Malaya's POV
"Ano nakalagay?" Tanong agad ng nag-aabang na si Niks.
••/ •-•• •• -•- •/ -•-- --- ••-
'Yan ang nakalagay sa bio n'ya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nakita ko 'yan o maiinis kasi mukhang code nanaman pero wala naman akong alam sa gan'yan. Ginawa pa kaming detective.
"Random bullet and dash lang." Sagot ko naman sa kanila.
"Patingin." Niks said kaya inabot ko naman agad. Nag-agawan pa silang dalawa ni Carol, hay nako. "'Wag kang-ano ba Niks, gulo mo." Nayayamot nang wika ni Carol.
"Wala naman e." Dismayadong puna ni Niks nang makita ang tinutukoy kong bio ni Miss Avi.
"Ha? Mayro'n 'yan kanina." Naguguluhang wika ko. Hindi naman ako pwedeng magkamali kasi kitang kita ko mismo 'yon.
"Let me see." Kinuha ni Mica 'yong phone ko sa dalawa. "Walang nakalagay sa bio n'ya." Mica said and show me my phone, wala na nga. Sinamaan ko ng tingin si Niks at Carol.
"Hoy bakit! Kasalanan ko bang nagrefresh!" Biglang depensa n'ya kaya mas lalong tumalim ang tingin ko.
"Argh, kainis. Nagpalit pa yata, nasakto sa pagrefresh. Kung 'di n'yo sana pinag-agawan." I said while shaking my head disappointedly, medyo nafufrustrate ako kasi malalaman na sana e.
"Natandaan mo ba?" Tanong naman ni Mica.
"Natatandaan ko lang bullets, dash and slash pero 'di ko na maalala lahat. Can you still know the meaning?" I asked Mica.
She shook her head slightly. "Hindi pwede malaman 'pag gano'n, dapat exact codes kasi bawat letter may equivalent code din." Paliwanag ni Mica.
Napahinga nalang ako nang malalim. Sayang, nando'n na sana e.
"Sorry." Nilapitan ako ni Niks and hugged me, naka-pout pa nga, nagpapacute. Gano'n din ang ginawa ni Carol.
"Okay lang, hindi naman ako naiinis." Sabi ko. Maybe hindi naman 'yon gano'n kahalaga kasi if it's really important, she could've tell it personally. And if it's really important, maybe she's not yet ready to say kasi niremove n'ya rin agad e.
"S'ya gumawa ng research mo, 'no?" Mica asked with her usual expression, seryoso lang. Napatingin naman sakan'ya si Carol at Niks.
"How'd you know?" Takang tanong ko agad.
"She gave you pointers for your defense. Hindi naman 'yan gawain ng subject teacher sa research." She stated firmly. Really, Mica can read people, people's behavior and body language, hindi na ako magtaka kung maging manghuhula 'to in the future.
I smiled shyly. "Yeah," there's no point in denying it. Besides, they are my friends, I can trust them.
"Tangina." Gulat na bigkas ni Niks. "Ginawan ka ng research ni Miss Herero?" Pag-uulit pa n'ya to confirm.
"Oo nga." Sagot ko.
"Nagpapakahirap pa 'ko sa school requirements, kailangan ko lang pala ng professor na jowa." Natatawang wika ni Niks. Sinundan naman ni Carol.
"Feel ko gusto ka ni Miss Avi." Si Carol.
"Una sa lahat, Niks, hindi ko girlfriend si Miss Avi. Pangalawa, ayokong mag-assume." Humalukipkip ako habang nakatingin sa kalat na papel sa sahig.
"Actions speaks louder than words." Kumento naman ni Niks kaya napa-angat ulit ang tingin ko sakan'ya.
"But actions without words is confusing." I countered.
![](https://img.wattpad.com/cover/309642891-288-k407019.jpg)
BINABASA MO ANG
𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]
RomanceStory Description: GirlxGirl | TeacherXStudent | Taglish Malaya "Free" Ibañez - A young, wild and free student who has her life together with her complete family and friends. A cheerful yet strong and brave girl. Miss Avilyn Anderson-Herero - a col...