Chapter 6: First Kiss

22 3 0
                                    

Bumuti ang aking pakiramdam at pagtingin ko sa aking katabi lumaki ang aking mga mata dahil si Rafael ito at wala siyang suot na pang-itaas na damit. Pinagmasdan ko siya at mukha siyang anghel na natutulog. Hindi ko namalayan na ang lapit na pala ng mukha ko sa kanya. Pagdilat ng mata niya hinila niya ako pahiga. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Hindi ako pumikit dahil alam kong wala naman siyang gagawin sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan. Nakatikom lang ang bibig ko dahil wala pa akong first kiss. Biglang naglakbay ang kamay niya sa katawan ko. Para akong nakuryente at tuluyan ko ng nabuksan ang bibig ko. Bigla siyang huminto at iniwan ako. Iyon ang una kong halik. Matutuwa ba ako o matatakot? Ang lakas ng tibok ng aking puso. Tuloy tuloy ang luha sa aking mga mata. Kailanman hindi ka niya magugustuhan Michaela Clementon. Paghihiganti lang ang hangarin niya. Pilit ko itong tinatanim sa aking isipan. Bumukas ang pinto at nadismaya ako. Si Matt ang dumating at may dalang pagkain at damit.

"Kumain ka na and you need to change your shirt." Tumango na lamang ako at lumabas na siya. Kumain ako kahit hindi ko alam kung anong pagkain ito dahil puro gulay lang at may seaweeds. Pagkatapos kong kumain nagpahinga ako ng ilang minuto at nagbihis. Paglabas ko nakita ko si Matt na naghihintay sa akin.

"Akala ko umalis ka na."

"Hindi kita pwedeng iwan dahil sabi ni Rafael kailangan kitang ihatid sa bahay."

"Bakit? Akala ko ba gusto niyang akong maglakad pauwi."

"I don't know either. I think he likes you."

"I don't think so. Let's go baka manosebleed pa ako sa iyo."

"Fine then. Pasensiya na hindi pa ako masyadong magaling magtagalog."

"Ayos lang yun hindi ka na mabiro." Natatawa kong sabi. He just smiles and opens the door for me. Napaka-cool tignan ni Matt paano kaya sila naging magkaibigan ni Rafael. Nagdrive na siya papuntang Rest house at nakatitig lang ako sa kanya dahil umaawit siya ng tagalog song. He has an accent but he is good singer.

"May dumi ba ako sa mukha?"

"Wala naman." Mabilis akong umiwas ng tingin.

"Why you're staring at me?"

"Gusto ko lang sanang magtanong sayo."

"About what? Hmmp. Let me guess about Rafael."

"Oo, paano kayong naging magkaibigan?"

"Actually he is my boss. He is the CEO of the Jon's Company in the US. They have the family company which is Jones Company that is why he comes up with an idea of a different name. Alam mo ba siya lang ang bumuo nang company niya he never asked for help."

"Nakakabilib naman pala siya, pero bakit ang suplado niya?"

"Masanay ka na dahil ganyan talaga ang ugali niya."

"Sabi mo eh. So, paano nga kayong naging magkaibigan kong boss mo naman pala siya."

"When my parents died I became his driver and assistant in US. At first he never trusted me. Parang may trust issue talaga siya for people I don't know why. Then when his life was in danger I never doubted to save him even in exchange of my life. Naalala ko pa nasa hospital ako noon at pinagsasabihan niya pa ako na dapat hindi ko daw ginawa yun."

"Grabe naman siya. Siya na nga ang sinagip mo, siya pa ang magagalit!"

"At first I don't get it why he is acting like that then he said to me everything."

"Anong sinabi niya sayo?"

"I don't trust you."

"What? Sinabi niya iyon sayo?"

"No, what I mean I will not going to tell you the complete detail. That is enough for now. We are here. Lumabas ka na dahil aalis na ako."

"Hindi ka man lang ba kakain mo na?"

"No, kumain na ako ng sushi kanina." Naalala ko ang binigay niyang pagkain kanina.

"Sushi yung binigay mo sa akin kanina?"

"Yes, do you like it?"

"Parang hindi naman mukhang sushi. May seaweeds lang siya at gulay."

"Ewan ko sayo. Get out of my car now." Nagulat ako sa lakas ng sigaw niya at nagmadaling bumaba. Ang suplado talaga ng taong ito. Akala ko pa naman close na kami. Naglakad ako papunta sa loob ng bahay ni Rafael habang pinagmamasdan ang papalubog nang araw.

"Ang ganda naman dito." Kakaiba ang pagkakagawa ng bahay niya dahil sa ilalim nito ay dagat na. Nakatayo ako ngayon sa mahabang tulay papunta sa loob. Noong unang pagdating ko dito hindi ko ito na appreciate dahil sinubukan kong tumakas pero ngayon habang tinitignan ko nakakawala ng pagod. Ang ganda din ng mga bulaklak. Umupo ako sa malapit sa dagat at tinanggal ang sapatos ko. Habang nakatingin ako sa papalubog nang araw binabad ko ang aking paa sa tubig. Kaysarap sa pakiramdam siguro mas okay nang andito ako atleast hindi patuloy ang marami kong katanungan tungkol sa pagmamatrato nila sa akin. Buti pa si Rafael alam ko kung bakit galit siya sa akin dahil akala niya ako si Ate Diane pero ang sarili kong pamilya hindi ko alam ang dahilan nila. Huminga ako ng malalim at sumigaw. Nakakaginhawa ng pakiramdam ngunit biglang nagmamadaling lumabas ng bahay si Rafael at pumunta sa akin.

"What happened?" Napakamot ako ng ulo. Napasobra ang sigaw ko. Nagpeace sign na lang ako sa kanya at tumayo. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng pilit pero hinawakan niya lang ang braso ko.
"Bakit ka sumigaw?"

"Wala lang."

"Ano?"

"I just want to relax."

"Relax ang tawag mo dun? Mabuti na lang malayo ang ibang mga bahay dito kasi kung sakali akala nila nagkasunog na dito or worse they might think I've done something bad to you."

"Ganon naman talaga ang balak mo sa akin di ba?" Mabilis kong tinakpan ang bibig ko.
"Yeah, that is right. I almost forgot that you have a punishment."

"Just forget what I said."

"Hindi. Pumasok ka sa loob ng bahay at magpalit ng damit may pupuntahan tayo." Kinabahan ako sa pagkakangiti niya. Ano na naman kaya ang binabalak niya sa akin?

"Move now." Mabilis akong tumakbo pagpasok ng bahay at umakyat sa aking kwarto. Nagbihis ako ng simpleng jogging pants at plain white shirt. Pagbalik ko sa kanya nakakunot na naman ang noo niya.

"Change your shirt!" Nakakainis naman siya. Pagod na nga ako tapos gusto niya babalik pa ulit ako sa bahay. Ang haba kaya ng lakad papunta sa loob.

"Pwede na ito."

"Did you check yourself in the mirror?"

"Hindi, maganda naman ako. Hindi kailangan magsalamin." Bigla niya akong hinila sa loob ng kanyang bahay at sinara ang pinto.

"Go to your room now and changed."

"Ayaw ko nga. Ano bang issue mo sa suot ko?" He smirked and it is obvious that he is so angry.

"Magbibihis ka ulit o akong ang magbibihis sayo?"

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon