Chapter 26: I want to forget

10 0 0
                                    

Nakatitig lamang ako sa rearview mirror at umaasang babalik si Rafael. Ilang oras na ang nakakalipas matapos siyang mag-walk out. Sa isang iglap may biglang isang lalaking papalapit sa akin. Akala ko hindi na niya ako babalikan. Mabilis akong bumaba sa sasakyan at tumakbo papunta sa kanya. Nadismaya akong makita na hindi si Rafael ito bagkus si Matt.

"Ano na naman ginawa mo sa kanya?" tanong nito.

"Wala akong ginawa sa kanya. Sinabi ko lamang ang totoo." giit ko. Umiling lamang ito at binuksan ang driver seat. "Sumakay ka na. You should be thankful that Rafael did not force you to surrender at the police station." dagdag nito at pinaandar na ang sasakyan. Tumahimik lamang ako sa aming buong byahe. Makalipas ang kalahating oras huminga ako ng malalim at humarap kay Matt.

"Pwede bang iuwi mo na ako sa amin?"

"Hindi!" matigas niyang sabi at pinabilis niya pa ang pagmamaneho.

"Wala naman talaga akong kasalanan. Bakit ba ayaw mong maniwala sakin?" sigaw ko habang nagsimulang tumulo muli ang aking mga luha. 

"Can you stop?" sagot ni Matt na mahigpit ang hawak sa manibela. 

"If you are in my position, what will you do?" I asked, gripping the handle of the car door. 

"Nothing," sagot niya. Tumawa ako ng pilit at tumitig sa kanya. 

"Yeah, wala nga naman dapat akong gawin dahil wala naman akong kakampi dito. Sa bagay sanay naman pala akong laging mali. Sige, paniwalaan niyo ang gusto niyong paniwalaan. Parusahan niyo ko ng matindi para naman maramdaman ko talaga ang galit niyo. Kasi kong tutuusin nakikita ko sa mga mata niyo na mayroon pa rin puwang sa puso niyo na baka tama ako at kayo ang mali," diin ko sabi sa kanya at binitiwan ang pinto. Masyado na akong nasaktan sa gabing ito at ayaw ko nang saktan ang sarili ko physically. Hindi na muling sumagot si Matt at patuloy na lamang nagmaneho hanggang makarating kami sa mansion ni Monica. "Anong ginagawa natin dito?"

"Rafael doesn't want to see you. It is better if you will live here and let Monica take care of him."

"Anong sabi mo?" Napalingon ako sa kanya habang palabas siya ng sasakyan. 

"Rafael is sick. After tonight, he thought his mind and heart would be free of grief, but you make things more complicated." sagot nito at pabagsak na sinira ang pinto. Huminga ako ng malalim at bumaba na nang sasakyan. 

"Diane," Bungad sa amin ni Ginang Letisha at madilim ang kanyang mukha. 

"Ano po iyon?" Nag-aalangan kong tanong at hinawakan ang aking braso.

"Hindi ko gusto ang ginawa mo sa pamangkin ko pero dahil pinaki-usapan niya ko kaya dito ka muna titira pero ayoko kong magkrus ang landas natin dito sa pamamahay ko." Napamaang ang aking labi sa mga tinuran niya at hindi ko alam ang isasagot. Tumalikod na siya at tinawag si Rica. "Ikaw nang bahala sa kanya siguraduhin mo na susundin niya ang schedule na ginawa ko," Narinig kong sabi nito kay Rica. Biglang nanlabo ang aking paningin at napahawak sa may pinto. Ang puso kong ay nagwawala sa sobrang bilis. Bakit ba ako nasa sitwasyong ito? Mas nanaisin ko na lamang na sinasaktan ako physically kaysa emotionally. Tumingin ako sa paligid ngunit tuluyan ng nagdilim ang aking paningin. 

Nagkamalay ako dahil sa mabibilis na yabag na tumama sa aking tenga. Pinipilit kong imulat ang aking mga mata pero hindi ko magawa. Ginalaw ko ang aking kamay at sobrang bigat nito. Umusog ako sa malambot na higaan at pinilit itagilid ang aking katawan sa kanan. 

"Diane, are you alright?" Narinig ko ang mahinahon na boses na may bahid ng pag-a-alaa. Umiling ako dahil sa sobrang sakit ng aking ulo at katawan. "Tumayo ka, kailangan mong uminom ng gamot." dagdag nito na halatang hirap magsalita dahil sa sobrang baba ng boses. 

"M...a...tt," bulong ko. Biglang may malakas na upuan ang natumba sa harap ko at ramdam ko ang init ng hininga ng taong nakatayo sa aking harapan. "Tu...big," utal kong dagdag. Narinig ko ang malakas na buntong hininga nito at unti-unting paglapit niya sa aking katawan. Dalawang malakas na braso ang humila sa akin upang sumandal ako sa headboard. Unti-unti akong huminga ng malalim at pilit pa rin binubuksan ang aking mga mata. 

"That's enough. Huwag mong pilitin ang iyong sarili, here drink this water and take your medicine,"

"Medicine..." bulong ko.

"Yeah, ganyan ka bang nagkakasakit. Hindi mo alam ang gamot. Ano ka alien?" Nabigla ako sa sarcastic na sagot nito. 

"Rafael," Monica's seductive voice hit my ears. Ang malakas na bagsak ng pinto ang lalong napapatigalgal sa aking katawan. Anong ginagawa ng dalawang ito dito? "I know you are making sure that she will be okay but just to remind you. She is just nothing but your maid!" pasigaw nitong sabi. 

Umubo ako at ramdam ko ang kumukulong init mula sa aking paa paakyat sa aking ulo. Sino bang nagsabi alagaan nila ako? Buong pwersa kong minulat ang aking mga mata at tumama ang tingin ko kay Monica. Ngumisi siya at umupo kay Rafael. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko magawang makapagsalita. Habang si Monica nakaupo kay Rafael nagliliyab ang katawan nila at halos kainin nila ang mga labi ng bawat isa. Napalunok ako at tumingin sa bintana. Tama! Narito sila para mas lalo akong pahirapan. Biglang may umubo ng malakas na nagpakalas sa kanilang dalawa. 

"Baka lalong magkasakit ang may sakit," sagot ni Ginang Letisha. Lumingon ako sa kanila at nakita ang pagtataka ni Rafael sa aking mukha. Obvious ba na nasaktan ako. Mabilis kong nilipat ang aking tingin kay Ginang Letisha. 

"Pasensya po," utal ko. Bigla itong tumawa at tinapik ang braso ni Monica. Teka bakit ako ang humihingin ng paumanhin? Mabilis namang tumayo si Monica at hinila palabas si Rafael. Ramdam ko ang mainit na tingin ni Rafael sa akin pero pinigilan ko ang aking sariling tumingin sa kanila. 

"Huwag ka dapat humingi ng tawad. Ang dapat mong gawin ay magpagaling ka." sagot nito na hindi na nakatingin sa akin at ang buong atensyon niya ay nakatuon sa isang mangkong ng lugaw. "Kumain ka, tatawagin ko si Rica." dagdag niya at tumayo na. 

"Salamat po," pahabol kong sabi bago siyang tuluyang makalabas. Tumango lamang siya at sinara ang pinto. 

Ilang minuto nagdaan pumasok si Rica at pulang-pula ang mukha. "Anong nangyari sa iyo?"

"Wala," pag-iwas nito ng tingin sa akin at sinubuan ako ng lugaw. 

"May problema ba?"

Tumitig siya sa akin na para bang may nakita kagimbal-gimbal at binuksan ang kanyang bibig, pero sinara niya muli ito. Mukhang alam ko na ang nakita niya. "I want to forget, Rica. Kaya kong ano man ang nakita mo siguro yun ang totoo." namilog ang kanyang mga mata at napatayo.

"Sigurado ka ba?" tanong nito na may bahid ng lungkot sa kanyang boses. "Kitang-kita ko kung paano ka alagaan at tignan ng malagkit n Rafael sa mga nakaraang araw tapos makikita mong nakikipag—"

"Tama na, as I said. I want to forget," giit ko at iniwas ang aking tingin. Kaya ko ba panindigan ang desisyon kong kalimutan ang nararamdaman ng aking puso?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon