Chapter 53: Rafael Change

6 0 0
                                    

Sa buong byahe namin ni Matt naging tahimik lang sa kanyang kotse. Hindi ko malaman kong ano bang ibig niya sabihin kanina at panaka-naka din siyang nakatingin sakin sa rearview mirror. 

"Ano ba kasi yun?" Tinaasan ko siya ng kilay at hininto naman niya ang sasakyan sa gilid ng palengke. 

"Rafael is jealous." Tumawa siya at lumabas na ng sasakyan. Si Rafael magseselos. Imposible! Binuksan ko ang pinto at tinanggal ang seatbelt. Naningkit ang mata ko. Kaya ba sa backseat niya ako pinaupo imbes na sa tabi ni Matt. Umiling ako sa naisip. 

"May Monica siya." bulong ko sa sarili at sinara na ang pinto ng sasakyan. Sumunod lang ako kay Matt habang bumibili siya ng mga sangkap para sa pabrika. Nagulat ako ng nagtanong siya sa nagbebenta ng gulay. "Pati gulay?" taka kong tanong. Umiling naman siya.

"I already asked about the price so you can buy here for fresh vegetables and meat. I need to pick up all the ingredients." Pabalik na siya sa kotse ng hinila ko ang kamay niya.

"Iiwan mo ko dito?"

"Oo, kailangan ko na maihatid agad ang mga sangkap. Balikan na lang kita." Tumango na lang ako. Tuluyan na siyang umalis at nagsimula na kong mamalengke. Magpipick up lang pala siya dito ng mga sangkap. Bakit kailangan pa niya ng kasama? Sumimangot ako.

"Iha, umalis na ang kasintahan mo?" Napabaling ako sa tindera.

"Hindi ko po yun kasintahan." Pilit akong ngumiti at namili ng mga kalabasa, talong, okra at ibang pang gulay.

"Bagay kayo nun." Iniangat ko ang ulo ko at ngumiti ulit sa tindera. "Alam mo bang mabait yung binatilyong iyon. Hindi tulad ng amo niya laging salubong ang kilay." Natawa ako sa sinabi niya.

Nanlaki ang mata niya. "Pasensiya na!" 

"Okay lang po yun," magalang kong sagot.

"Ikaw siguro yung girlfriend ng amo niya. Hindi ko sinasadya sabihin iyon." Tumawa lang ako ulit. 

"Hindi po. Totoo naman pong salubong lagi ang kilay ni Rafael. Hindi palangiti." Tumawa naman ang tindera. 

"Sinabi mo pa. Kung hindi ko lang kilala si Sir James hindi ko iisipin na kapatid niya yun." komento nito habang binibilang ang mga gulay at tinimbang.

"Kilala niyo po si James?" HIndi ko maiwasan magka-interes alamin kong ano ba ang ugali ni James.

"Oo naman. Lahat kami kilala siya dito. Lagi yun pumupunta dito tapos nakikipagkwentuhan. Sumasama din siya sa bukid ng asawa ko para lang may makausap. Masyado siyang naging malungkot nang maghiwalay sila ng nobya niya." Kwento nito at ngumiti sakin. "Hindi mo siya naabutan. Sayang mabait yun at kung ikukumpara mo kay Sir Rafael parang hindi talaga sila magkapatid." Nilagay na niya sa plastik ang mga gulay at sinunod naman niyang timbangin ang karne. "Ilang kilo nito?" 

"Tatlong kilo po," sagot ko. Gusto ko pang magtanong tungkol kay James at kung nakita ba nila ang mga ito noong maliliit pa. Hindi kong maiwasan magtaka sa paintings na nakita ko sa bahay ni Rafael. Lalo na ang isang painting, kamukha ko iyon noong bata ako tapos meron din mga paintings dito sa bahay bakasyunan nila. 

"Limang daan lahat iha." Ngumiti ako. 

"Eto po ang bayad. Salamat po." Tumango ito at ngumiti sakin. Naglakad-lakad pa ko hanggang makita ang mga prutas. Bumili ako ng mansanas, saging at mangga. Nakita ko pa ang mga batang nagtatakbuhan sa gilid ng kalsada. Ang ganda dito. Ang luwang at mababait ang mga tao. Hindi tulad samin. Masikip na ang palengke tapos puro pa nakasimangot ang mga nagtitinda. Iba talaga ang nagagawa ng sariwang hangin. Naglakad pa kong hanggang makarating sa malawak na kabukiran. Umupo ako sa mahabang upuan sa gilid at humarap sa malawak na bukid. Pumikit ako at dinama ang sariwa ng hangin. 

"Tapos ka na?" Dumilat ako at napatayo. "Why?"

"Anong ginagawa mo dito?" taka kong tanong kay Rafael. Umiling lang ito at binuhat ang mga plastik ng gulay, prutas at karne.

"Let’s go," Humakbang na siya pabalik sa palengke. Tumingin ang mga tindera habang naglalakad siya at kasunod ako. Sana hindi ako mapansin ng ale kanina. 

"Iha!" Napahinto ako at bumaling sa tindera. Ngumiti ako at yumuko. "Kasintahan niya nga si Sir Rafael." sabi niya sa katabing tindero.

"Hindi—"

"Magandang araw po," Putol sakin ni Rafael at lumapit sa tindera. "Did you buy lettuce and tomatoes?" Baling niya sa akin. Umiling naman ako. Wala naman siyang binilin kanina. Kumuha siya ng mga kamatis at lettuce. Naglabas siya ng 1000 peso bill sa wallet niya at iniabot sa tindera. Inabot naman sa kanya ang plastik ng mga binili niya. Tapos naglakad na siya paalis. 

"Sir, sukli niyo po!" tawag sa kanya ng tindera. Bumaling naman siya at ngumiti.

"Keep the change," sagot niya. Namula naman ang tindera. 

"Mas gwapo po kayo kapag nakangiti." Nagkamot lang ng ulo si Rafael at tumango. Hindi ako makagalaw. Si Rafael ba ang nakikita ko? Bakit ang ganda ng mood niya ngayon? Humakbang siya pabalik at ngumiti din sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa bawat madaanan namin. 

"Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal." narinig kong hirit ng tindera. Kanina lang sabi niya laging salubong ang kilay ni Rafael. 

"Bakit ang bagal mong maglakad?" Tumitig lang ako sa mukha niya. "May dumi ba ko sa mukha?" Umiling ako. Huminto kami sa puting kotse. Binuksan niya ang pinto at alanganin akong sumakay. "Sumakay ka na?"

"Sa backseat na lang po ako Sir." sagot ko at binuksan ang pinto. Sinara naman niya ito. 

"No! I am not your driver. Go inside." utos niya at hinila papasok ng passenger seat. Sumakay na lang ako pero hindi ko maiwasan magtanong.

"Bakit kanina sa sasakyan ni Matt sa back seat mo ako pinaupo?" Umiwas naman siya ng tingin at binuhay ang makina. Tumikhim ako.

"He is my driver," sagot niya.

"Ano naman ngayon? Katulong lang naman ako." Umiling ito at bumaling sakin.

"Can you stop asking? Hindi ka masaya na hindi si Matt ang nagsundo sayo?!" singhal nito. Saan nanggaling ang tanong niya?

"Ano? Bakit mo naman naisip yan?" Tinaasan ko siya ng kilay at bumaling sa bintana. Ibang daan ang tinatahak namin. "Saan tayo pupunta?"

"We need to go to the nipa huts." sagot niya. Hindi na lang ako umimik hanggang nakarating kami. Lumabas siya ng kotse at pinabuksan ako ng pinto. Tumango siya at hinawakan pa ang kamay ko. Tinapik ko ang kamay niya. "What?"

"Bakit mo hinahawakan ang kamay ko? Kaya ko naman." sita ko at naunang maglakad papunta sa kubo.

"Ano naman kong hawakan ko? Bakit kanina si Matt hinawakan naman ang kamay mo hindi mo sinita." Napahinto ako. Nagseselos ba siya kay Matt? Umiling ako. Huwag ko dapat maisip yun. Nahahawa na ko sa mga haka-haka ni Matt. 

"Ano naman sayo?" Nagsalubong ang kilay niya at umusok ang tainga. Tumalikod siya at bumalik sa kotse. Bumuntong hininga ako at humakbang papunta sa kanya.

"Diane!" Lumingon ako at nakita si Rica at Filo palabas ng kubo. 

"Rica!" Tuwang-tuwa akong tumakbo sa kanya.

 "Kayo ata ang magkasintahan." Komento ni Filo. Tumawa lang kami ni Rica. 

"Buti naman andito na kayo. Nabili rin ba ni Sir Rafael yung pinahabol kong gulay?" sabi ni Rica.

"Ano?" 

"Hindi ba niya sinabi sayo? Tinawagan niya kami kanina sabi niya gusto mo daw pumunta dito sa kubo kasama kami. Siya pa nga ang nagpaalam kay Gianng Letisha para payagan ako. Kaya sabi ko kami na lang ni Filo ang maghahanda ng iluluto. Siya namang ang nagpresintang bumili ng mga kailangan." Napatingin ako sa puting kotse sa labas. Saktong palabas naman si Rafael at bitbit na ang mga binili namin sa palengke. Totoo ba ito? Is he changing?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon