Chapter 30: Peak of Desire

11 0 0
                                    

Niyakap ko ang sarili at hinila ang kumot at tinakpan ang aking katawan. Nanghihina ako at hindi ko alam kung makakaya ko pang maglakad pabalik sa kabilang silid. Siguro hindi naman na babalik si Rafael dito. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas kwarto na ng umaga. Dalawang oras na lang lilitaw na ang araw. Panibagong umaga haharapin ko. Buntong hininga ang tangi kong nagawa at pinilit kong ipikit ang aking mata.

 Ilang minuto pa lamang bumukas muli ang pinto at narinig ko ang tunog ng lock nito. Namulat ako at nakita nakangisi si Rafael sa akin. Bago pa ako makapagsalita bigla siyang tumalon sa kama at mabilis na tinanggal ang kanyang damit. Napalunok ako at hinila niya ako paharap sa kanya. Ang mga mata niya ay nanlilisik at mabilis niya akong hinawakan sa mukha at bumulong, "Miss me?"

Kakaiba ang aura niya ngayon kung kanina mahinahon siya ngayon naman masyado siyang aggressive at nakakatakot ang mata niya ng nanlilisik. Tinulak ko siya pero hindi man siya natinag at dahan-dahang itinaas ang aking damit. "Bitiwan mo—" Tinakpan niya ang aking bibig at patuloy na ginalaw ang kanyang kamay sa loob ng aking damit. Napaluha ako at bumalot ang takot at galit sa nagpupumilit niyang sakupin ang aking puri. Nahihibang na talaga ang Rafael na ito. Buong lakas ko siyang itinulak at sinipa siya sa kanyang hita ngunit iba ang natamaan ko at humiyaw siya sa sobrang sakit. "Kasalanan mo yan!" sigaw ko at nagmamadaling lumabas ng kubo. Tumakbo ako ng tumakbo at hindi tumitingin sa aking dinadaanan hanggang maramdaman ko ang sakit ng aking binti at paa. Napaluha ako ng makitang wala pala akong suot na sapatos o tsinelas man lang. Sobra na si Rafael! Napa-hagulgol ako at tumingin sa paligid. Madilim pa sa labas at wala pang masyadong naglalakad. Mga puno at matataas na damo lamang ang tangi kong nakikita. Tumibok ng napakalakas ang puso ko ng marinig ang mabibilis na yabag. Tumalon ako sa mga damo at umupo. Tinakpan ko ang aking bibig ng makita si Rafael ito. 

"Diane, show yourself! I didn't mean to do that," sigaw nito habang patuloy ang pagtingin sa paligid. Nasisiraan na ito kung iisipin niya na lalapit pa ako sa kanya. Nakakatakot ang itsura niya kanina at hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakapigil. Naglakad siya palapit sa pwesto ko at dahan dahan akong umatras.

Hindi pa ako nakakalayo nang magulat ako ng may itim na ahas sa aking harapan. Napasigaw ako sa takot. Mabilis na lumapit sakin si Rafael at nakita niya ang ahas na nakapulupot sa aking kamay. "Don't move," sagot niya at umatras ito. Duwag pa ang Rafael na ito! Iiwan talaga niya ako dito. Napapikit na lang ako at bigla kong naramdaman ang mga kamay na humatak sa akin. Napasinghap ako ng maamoy ang tsokolateng pabango ni Rafael. "You are safe now," bulong niya. Namulat ako at nakita ang nagpupungas niya mga mata. Tumango na lamang ako at hinayaan siyang buhatin ako pabalik ng kubo. Habang siya ay naglalakad pabalik nakita ko ang ahas na patay na sa gilid ng damo. Bakit hindi ko man narinig o naramdaman man lang ang ginawa niya sa ahas? Bago pa ako makapagtanong sa kanya mabilis niya akong binaba sa harap ng pintuan. Hindi pa rin siya kumikilos upang buksan ang pinto at nakatitig lamang sa akin. May binabalak na naman ba siya. Umatras ako pero mabilis niya akong niyakap at hagkan sa leeg. Napaungol ako at naramdaman na naman ang kakaibang sensayon sa aking sistema. Dapat ko na siyang itulak pero biglang bumaliktad ang aking katawan at naramdaman ko na lamang na pinalupot ko ang aking kamay sa kanyang leeg. Sa bilis ng pangyayari tinulak niya ang pintuan at sinara ito habang ang kanyang kamay ay naglalakbay sa aking katawan. Ano bang ginagawa ko? Mali ito! Pilit kong ginigiit sa aking isipan pero hindi ko magawang magprotesta ngayon sa ginagawa ni Rafael. 

It is like my body has its own mind and I reach the peak of my desire. It is a new sensational feeling coming from my veins and I could not protest the taste of desire. Ito ba ang sinasabi nang iba na mapapatangay ka na lamang kapag naramdaman mo ang init na nakakabaliw sa bawat haplos at ang mga mapupusok na halik na masarap sa pakiramdam. Sinundan ko lamang ang bawat paggalaw ng mga labi ni Rafael. Sa hindi inaasahan napamaang ang aking labi ng biglang huminto siya. Tumitig siya sa akin at tumawa ng pagak.

"You are indeed unbelievable," Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "You think I will let you fool me?" napailing ako sa kanyang sinabi. "You even protested earlier and now you are enjoying it? Why do you miss the feel of body heat?" para akong hinampas sa mga salita niya. Tama siya! Bakit ako nag-response sa ginawa niya? Mabilis akong tumayo at sinampal siya. Sasampalin ko pa sana siyang muli ng biglang bumukas ang pinto sa labas. Tumayo si Rafael at padabog na sinara ang pinto. Napaluha ako at gigil na gigil sa galit. Bakit ba akong nagpadala sa mga haplos at mga halik niya? Tuluyan na ba akong nahuhulog sa kanya? Pinunasan ko ang aking luha at narinig ang malakas na tunog ng sasakyan. Sumilip ako sa bintana at nakitang sumakay si Rafael kasama si Monica. Napa-hagulgol ako. Bakit ba ang tanga ko? Siguradong ginagamit lang ako ni Rafael para sumuko sa kanya. Muntik na akong mahibang dahil sa kakaibang pakiramdaman na iyon. Napasandal ako sa pader at nanlaki ang mata sa nakita sa side table. Kinuha ko ito at mabilis na binuksan. Nanghihina akong makita ang mga larawan ko sa bar. Ito ang gabi bago ako na kidnap. Saan ito nakuha ni Rafael? Tinignan ko lahat ng larawan. Lahat ito ay larawan ko mula sa pag-graduate ko sa university at pagpasok ko sa bahay namin. Pati ang larawan na mabilis akong niyakap ni Macky. Ang kasintahan ni ate Diane at mukha alam nito na kinukunan kami ng larawan. Nanlumo ako at nakaupo sa sahig. May alam ba siya sa lahat ng ito? Pilit kong iniisip kong anong nangyari sa araw na iyon. Sumasakit ang aking ulo pero ang tanging naaalala ko lang ay pinilit akong sumama ni Ate Diane sa kanila dahil may surpresa daw siya sa akin. Hindi kaya alam ni Ate Diane na may naghahanap sa kanya dahil sa pagkamatay ni James? Malakas na kumakabog ang aking puso at hirap akong huminga. Pilit kong tinatanim sa aking isipan na mali ang paratang ni Rafael kay ate Diane pero bakit parang may kinalaman pa siya sa pagdukot sa akin? Hindi kaya sinet up pa nila ng boyfriend niyang si Macky na ako ang nakuha ni Rafael imbis na si ate Diane? Ganoon ba ang pagkasuklam sa akin ni ate Diane?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon