Chapter 11: Pretending?

15 1 0
                                    

Naningkit ang aking mga mata at nanginginig ang aking binti. Nakaupo si Monica sa kandungan ni Rafael. Na estatwa ako at hindi maalis ang tingin sa kanilang dalawa, hanggang ilapit ni Monica ang kanyang mukha kay Rafael. Nahulog ko ang dala kong potatos at umalingawngaw ang steel na lalagyan nito. Nabaling ang atensiyon nila sa akin at nakataas ang mga kilay ni Monica.

"What are you doing here?" Sigaw niya sabay sara ng malakas sa pinto. Nainis akong pinulot ang mga nahulog na potatos. Umuusok ang aking ilong sa inis at galit. Hindi man nagawang mag-react ni Rafael. Ano klase siyang lalaki? Nang gagalaiti ako sa galit habang pababa ng hagdan.

"Diane!" Narinig ko ang sigaw ni Rafael. Ngunit sa aking inis nagmadaling akong bumababa at hindi ko na hakbangan ang ikalawang hagdan na tuluyan akong natumba. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil malapit na akong mahulog ngunit naramdaman ko ang hawak ng malambot na braso. Natuwa ako at iminulat ang aking mga mata at nadismaya sa aking nakita. Akala ko si Rafael ang nakasalo sa akin si Matt pala. Titig na tigtig siya sa aking mata at napansin kong magaganda pala ang kanyang mga mata nakakapukaw at ang ganda ng kanyang ilong.

"Ibaba mo na siya!" Nagulat ako sa biglang sigaw ni Rafael kay Matt. Mabilis niya akong ibinaba at nakakunot ang noo nakatingin sa akin. Tumalikod na lamang ako ngunit na ilang hakbang pa lamang ako nagsimula siyang magsalita muli. "Ulitin mo ang mga niluto mong potatos, itsura pa lamang nito ay hindi na masarap!" Singhal niya na nagpainit ng aking dugo.

"Bakit hindi ikaw ang gumawa?" sigaw ko habang dinuduro ang aking daliri sa mukha niya. Naramdam ko ang singhap ng mga tao sa paligid. Michaela wrong move! Nakita ko ang isang maliit na ponytail sa kamay ni Rica. "Pahiram," bulong kong sabi at inayos ko ang mahabang kong buhok. Huminga ako ng malalim at humarap muli kay Rafael.

"Patawad sa aking turan master Rafael. Magsisimula na po ako muling magluto para naman matikman niyo ang sarap nito," Malambing kong sabi at nilampasan siyang nakanganga ang bibig. Makikita mo! Sumunod sa akin si Rica at tinitigan ako. "Ano?" mataray kong tanong.

"Wala lang nagulat lang kami na ang masungit na boss natin natarayan mo nang ganon pero take note napalunok siya sa malambing mong boses," Tawa ng tawa si Rica habang ako ay umiiling. Hindi niya alam na nasaktan ako ng pumunta sa office ni Rafael sungit.

Pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagluluto hanggang matapos ako. Napansin kong wala na pala akong kasama sa loob. Saan naman kaya nagpunta ang Rica iyon? Umupo na lamang ako sa kahoy na upuan at tinikman ang aking na luto. Lumiwanag ang aking mga mata habang ngumuya. Akalain mo kaya ko pa lang maluto ito ng masarap although madali lang naman kasi, pero kung tutuusin ang hirap ng buhay ng mga trabahador dito. Buong araw ng pagluluto at idagdag pa ang mainit na kumukulong mantika.

"Ang lalim ng iniisip," Biglang salita ni Matt.

Sumimangot ako sa kanya at hindi siya pinansin. "Hey," Tumalikod na lamang ako at kinuha ang mga plato sa paligid. "You are really not going to talk to me. Diane, I save your life in there. Wow, I think Rafael is right." Sunod sunod niyang sabi.

"What did you just say? At teka nga I thought you are practicing tagalog." Napapa-english tuloy ako sa taong ito.

"See? Kapag babanggitin ko ang pangalan ni Rafael agad-agad mag-rereact ka. Do you like him?" Hinawakan niya ako sa aking braso noong akmang tatalikod na naman ako. "Why you can't admit it?"

"Wala akong kailangan aminin!" sigaw kong at tinanggal ang hawak niya sa braso ko pero ka sabay nito ay biglang bumukas ang pinto at madilim na mukha ni Rafael ang aming nakita.

"Oras ng trabaho!" Singhal niya at hinila akong palabas.

"Ano ba bitawan mo nga ako!" Pilit ko siyang tinutulak ngunit mahigpit ang pagkakahaway niya sa kamay.

"Bakit? Para bumalik ka doon at akitin si Matt?" sagot niya at biglang bitaw sa akin. "Magmula ngayon hindi ka na titira sa bahay ko. Pumunta ka kay ginang Letisha dahil sabi ni Monica kailangan nila ng makakatulong sa mansion." Saad niya.

"Ano? Pwede bang tumigil ka na. Ano ba talagang pakay mo sa akin? Tigilan mo na ako at hayaang umuwi." Sagot ko at tuloy-tuloy ang daloy ng mga luha sa akin mga mata. Hindi man ganoon kahirap ang mga pinapagawa ni Rafael sa akin masakit naman sa aking kalooban ang pagtrato niya sa akin. Wala naman talaga akong kasalanan. Bakit ako ang kailangan magdusa?

"Don't cry because I know you are just pretending. Can you just admit your sin Diane?" Lumapit siya sa akin at bumulong, "Umamin ka na habang maaga pa dahil hindi pa ako nagsisimula sa paghihiganti ko,"

Napaupo na lamang ako sa sahig at iniwan niya lamang ako. Narinig ko ang mabibilis na yabag niya. "Are you—" Biglan na putol ang sasabihin ni Matt ng sumigaw si Rafael.

"Matt, I need you to do something." Walang nagawa si Matt dahil taga-sunod lang naman kaming sa mga utos ng halimaw na iyon. Niyakap ko na lamang ang aking sarili habang patuloy ang pagiyak. Bakit ba ang tigas ng puso niya? Sarado na ba talaga ang utak niya para maintindihan ang aking sinasabi. Mas matigas pa ang puso niya kaysa sa bato.

Pagkatapos ng ilang sandali, tumayo na ako at inayos ang mga kagamitan sa pagluto. "Hoy, bakit andito ka pa? Madilim na sa labas." Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang nagsalita si Rica.

"Ano ka ba, huwag mo naman akong gulatin!" saad ko.

"Sorry," pabulong niyang sabi. Ngunit hindi siya nakontento at hinila ako palabas. "Tara na uwi na tayo,"

"Ano?"

"Sinabi kasi sa akin ni Sir Rafael kailangan daw kitang isama sa aming tirahan upang matuto ka nang tamang asal. Ewan ko ba doon sa boss natin na iyon. Obvious naman na magandang ang iyong asal."

"Teka, hindi ko maintindihan."

"Titira ka muna sa amin," masaya niyang sabi. Niyakap ko siya ng mahigpit. Akala siguro ni Rafael hindi ako matutuwa na malayo sa kanya. Ito ang pagkakataong hinihintay ko.

"Kaso," Biglang nagsalita muli si Rica.

"Ano yon?"

"Nakatira ako sa mansion ni Ginang Letisha," para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig.

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon