Chapter 63: Dark Room

9 0 0
                                    

Bawat galaw ni Rafael nakabantay ako. Habang inaalagaan ko siya lalo akong nakonsensya. Hirap siyang gumalaw dahil sa sling sa isang braso. 

"I need to take a quick shower." Bigla niyang sinabi habang inaayos ko ang pagkain niya. Huminto ako at agad lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang stand ng dextrose niya at sumunod sa bath room.

"Kailangan mo ba ng tulong sa loob?" Tanong ko. Pumihit siya paharap sakin.

"No!" Tumango na lang ako at hinayaan na siya maligo. Sana hindi siya mahirapan. 

Pagkatapos ng ilang minuto bigla siyang sumigaw. "Crap!" Nagmadali akong kumatok sa pinto ng banyo. 

"Rafael!" Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig na may bakal na nahulog. Yung dextrose stand niya! Bumalik ako sa mga maliit na cabinet sa tabi ng kama niya. Alam ko narito ang mga kopya ng susi. Sa paghahalungkat ko nakita ko agad ang nakalagay na susi ng banyo. Bumalik agad ako sa pinto at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata kong makita siya nakaupo sa sahig. Mabilis ako lumapit pero napamura siya. "Turn around!" Utos niya. 

"W-Wala akong nakita…." Nauutal kong sabi habang nakatalikod. Wala siyang saplot sa katawan. Inabot ko ang tuwalya at nakatalikod na binigay sa kanya. 

"Help me," he said in a low tone of voice. As if he doesn't want me to hear him. Pumihit ako paharap at hindi siya tiningnan. Kinuha ko ang stand niya at tinulungan tumayo.

"Natapos ka bang maligo?" Umiling siya at dumiretso sa kama.

"Get out!" Bulyaw niya sakin. Naglakad ako palabas ng pinto at sinara ito. Kaya niya kayang magbihis? Minabuti ko na lang na tumayo sa likod ng pinto. Sisigaw naman sigurado siya pagna-irita at hirap magbihis.

"Diane!" May kapangalan ba ang ate ko dito. Hindi ako lumingon at may biglang kumalabit sakin. "Bakit nasa labas ka?" 

"Matt!" Sigaw ko sa kanya. 

"Get in!" Sigaw naman ni Rafael sa loob. Binuksan ko ang pinto pero bago pa ko makapasok sumigaw siya muli. "Only Matt!" Lumukot ang gwapong mukha ni Matt at tumingin sakin.

"Pauwi na lang nga siya sa bahay hindi pa rin kayo magkasundo?" Umiling siya at pumasok sa loob. Matapos ang pagliligtas niya sakin naging masungit na naman siya. Buong akala ko magiging okay na ang lahat dahil nakipagkasundo ako sa kanya na tutulungan siya. Pinihit ko na lang pasara ang pinto at naglalakad-lakad sa hallway.

 Isang oras ang lumipas ng matanaw ko si Matt na palabas ng kwarto ni Rafael. Lumingon siya at napangiti ng makita ako sa di kalayo.

"Go inside!" Utos niya paglapit niya sakin.

"Nasa mood na ba siya?" Alanganin kong tanong. Ngumisi siya at tumango.

"Ayusin ko lang bills niya. Kinausap ko na rin ang doktor. Mas okay daw na sa bahay na siya magpagaling dahil mas makakabuti sa kanya ang pamilyar na kwarto upang makatulog ng mabuti." Kunot noo akong tumingin sa kanya. Kaya pala laging maga ang mga mata ni Rafael. "Hoy!" 

"Ano yun?" Ngumiti siya at hinawakan ang braso ko.

"Alagaan mo na si Rafael doon tapos mamaya ihahatid ko na kayo sa bahay." Sagot niya at naglakad papunta sa nurse station. 

Bumalik na lang ako sa loob ng kwarto ni Rafael. Nakabihis na siya pero hindi pa rin tinatanggal ang dextrose niya. Huminga ako ng malalim at pilit ngumiti.

"Makakauwi ka na ngayon." Masigla kong sabi. Pumihit siya paharap at kunot ang noo. Nawala ang ngiti ko. "Bakit?"

"Makakalabas na nga ako pero hindi pa rin pwedeng tanggalin ang sling ng braso ko." Bulong niya. 

"Aalagaan naman—"

"I don't need your help." Mabilis niyang sagot. Hindi ko na lamang siya pinatulan at nanahimik na lang. 

Hanggang dumating si Matt at inihatid kami sa bahay. Dumaan ang katahimikan sa buong byahe namin. Paghinto ng sasakyan agad na lumabas si Rafael at diretso sa kanyang silid.

"Marami pa kong dapat gawin, Diane. Alagaan mo siyang mabuti." Bilin ni Matt at umalis.

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Kakayanin ko ito! Total nasa kwarto naman si Rafael. Naglinis na lang ako sa sala at kusina. Pagkatapos labhan ang mga damit niya galing ospital. Nang pumatak ang 6:00 pm nagluto ako at kumatok sa kanyang silid. 

"Rafael, kailangan mo nang kumain at uminom ng gamot." Walang sumasagot kaya nilakasan ko ang katok ko. Wala pa rin. Kinuha ko sa cabinet ang kopya ng susi ng kwarto niya. Buti na lang tumawag kanina si Matt at tinuro kong saan ito nakalagay. Bumalik ako sa silid ni Rafael at binuksan ang kwarto. Malinis ang silid at maayos ang kama. Nilagay ko sa mesa ang hapunan niya. Binuksan ko ang pinto ng banyo, wala rin siya dito. Luminga ako sa paligid at napansin ang dalawa pang pinto. Lumapit ako sa itim na pinto at nakitang puno-puno ito ng mga magagarang damit at sapatos. Lumabas ako at tiningnan ang kabilang silid. Nakandado ito. Chineck kong muli ang mga susi at sinubukan sa pinto. Sa ikatlong maliit na susi nagbuksan ko ito. Napaatras ako ng makitang madilim dito. Dahan-dahan akong pumasok at kinapa ang pader. Hindi sumindi ang ilaw. Bumalik ako sa kwarto ni Rafael at tumingin ng flashlights.

Pagbalik ko sa dark room. Pinagmasdan ko ang bawat pader. Itim ang kulay nito at may mga paintings. Kunot noo akong tumingin. Kakaiba ang mga paintings dahil puro nakatalikod ang mga tao at dagat lagi ang kasama sa nakaguhit. Nilibot ko ang ilaw ng flashlight at nakita ang mga painting materials na nasa mesa. Alam kaya ni Rafael ang silid na ito? O baka siya ang gumagamit nito. Nagpatuloy akong maglakad hanggang makita ang isa pang pinto. Binuksan ko ito at nagulat. May pinto din ito sa kwarto ni James. Pumasok ako at napansin kakulay ng pinto ang dingding kaya hindi mahahalata kapag nasa kwarto ni James. 

Bumalik ako muli sa dark room at nagsimula naghalungkat ng mga papel. Sigurado mayroon pa ditong natirang larawan si ate at James. 

Halos isang oras na akong tumingin ng gamit pero wala pa rin. Napansin ko ang maliit na cabinet sa gilid ng blangko na painting. Naglakad ako malapit dito at nang bubuksan ko, bigla kong narinig ang mga yabag sa loob ng silid ni Rafael. Pinatay ko ang flashlight at dahan-dahan naglakad palapit sa pinto. Lagot ako kapag nahuli niya.

"Where did that girl go?" Lumunok ako. Kinakausap ba niya ang sarili niya?

"Baka nasa silid lang niya. Tingnan mo nga naman maalaga talaga sayo si Diane. She even prepared you a meal." Sagot ni Matt. Huminga ako ng maayos. Akala ko tuluyan ng mabaliw ang halimaw na si Rafael. 

"I don't care!" Singhal ni Rafael kay Matt. 

"What do you mean you don't care? Just admit it, you like her." May kung anong kiliti akong nararamdaman sa aking tiyan. Napangiti ako. Dinikit ko pa lalo ang ulo ko sa pinto at rinig ko ang pagkabog ng puso ko.  

"I don't like her. Even as a person or a friend!" Natuptop ko ang bibig ko sa narinig. Ang puso ko ay tumibok ng napakabilis at hinang hina akong umupo sa sahig. Bakit ba ako umaasa na magugustuhan niya ko?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon