Chapter 65: A warm hand

8 0 0
                                    

Walang nagsasalita sa amin ni Rafael habang hawak niya pa rin ang kamay ko. His warm hand gives a sudden chill to my spine. I don't know if it was cold for fear or my feelings for him. His eyes flickered and gleamed like telling me I was the best thing that happened to him. 

"Move," My fantasy for him faded as he whispered and turned around. Tumikhim ako at tinanaw siya palabas ng pinto. His warm hand gave me a good tickling sensation in my tummy. Napabuga ako sa hangin at hindi makapaniwalang umurong ang dila ko dahil sa simpleng paghawak niya lang sakin. Minabuti ko na lamang na magpaka-busy buong maghapon at nagpapasalamat naman akong hindi na siya bumalik pa sa kusina. 

"Anong niluto mo?" Ngumiti ako ng humarap kay Matt at mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ko sinong kasama niya. 

"Rica!" Masayang kong sabi at niyakap siya. 

"Kumusta ka naman dito?" Tanong niya at tumango kay Matt. 

Umiling si Matt at sinabing, "Sige, maiwan ko na kayo."

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Rica. Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Anong ibig mong sabihin?" sagot ko habang nililinisan ang mga ginamit ko sa pagluluto. Hindi siya kumibo at umupo sa tapat ng mesa.

Natapos akong maghugas at maglinis nang kusina na nakabantay lang siya sakin. Lumapit ako sa kanya at tinaasan ng kilay. "Bakit tumahimik ka?" Tumayo siya at hinila ako. "Saan tayo pupunta?"

"Basta! Pinayagan ka naman ni Matt at nakapagluto ka na rin." sagot niya at lumabas sila ng rest house ni Rafael.

"Sigurado ka ba dito?" tanong ko na nakatanaw sa bukas na bintana sa silid ni Rafael. "Kay Matt mo lang ako pinagpaalam. Si Rafael ang boss ko at may sling pa rin ang braso niya," bulong ko.

"Hay naku! Hindi ako makapaniwala sayo. Ikaw na nga muntik ang mamatay tapos siya pa rin iniisip mo." sagot niya na nakasimangot.

"Niligtas ni Rafael ang buhay ko kaya—"

"Kaya may utang na loob ka sa kanya? Hindi ba siya din ang may kasalanan dun." Huminto ako sa paglalakad at bumalik sa kanya.

"Paano mo pala nalaman ang tungkol dito?" Tumalikod siya at hindi kumibo. "Rica?"Luminga siya sa paligid at lumapit sakin. "Mamaya ko na lang sasabihin sayo," bulong niya at hinila ako. Habang naglalakad kami biglang huminto ang puting kotse. 

"Teka, kaninong sasakyan yan?" tanong ko. Pumihit siya paharap sakin at biglang may dalawang lalaking humila sa amin papasok ng kotse. Nagpupumiglas ako at kinagat ang kamay ng lalaking may itim na mask sa mukha. 

"Aray!" sigaw nito. Naestatwa ako at akmang hihilain ang mask niya ng bigla tumili si Rica. Pumihit ako paharap at nakitang siyang binatukan.

"Huwag niyo siyang idamay," Pagmamakaawa ko. Tumulo ang mga luha ko at lumuhod sa harap ng lalaki. 

"Pinahirapan mo pa kami!" Humarap siya sa kasama niya na may hawak sa walang malay na si Rica. "Iwan mo na yan isa. Let's go!" sigaw nito. Mabilis kumilos ang mga ito at hindi ko pa rin makita ang mga mukha nila. Mukhang sanay na sanay sila sa ganitong gawain pero anong kailangan nila sakin? Tinanaw ko si Rica na nakahiga na sa lupa. Sana mahanap siya nila Filo. 

"Boss, dapat ako na lang ang inutusan mo. Bakit ka pa sumama?" tanong ng lalaking ngmamaneho sa lalaking naka-itim na face mask. 

"Kailangan kong siguraduhin na walang magiging balakid sa mga plano ko." sagot nito. Bigla akong nangilabot at lumunok. Sana mali ang hinala ko sa taong ito. "Anong tinitingin mo?" 

Nanlilisik ko siyang hinarap at matapang na sumagot, "Anong kailangan mo sakin?!" Pumalatak siya at huminto ang sasakyan. Hinila niya ako palabas at tumango sa kasama niya.

"Ako nang bahala sa kanya," bulong niya. Tumingin ako sa paligid at puro matataas na damo ang aking nakikita at walang taong naglalakad dito.

"Hindi ako natatakot sayo!" Sigaw ko. Wala akong ibang maaasahan kung hindi ang sarili ko. Tumawa siya at humakbang palapit sakin. Yumuko ako at mabilis na pinulot ang bato. Hinagis ko ito sa kanya pero nailagan niya. Biglang siyang may dinukot sa tagiliran niya. Tumakbo ako at narinig ang mga putok ng baril. Hindi ako lumingon at patuloy sa pagtakbo hanggang makarating ako sa bangin.

"Wala ka nang mapupuntahan, Michaela!" Bakit niya ko kilala? Pumihit ako paharap sa kanya.

"Bakit kilala mo ako? Sino ka?" Pigil ko ang hininga habang papalapit siya sakin. 

"Sumuko ka na lang!" Sigaw niya. Kaboses niya si Macky! Nagmamadali akong umatras at nahulog sa bangin. Napasigaw ako hanggang makita ko ang nakausling bato. 

"Boss! Nasundan tayo!" Sigaw ng kasama niya na hingal na hingal. "Sigurado mamamatay na diyan si Michaela, Boss. Tayo na!" 

"Rest in peace!" Narinig kong sigaw mula sa taas at humalakhak pa siya. Ang mga tawa iyon. Hindi ako pwedeng magkamali si Macky nga yun pero bakit alam niyang andito ako? 

Kumapit ako ng maigi sa bato kahit ramdam ko na ang pagdurugo ng kamay ko. Pumikit ako ng mariin. Hanggang dito na lang ba ang buhay ko? Hindi ko man lang ba malalaman ang katotohanan. Napaiyak ako sa naisip at napasigaw sa hapdi ng mga sugat ko sa kamay. Makakaya ko pa ba ito? 

Ang imahe ni Rafael ang bigla kong nakita sa akin isipan. Ang mga ngiti niya na hindi ko madalas makita pero kapag ito ay nasilayan ko lalo akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko man naranasan ito noon, nagpapasalamat ako sa kanya na kahit hindi niya alam ang pagtingin ko, masaya na akong kasama siya sa maikling panahon. Kahit masama ang nagawa niya sakin, naramdaman ko pa rin ang kabaitan ng kanyang puso. 

Isa lamang akong pabigat sa kanya at hangarin niya lang ay paghihiganti. Still, I felt secure and happy with him. Tuloy-tuloy na ang mga luha kong nagsilabasan mula sa aking mga mata. Tinanggal ko na ang isang kamay ko sa bato. Sobrang sakit na nito at hindi ko na makakaya pa. Lumunok ako at unti-unting tinanggal ang isa kong kamay nang biglang may mainit pero malambot na kamay ang humawak nito. 

Dumilat ako at hindi makapaniwala. "Nananaginip ba ako?" Nasambit ko. 

"Are you crazy? You are on the verge of death! What am I going to do to you?!" Ang namumulang mga tainga ni Rafael ang nagpabilis ang pagbitaw ko sa bato pero lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa aking kamay. "Matt! Pull us up!" 

Nabibingi ako sa sobrang dagundong sa akin dibdib. Totoo ba itong nakikita ko? O nasa paraiso na ako?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon