Chapter 22: Madness

11 1 0
                                    

"Hindi ako nagsisinungaling, at lalong hindi akong nagpapanggap," giit ko kay Rafael at tumayo ako sa isang sulok at tinitigan siya. "Hindi ako takot sayo."

He grasped my hand and locked his gaze. "Look at me! You will pay for all the madness you did to my brother!"

"Wala akong kasalanan at kailanman hindi ako makokonsesya!" sigaw ko sa kanya. Sa isang iglap niyakap niya akong mahigpit at narinig ko ang hininga niya sa aking tainga. Nanginig ang aking paa at hindi ako makagalaw.

"Ipagpalagay na natin na totoo ang sinabi mo pero may nangyari pa rin sa inyo ng kuya ko," bulong nito at binitiwan ako dahilan upang matumba ako sa sahig. Tuloy tuloy lumabas ng silid si Rafael at hindi lumingon. Kahit anong pagkukumbinsi ko sa kanyang wala pa rin.

Mukhang sarado na ang kanyang pag-iisip. Pinilit kong tumayo kahit nanghihina ako at tinitigan ang sulat niya sa akin. "Intimate night," Umiling ako sa ideya na doon galit na galit si Rafael. Hibang na siguro akong isipin na may gusto si Rafael sa akin. Sa dinami daming pagpapahirap niya sa akin malabong magustuhan niya ako.

Huminga ako ng malalim at nilibang ang sarili sa pag-aayos ng aking mga damit. Pasalamat pa rin ako na may malasakit pa rin siya sakin kahit papaano. Pagkatapos kung mag-ayos ng gamit, sinunod ko naman ang paglilinis sa kubo at nakita ang mga pagkain sa mesa sa maliit na kusina.

"Cook all of these, make sure the workers will be able to eat it—Rafael," Napangiti ako. Pinagkatiwalaan niya din pala ako sa ganitong maliit na bagay. Nagsimula na akong magluto ng bumukas ang pinto. Hindi ko na tinignan ko sino ang pumasok at nagpatuloy na lang sa paghiwa ng mga gulay, bawang, sibuyas, patatas at iba pang mga sangkap sa aking mga niluluto. Napapakanta pa akong habang inihahanda ang mga sangkap sa pagluluto.

"Mula ngayon ako ang makakasama mo rito," sabi ni Rica. Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. Siya ang tanging naging kaibigan ko sa maikling panahon. Wala akong karapatan na ipilit sa kanya kung ano dapat paniwalaan.
Makalipas ang isang oras natapos na rin kaming magluto na hindi nag-iimikan. Binigay niya sa akin ang mangkok na lugaw at basong tubig.

"Huwag mong iisipin na concern ako sayo. Inutos lamang sakin yan." diin niya pero alam kong walang mag-uutos sa kanya na siguraduhing kumain ako. Ngumiti ako at dinala sa sala ang pagkain. Tahimik lamang akong hanggang maubos ko ito. Pagbalik ko sa kusina wala na ang mga pagkain na inayos namin upang ihayin sa labas. Napakunot ang noo ko ng marinig ang mga tawanan sa labas pagtingin ko si Rica na ang nagbigay ng mga pagkain.

"Okay ka na ba? Bakit ayaw mo kong kausapin?" sunod sunod na tanong nito pagpasok niya sa loob ng kubo.

"Wala na akong magagawa kung ayaw mong maniwala sa akin," malungkot kong sagot.
"Mas makabubuti sa iyo na mamuhay na lamang bilang Diane," saad nito. Napamaang ako sa kanyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko alam ang paniniwalaan ko pero isa lang ang maipapayo ko sayo. Hayaan mo na lang si Sir Rafael kung anong pinaniniwalaan niya para hindi kayo laging nagtatalo." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Kung ano man nangyari sa nakaraan mo maaaring mo munang talikuran ito at magsimula ng buhay dito," dagdag niya.
Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin pero tumango ako sa sinabi ni Rica. Sa mga salita niya naging maayos ang aking pakiramdam, siguro nga nararapat na kalimutan ko muna ang buhay ko noon at tanggapin ang nasa harap ko ngayon.

Mabilis lumipas ang isang linggo at bumalik sa normal ang lahat. Si Rica at Filo ang naging kasa-kasama ko. Si Rafael hindi na muling pumunta dito sa Secret island.

"Hoy!" sigaw sa akin ni Rica. "Bakit malalim na naman ang iniisip mo?" Umupo siya sa may bato malapit sa ilog. Ngumiti ako at tumingin sa langit.

"Masaya lang ako," sagot ko sa kanya pero umismid lamang siya. Sa hindi inaasahan, natalsikan niya ako ng tubig mula sa ilog. "Bakit mo ako binasa?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Hindi ko sinasadya," wika niya pero nagpipigil ng tawa.

"Rica!" sigaw ko at lumundag ako sa tubig dahilan upang mabuhusan siya ng malamig na tubig galing sa ilog. Bumawi siya sa akin at nagpatuloy kami nagtatampisaw sa ilog. Para kaming bumalik sa pagkabata. Patuloy lang kami nagtatampisaw at nagpasya na maligo na rin dito ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon may dumating na pamilyar na sasakyan. Ang itim na sasakyan ni Rafael.

Napahinto ako sa paliligo at kumaripas sa bilis ang aking puso habang nakatingin sa lalaking pababa nito. Lumapit sa amin si Filo at ini-abot ang tuwalya. Hindi ko na hinintay si Rafael at nagmamadaling bumalik sa kubo upang magbihis. Pagpasok ko napa-atras ako ng makitang bukas ang pinto. Nauna ba sa akin si Rica. Nagmamadali na lamang akong pumasok at diretso sa kwarto. I removed my wet shirt when I heard a door creaking in the bathroom. As I turned around Rafael eyes locked at me, my heart rumbled again and could not move as he slowly went in my direction.

He stopped in front of me, grabbed my hand, and his face moved closer. I gulped and closed my eyes.

"What the hell are you both doing here!" ang pag-sigaw ni Monica ang nagmulat sa akin sa realidad. Tumalikod ako at akmang isusuot ang damit ng biglang hinila ni Monica ang aking buhok. "Malanding babae ka! Sinabi ko na sayo na huwag mong aakitin ang boyfriend ko!"

"Monica enough!" Monica came to a halt and stopped pulling my hair. She faced Rafael and slapped his face.

"Do you like this cheap girl?" Hindi kumibo si Rafael sa tanong ni Monica. Lalong tumindi ang galit niya at tinulak si Rafael at ipinagpatuloy ang pagsuntok sa mga braso nito. "How dare you! Kaya last week mo pa gustong pumunta dito dahil gusto mong makita ang kirida mo!" patuloy na pag-sigaw ni Monica. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila pero nahagip pa rin ako ni Monica, "Saan ka pupunta?" sita nito at akmang sasampalin ako ng itulak ako ni Rafael sa kama dahilan upang matumba si Monica sa sahig. Humagulgol ito ng iyak at niyakap ito ni Rafael. Biglang kumirot ang aking puso habang tinitignan sila.

"Get out!" Rafael shouted. Nanghihina akong lumabas ng kwarto at napaiyak. Bakit ba ako apektado?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon