Chapter 42: Recalling the Past

7 0 0
                                    

Hinila ko ang upuan at humarap sa mesa. Ilang oras akong nakatitig sa mga iba't ibang ulam at hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Rafael. Bumuga ako ng hangin at tumayo. Nanuyo ang lalamunan ko at kumuha ng tubig sa refrigerator. Naestatwa ako ng mapansin ang bottle juice. Mga malalabong imahe ng babae at lalaki ang biglang lumitaw sa isip ko. Napahigpit ang hawak ko sa lagayan ng tubig at nahilo. Umiling ako at pumikit ng mariin. Nag-echo ang boses ni ate Diane sa tainga ko. "Come on! Huwag kang masyadong magpakamanang dito, Michaela! Pinapahiya mo ko sa mga kaibigan ko at sa kasintahan ko."

Nabitawan ko ang hawak kong tubig at nasara ng malakas ang refrigerator. Dumilat ako at nawala na ang mga imahe. Bakit ngayon ko lang natandaan ito? It is the day before I wake up in an unknown place. Nanghihina akong umupo at huminga ng malalim. Tama ang hinala ko planado ang lahat ng ito. Ang kamay at paa ko patuloy sa panginginig. Ramdam ko ang init na gusto ng kumawala sa buong sistema ko. Hindi nga imposible ang paratang ni Rafael kay ate Diane. 

Ilang oras ako nakatitig sa mesa hanggang pinilit ko ang sarili kong kumain at sinamantala ang oras na wala si Matt at Rafael. Maingat akong umakyat sa taas. Nakinig sa paligid habang palinga-linga. Tanging tunog lang ng huni ng mga ibon at ng tubig sa dagat ang tumatama sa aking tainga. Huminto ako sa kwarto ni James at sinubukan buksan ang pinto. Napatalon ako sa tuwa nang hindi ito sarado. Humakbang ako pasulong at huminto. Tumitig sa silid ni Rafael at humakbang papunta dito. Dinikit ko ang tainga ko sa pinto. Pigil hininga kong pinakinggan. Tahimik at wala tunog ng tulog. Dahan-dahan akong bumalik sa silid ni James. 

Ang mga kurtina ay nang-iba pati ang mga portrait dito ay wala na. Kunot noo ako napatingin sa ilalim ng kama.Wala na ring mga larawan. Tumakbo ako papunta sa silid ko at binuksan ang maliit na cabinet. Wala na rin rito ang mga larawan ko kasama ng iba't ibang lalaki. Sino ang kumuha ng mga iyon? Bumalik ba ang lalaking may takip sa mukha?

"Are you sure about it, Diane? Michaela still your sister," Panibagong boses na naman ang nag-eecho sakin isipan. Si Diane at ang boyfriend niyang si Macky lang ang natatandaan kong kasama ko noon. Pumikit ako ng mariin at umupo sa gilid ng kama. Kailangan kong matandaan lahat para maintindihan ko. 

Halos kalahating oras na akong nakapikit pero wala pa rin. Nagmulat ako at tumanaw sa bintana. Kumusta na kaya ang pamilya ko? Ang bestfriend ko kayang si Lawrence alam na niya na nawala ako, o baka natuloy ang pagpunta niya sa America para sa pagtatrabaho niya? Namimiss ko na siya. 

Ang bilis ng oras at panahon. Dati busy lang kami sa pag-aaral at sa mga proyekto pero ngayon darating pala ang araw na mawawala ang komunikasyon namin. Nanlaki ang mata kong maalala ang sinabi dati ni Rica. Naka-chat niya ang bestfriend ko nagpost ng larawan ko sa social media. Tumakbo ako palabas ng silid at isang hakbang na lang palapit sa pinto ng bumukas ito. Kunot noo nakatingin sakin si Matt at Rafael.

"What are you planning to do? Are you trying to escape?" Umiling ako. 

"Pwede ko bang puntahan si Rica?" bulong kong sabi. Kumunot lalo ang noo niya habang tinatanggal ang coat niya. Niluwagan pa niya ang kurbata sa leeg at nilagpasan ako. "Kailangan ko lang ng kausap."

"Talaga? You know that Rica has already returned to her work to Monica, right?" Tumango ako. "You want a round two on your cat fight?" Umiling ako. "Diane, gaano ba ka importante ang sasabihin mo kay Rica? Tell us and don't bother anyone, or we can directly go at —"

"Hindi na bale." Putol ko sa sasabihin niya. Lagi niyang sinasabi na dadalhin niya ako sa pulis. Hindi ba naisip ng taong ito na pwede ko rin siyang kasuhan sa pagkidnap sakin. 

Ngumisi ito at humakbang papunta sakin. "Kung iniisip mong masasabi mo sa mga pulis na dinukot ka namin, nagkakamali ka. They will simple ask you, why you are reporting now? And all the people here knew that you were my maid. One more thing: You never attempted to escape. I did not force you or lock you in your room. Did I?" Butil-butil na ang pawis ko sa noo at kamay. Paano niya nalaman ang nasa isip ko? "Kahit ilang buwan pa lang kita nakakasama, madali kong napag-aralan ang mga galaw mo, Diane. Sigurado din ako na galing ka na sa kwarto ng kuya ko. Kaya ganyan ang mukha mo dahil hindi mo nakita ang hinahanap mo!" Humakbang pa siya pasulong at ilang pulgada na lang ang layo sakin. "Bakit hindi ka makasagot?" Isang malakas na tunog sa labas ang nagpahinto sa kanya. "Check the horses, Matt!" sigaw niya at hinulog na lang basta sa sahig ang bag niya at coat. Natulala ako habang mabilis siyang tumakbo palabas. Sinundan ko siya ng tingin. Ang kunot sa noo niya nawala at bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Mabilis binuksan ni Matt ang kwadra at nakita ang kabayo na dumudugo ang gilid ng ulo. Napalunok ako ng makita na hindi ito normal na sugat. Ang bala ng baril ay naroon pa.

"Bakit ka sumunod?" Nagulat ako sa sigaw ni Matt. "Pumasok ka na sa loob." Natataranta akong tumakbo papasok ng bahay ni Rafael. Kakasunod ko ng tingin sa kanya hindi ko namalayan na sumunod na pala ako sa kanila. Hingal na hingal ako pumasok sa loob at umupo sa sofa. Bumalik ang mga imahe sa aking isipan pero hindi na sina ate Diane at Macky. Mga lalaking nagsasaya habang sumasayaw at hinila ako sa gitna ng maingay na lugar. Napatayo ako at nanlaki ang mga mata. Mga kaklase ni ate Diane ang mga yun. Ang dalawang lalaki pareho sa mga taong dumalo noong kaarawan niya sa bahay na may balak sakin ng masama. Tumakbo ako sa taas ng silid ko at sinara ang pinto. Ang mga larawan. Kailangan kong makita iyon muli. Makakatulong ito upang maalala ko lahat ng nangyari noong gabing kasama ko sila. 

Kinuha kaya ni Rafael ang mga larawan na yun? Naglakad ako pabalik-balik sa kama at pinto ng banyo. Kumakabog ng malakas ang puso ko. These vague memories I need to remember. It will help me in recalling the past. But how am I suppose to do that? Ang ingay ng ambulansya ang nagpahinto sa iniisip ko. Binuksan ko ang bintana at namilog ang mata. Naghihingalo ang puting kabayo at bakas sa mukha ni Rafael ang poot at sakit. Siguro nga sa ibang tao mababaw ang mga ginagawa niya ngayon pero ramdam ko sa kalooban niya na mahalaga sa kanya ang buhay ng kabayo. It is like one of his family member. A precious one and related in blood. Bago magsara ang pinto ng ambulansiya tumanaw si Rafael at nagtama ang aming mga mata. Namumula na ang mata niya. Pigil ko ang hininga ko sa nanlilisik niyang mga mata. Ako ba ang sinisisi niya sa nangyari?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon