tingin ko ang dahilan. Hindi ko lang alam pa'no s'yang napadaan dito. Pwede namang ipaabot ang maliit na box, right?

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon