Chapter 33: Changing Perspective

14 0 0
                                    

Pagmulat ko napasinghap ako ng makita kong gaano kalapit ang mukha ni Rafael. Nagkatitigan kami ng ilang saglit hanggang naalala ko ang mga sinabi ni Monica. Mabilis ako tumayo at lumayo sa kanya. Kunot ang noo niyang lumapit muli sakin. Napalunok ako at iniwasan ang tingin niya na nakakatunaw.

"Is there any problem?" Umiling ako at akmang maglalakad papasok sa silid ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. Kumabog ng malakas ang aking puso at hinila ko ito.

"May kailangan po ba kayo?" 

"Why are you so formal?" He said in a husky voice. Huminga ako ng malalim at buong tapang siyang hinarap.

"Tama na!" Umarko ang kilay niya at sa isang iglap tumawa ng malakas. Umiling ako at nanlilisik ang mga matang tumitig sa kanya. "Nakaka- enjoy ba na nakakasakit ka na ng iba?" Huminto siyang tumawa at akmang hahawakan akong muli ng mabilis akong tumalikod. Nakahinga lamang ako ng maluwag ng marinig ang pagbagsak ng pinto. 

I am changing my perspective now about Rafael. He will never look at me with full of love but with full of wrath. Kahit anong gawin ko hindi ko na mababago yun. 

"Nakapag-usap ba kayo ng maayos?" Humarap ako kay Rica at pinilit ngumiti. Hindi na siya muling nagtanong at nagpatuloy na lang kaming kumain. Siguro nga mahina ako sa maanghang na pagkain pero kung sasanayin malalampasan ko rin ito. Parang ang pagtingin ko kay Rafael na namumuo sa aking puso. Bago pa ako mabaliw ng husto sa pag-ibig na hindi tama dapat na akong umiwas. "Diane!" 

Hinampas ako ni Rica sa balikat at napatalon ako sa gulat. "Bakit?!"

"Ano ka ba! Kanina pa kita kinakausap. Nasan ba ang utak mo?" Nakapamewang nitong tanong. 

"Wala. Ninanam ko lang ang pagkain." Kinuha ko ang bote ng kimchi at binuksan ito. 

"Hindi!" Pasubo pa lang ako ng isang kutsara hinila na niya agad sakin.

"Bakit? Bigay mo ito di ba?" Nakalabi kong sabi.

"Nakita mo naman ang nangyari kanina!" Sinara niya ang lalagyan at tumayo para ilagay sa refrigerator.

"Kakayanin ko na yan ngayon! At isa pa kailangan kong masanay. Ikaw pa nga ang nagsabi na kailangan ko ito para kaya kong ipaglaban ang sarili ko!" 

Umiling siya, "Aray!" at kinurot ang tagiliran ko. 

"Hindi!" Bago pa akong makasagot muli bumukas ang pinto at ang mukha ni Rafael ang tumambad samin. 

"Are you testing my anger?" Napahawak si Rica sa braso ko at ramdam ko ang panginginig nito. Ang mukha ni Rafael ay namumula at umuusok ang kanyang tainga. Hindi ako makasagot hanggang hinatak niya ko palapit sa kanya. "How dare you tell that to Monica?"

"H-hindi k-ko alam ang sinasabi mo." Pigil hininga kong tinatanggal ang madiin niyang daliri sa aking braso. 

"I'll show you what I do to liars!" Hinila niya ako palabas habang kagat ko ang labi ko upang pigilan maiyak sa higpit na hawak niya. Hinila niya ako papasok sa kanyang itim na kotse at nagulat ako may dala siyang handcuff. 

"Maawa ka—" Tinakpan niya ako ng panyo sa bibig at hindi ako makawala sa higpit ng posas sa dalawa kong kamay. 

"You think I am not dead serious!" Sinipa ko ang pinto ng kotse pero binilisan lang niya ang takbo. Rica! Pilit kong sinisigaw ang pangalan niya pero wala lumalabas sa bibig ko kung hindi ungol lamang. Hanggang mapagod ako nagpupumiglas at nagdilim ang aking paningin.

"Rafael, what are you trying to do to her?" Narinig kong ang malakas na boses na nag-uusap malapit sakin.

"What do you think? I am running out of time here. I need to end this!" Pinagpawisan ako at ramdam ang lakas ng tibok ng aking puso sa mga salitang iyon ni Rafael. Nahimatay siguro ako kanina sa sobrang takot. Mabilis kong minulat ang aking mata ng biglang tumahimik sa paligid. Tumingin ako sa kaliwa at kanan. Maluwang ang silid pero halatang nabubulok na ang mga gamit dito. Lalong akong nanginig sa takot. Ito na ba ang totoong kulay ni Rafael? He is ready to exact his vengeance. Pero wala pa akong nakikitang matibay na ebidensya na nagtuturo na si Ate Diane ang may sala sa pagkamatay ni James. Siguro nagkamali lang si Rafael. Huminga ako ng malalim at nakita ang isang bakal sa dulo ng silid. Mabilis akong naglalakad papunta dito at idinikit ang posas sa kamay ko. 

"What do you think you're doing?" Napalunok ako at umiling. "Seriously? Akala mo ba mauuto mo ko?" His eyes are full of wrath and he keeps walking towards me. 

"Ouch!" Hinawakan ko ang sikmura ko at umupo sa sahig. Sumigaw sigaw ako sa sobrang sakit na dumadaloy sa aking kalamnan. 

"Are you an actress now?" He chuckled as if I was pretending. I bite my lower lip and hold my tears. Ramdam ko ang tagaktak ng pawis ko sa magkabilang pisngi. Umiikot na rin ang paningin ko. Hindi ako kumibo at pumikit. Huminga ako ng malalim ng paulit ulit hanggang maging okay ang aking sistema. Pagmulat ko nagtama ang mata namin ni Rafael at nanlalambot ako sa nakita ko. Am I changing my perspective again to him? Why does he keeps doing this? Ready na kong kalimutan lahat ng nangyari ng nagdaang araw pero bakit ngayon palapit na naman siya sa akin ng puno ng pag-aalala. Maingat niya ako binuhat at gusto ko man magprotesta pero ang aking katawan ay awtomatikong dumikit sa kanya. 

"Tell me what are you feeling now?" Natulala ako sa pino ng boses niya. Si Rafael ba talaga ang nasa harap ko ngayon? Bakit ganito ang trato niya? Hindi ba siya sisigaw at hindi ba niya ko paparusahan na gaya ng sabi niya. "Diane, I will not kill you." Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi umabot sa isip ko na pwede niya akong patayin. Ano ba talagang ibig niyang sabihin? "Why did you tell Monica that we are together now?" 

"Rafael!" Ngtitiling sigaw ni Monica. Napakapit ako sa braso ni Rafael pero huli na dahil agad niya akong binitawan. Buti na lang sakto ako sa mahabang sira couch sa silid. "Bakit kasama mo siya? At nandito pa kayo sa lumang pabrika."

"I am clarifying things to Diane." Rafael looked straight into my eyes. "I am not interested in her, and I only love you." My heart shattered into pieces, and I gasped in pain. Mabilis akong tumingin sa kanan ko para itago ang nag-uunahan luha sa aking mga mata. 

"Did you hear that? So please stop flirting with my boyfriend!" Patuloy sa pagsigaw ni Monica pero wala na akong maintindihan sa mga sunod niyang sinabi. Ang alam ko lang ang sakit palang ipamukha sakin ang lahat. I am the suspect in the death of Rafael's brother and will never be his love interest. Narinig ko na lang ang mabilis na yabag ni Rafael at Monica. Sa ilang minuto kong nakaupo napatitig na lang ako saking kamay. Talagang hindi tinanggal ang posas ko sa kamay. Ngumiti ako ng mapait.  At the very first start, I am not here for vacation. I am here because Rafael kidnapped me. But why am I falling in love with the man trying to mess up my life?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon