Chapter 74: The Real Family

6 0 0
                                    

Halos dalawang linggo akong nananatili sa ospital dahil na rin sa request ni mama. Minsan natatawag ko pa rin siyang Ginang Letisha at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Dapat kasi pinilit ko na lang na operahan na lang ang braso ko at taihan para magaling na agad. 

"Ang lalim ng iniisip mo." Bulong ni Rica sakin. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan siya.

"Ano sa tingin mo?" Nagkibit balikat siya at kinuha ang bag sa kama.

"Sa tingin ko. Magpagaling ka muna bago mag-isip ng kung ano-ano. Tignan mo nga may sling pa rin ang braso mo. Kailangan mo pa daw magpahinga pero bakit ganun?" Kumunot ang noo ko sa biglang pagtataka niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Lumapit siya sakin at tinignan ang braso ko.

"Di ba naka schedule ka para maoperahan. Bakit iniba nila kahapon? Bilin pa ng doktor na dapat hayaan na lang daw maghilom tapos dapat puro gulay at prutas na lang ang kainin mo. Pati mga gamot mo tinanggal." Lalo akong napaisip sa sinabi niya. Bago pa ako makasagot umikot ang sikmura ko at nasusuka na naman ako. Mabilis akong tumakbo sa banyo at nagsuka sa sink. Wala naman akong ibang kinain kung hindi mansanas lang, bakit nasusuka pa rin ako? Hindi ko namalayan na naka dungaw na pala siya sa pinto.

"Bakit lagi ka atang nagsusuka? Nahihilo ka ba?" Tanong niya habang hawak ang pinto. 

"Hindi naman ako nahihilo pero nasusuka…." Hindi ko natapos ang sinasabi ko ang nagsuka muli ako hanggang wala nang lumalabas pero naduduwal pa rin ako. Lumabas ako ng banyo habang nakasunod pa rin siya. Umupo muna ako sa kama habang hinihintay namin si mama. Mahigpit niyang bilin dito lang muna ako hanggang siya ay dumating.  

Makalipas ang ilang minuto nanlaki ang mga mata ni Rica na parang nahuli ako na may ginawang kasalanan. "Meron ka bang hindi naikwekwento sakin?" Taas kilay niyang tanong. Umiling ako pero lalo lang siyang lumapit sakin habang salubong na ang kilay. "Buntis ka ba?" Diretso niyang tanong. Tinawanan ko lang siya.

"Ano bang sinasabi mo? Paano naman ako mabubuntis?" Sagot ko sa kanya habang tumatawa pa rin.

"Parang pansin ko hindi ka pa dinadatnan." Bulong niya. 

"Delay lang siguro." Sagot ko. Tumango na lang siya at biglang tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong sinagot pagbasa pa lang ng pangalan sa screen. Abot tainga pa ang ngiti. Siguradong si Filo ang tumawag. Sumenyas si Rica na lalabas lang siya. Ngumiti lang ako at sumandal sa pader. Tumitig ako sa kisame at napasinghap ng bigla kong naalala ang huling sandali naming magkasama ni Rafael. Nawala ang ngiti sa labi ko at agad hinawakan ang pulso ko. Natural ang tibok nito pero may iba. Lalong lumakas ang pintig ng puso ko. Imposible. Pilit kong winawaksi ang nasa isip ko at tumayo. Naglakad ako papuntang pinto pero bumalik ulit sa kama upang umupo. 

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si mama kasama ang doktor. Nakangiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Sabi ni Rica nagsuka ka na naman daw. May dapat ka bang sabihin sakin." Lalong lumakas ang kutob ko sa tanong niya. Imposible hindi niya malalaman lalo na biglang inalis lahat ng gamot ko pati ang operasyon ay hindi na itinuloy. Hindi kaya dahil totoo ang hinala ko. "Alam ko may mga bagay tayo na nagagawa dahil sa pagmamahal. Mga bagay na hindi pa dapat oras o mali sa mata ng iba pero tandaan mo. Hindi ako o kami ng papa mo iba sayo. Ikaw ang nag-iisa namin anak. Alam ko naiintindihan mo naman na matagal pa o baka hindi na namin mabalik ng ama mo ang dati pero ikaw ay laging parte ng buhay namin. We are still a family, and you can tell us anything or everything." Malaman ang bawat salitang binibitawan niya at alam ko ang ibig niyang ipakahulugan. Kahit di pa ako sigurado niyakap ko siya at humikbi.

"Maiwan ko muna kayo." Sabi ng doktor. Pagsarado ng pinto hindi ko napigilan ang iyak ko at tuluyan ng bumuhos. Hindi ko na mapigilan ang bigat ng pakiramdam ko. Dapat masaya ako na kapiling ko na ang tunay kong nanay na laging nasa tabi ko ngayon pero hindi ko magawa dahil ang puso ko dala-dala na ni Rafael paalis. Wala akong karapatan magreklamo dahil umpisa pa lang alam kong aasa lang ako. Hinding-hindi niya masusuklian ang pag-ibig ko sa kanya pero dahil sa nangyari samin hindi ko maiwasang kumapit pa kahit konti lang.

"Anak, may dapat ka bang sabihin?" Malumanay na sabi ng mama ko. Umupo ako at pilit na kumalma. Tumango ako sa kanya at sinabi lahat ng nangyari. Mula sa pagkidnap sakin hanggang tuluyan na akong mahulog kay Rafael. Hindi siya makapaniwala na kaya pala ako nakarating dito sa lugar nila ay dahil sa motibo ni Rafael na maghiganti sa pagkamatay ng kuya niya. Malungkot ang mga mata ni mama habang hawak ang kamay ko. Kilala niya si Rafael dahil sa negosyo pero hindi ko alam na higit pa roon ang pagkakakilala niya sa pamilya nito. Ang mga magulang pala ni Rafael ay kaibigan niya lalo na ang mama nito. Magmula mawala raw ang mga magulang ni Rafael hindi na siya bumalik rito pero si James dito na naglagi sa Pilipinas. 

"Kaya pala bigla siyang umuwi rito. Bakit hindi mo sinabi na hindi ikaw si Diane?" Biglang tanong niya sakin. Ngumiti ako ng mapait.

"Ilang beses ko pong yun sinabi sa kanya pero akala niya nagsisinungaling ako." bulong kong sabi. Hinawakan niya ang buhok ko. 

"Masakit man aminin pero kung hindi dahil sa kanya hindi natin malalaman ang totoo." sagot niya. Tumango ako. May mga bagay talagang nakatakdang mangyari. Tama siya kung hindi ako dinala ni Rafael dito hindi ko malalaman ang lahat.

Bumuntong hininga siya at napatitig ako. "Tama ang hinala mo. You are pregrant, Michaela." Napasinghap ako ng diretsong niya iyon sinabi. "Hindi ko alam kung paano kita papayuhan pero isa lang ang masisiguro ko sayo. Andito lang ako palagi para suportahan ka." Tumulo na naman ang luha ko sa mga sinabi niya. Yumakap ako at mas naramdaman ko ang pagmamahal niya. Ang pagmamahal ng isang ina na pilit kong hinahanap ay lubos-lubos kong nararanasan ngayon.

"Huwag ka nang umiyak. Makakasama yan sa bata." Tumango ako at pinunasan ang mga luha ko. Umayos ako ng upo ng maalala ang kaso kay ate at mama Mildred.

"Ano po palang nangyari kina ate?" Hinawakan niya ako sa braso at ngumiti ng pilit.

"Nakalaya na si Diane pero si Mildred," Tumitig siya sakin. "Kailangan niyang pagbayaran ang mga ginawa niya sa pamilya natin." Hindi na ko muling nagtanong kahit gusto kong malaman kung ano ang naging resulta ng pagpunta ni Matt sa presinto. Kung nakalaya si ate Diane, ibig sabihin ba nito wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni James? Matutuwa ba ako o lalo akong matatakot sa paglaya niya?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon