Chapter 71: He left me

9 0 0
                                    

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Hinilot ko ito at pumihit patagilid sa kama. Ang weird pa ng panaginip ko parang totoo. Rafael and I did something spectacular and unbelievable. I felt his lips to mine. It is so soft and sweet. Umiling ako at tumayo. Pagmulat ko wala akong saplot at nakatakip ng puti kumot ang katawan ko. Napasinghap ako at naramdaman ang sakit sa pang-ibaba ko. Kukurap-kurap kong inilibot ang paningin sa silid. Walang Rafael na nakahiga sa tabi ko at sarado ang pinto. Unti-unti kong naalala ang ginawa namin kagabi nalasing ako at…..Pumikit ako ng mariin. How does it happen? 

Hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari basta ang tanda ko lang may masakit sakin. Tumayo ako at pinulot ang mga damit ko sa sahig. Namula ako ng makita ang stain sa kama. Talagang naibigay ko nga sa kanya ang lahat. Ano na lang ang sasabihin niya? Umupo muna ko sa kama ng kalahating oras hanggang nakaisip ng idadahilan. Nalasing ako at walang maalala. Naglakad na ko palabas ng silid at natulala. Kwarto pala ito sa tabi ng bar room. Ang mga malalabong imahe niya kagabi pilit sumisiksik sa akin isipan. Biglang dumagundong ang puso ko ng makarinig ng mabibilis na yabag. Lumunok ako at hinintay bumukas ng pinto. Kunot noong pumasok si Matt.

"Did you see Rafael?" Umiling ako. "It is true then,"

Namutla ako sa pahayag niya. "A-Anong ibig mong sabihin?" Hindi ako mapakali sa sobrang dismaya niya.

"Rafael went back to the US." Nagsalubong ang kilay ko. Imposible. Tumawa ako kahit hindi na maipinta ang mukha niya. 

"Seryoso ka?" Halos pabulong kong sabi at humawak sa upuan. Tumango siya at lumabas muli. Napaluha ako. Akala ko ba totoo ang mga nangyari kagabi? Bakit sa isang iglap aalis na lang siya? Hindi man lang niya tinanong kung totoo lahat ng sinabi ko sa kanya noon that he was wrong about me. He is a coward! Matapos niyang malaman na siya lang ang tanging lalaki nakuha ako. Tatakbo na lang siya! Napahiyaw ako sa sakit dahil unti-unti naging malinaw ang akala ko galing sa amin pagmamahalan yun pala ay malaking pagkakamali sa kanya. Sumabog na nang tuluyan ang puso ko at unti-unting nadurog ito. Lahat ng nangyari kagabi naging malinaw sakin. He told me he wanted me badly last night and would risk everything. He also told me to shout stop, but I did not because I love him that much, even though he always gives me heartaches until he consumes my everything, my purity, and my heart and soul.

Hindi ko na alam pa ang gagawin at umupo na lang sa sahig. Dapat ba akong matuwa na umalis na siya. At last makakauwi na ko pero bakit ang bigat? Ganun ganun lang ba talaga ako sa kanya? Sabagay si Monica nga na matagal niyang kaibigan bago naging sila pero wala pa rin siyang napala.

"Diane?" Pinunasan ko ang mukha ko at tumayo. Humarap ako kay Matt at pilit ngumiti. "Bakit ka umiiyak?"

Tumikhim ako at umiling. "Wala lang ito. Ibig sabihin ba yan pwede mo na akong ihatid samin?" Umaatras siya at biglang tumunog ang phone niya. Kinuha niya ito at lumabas muli ng bar room. 

Ilang oras akong naghihintay pero hindi na muling bumalik si Matt. Lumabas ako sa bar room at napansin sobrang tahimik ng bahay. Umikot ako sa sala at pumunta sa kusina. Wala talaga dito si Matt. Napatingin ako sa taas. Umakyat ako sa hagdan at napansin bukas ang pintuan ng silid ni Rafael. Pumasok ako at nakitang bukas ang cabinet. Bumigat ang pakiramdaman kong makita na wala na ni isang damit dito. 

"Umalis na nga siya," bulong ko sa hangin at umupo sa kama niya. Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko. Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy sa mukha ko. Humiga ako at pumikit. Ang mga alaala kagabi ay lalong luminaw sakin. Kahit hindi niya sinabi ramdam ko ang pagkalito niya ng sobra akong masaktan. Dumilat ako at pinunasan ang mga luha. Tama na ang katangahan ko wala na akong mapapala rito at kailangan ko nang umuwi samin. Tumayo ako at lumabas ng silid niya. He indeed left me without a word. Perhaps I deserve it since I am too occupied believing that my sister Diane has nothing to do with what happened to James. Sinara ko na ang pinto niya at bumaba ng hagdan. Malapit pa lang ako sa paanan ng hagdan ng biglang marinig ang mga boses na nagtatalo sa di kalayuan. Bakit parang pamilyar ang boses na kausap ni Matt?

Tumakbo ako palabas at nanlaki ang mga mata sa nakita. "Lance?" Tinulak ni Lance si Matt at tumakbo sakin. "Paano mo nalaman—"

"No need to explain it now! Let's get out of here." mabilis na putol niya sakin at hinila ako papunta sa puting kotse. 

"Wait! Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na nandito ako?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. 

"Michaela! Listen to me! We need to get out here first." Umiling ako. Naglakad palapit samin si Matt at tumitig sakin.

"Kilala mo siya? Sabi niya Michaela ang hinahanap niya rito." Takang tanong ni Matt sakin at kunot noong umiling.

"Ako talaga si Michaela, Matt. Hindi ba sinabi ko na rin sayo yun pero hindi ka naniwala. Hindi kayo naniwala ni Rafael." sagot ko sa kanya.

"Pero bakit hindi mo pinagpilitan na hindi ikaw si Diane." sagot nito.

"Diane?! Totoo nga ang mga narinig ko may kinalaman na naman ang ate mo rito!" sigaw ni Lance. Huli na bago ko pa i-deny ang lahat. 

"Ate mo siya?!" sigaw ni Matt at hinawakan ang kamay ko. "Tell me the truth! Kaya ba hindi mo na ipinilit kay Rafael na hindi ikaw si Diane dahil natatakot ka na baka balikan niya ang ate mo?!" Hindi ako makasagot sa mga parating ni Matt at yumuko na lang. "This is the reason why you keep searching for something here. May contact ba kayo ng ate mo? Hindi mo ba alam na kaya umalis si Rafael ay dahil gulong gulo sayo." Iniangat ko ang mukha ko.

"Nakausap mo siya?" Bahagyang tumango si Matt. "Anog sabi niya sayo?"

"He already left, Diane or Michaela. Whatever your name is!" sarkastikong sagot niya. 

"Hindi naman ba niya itutuloy ang paghahanap ng justice para sa kuya niya?" bulong ko. 

"Hindi ko alam. Isa lang ang bilin niya sakin. Maiwan daw ako rito para bantayan ang bahay niya." malungkot nitong sagot.

"Paano ako?" Litong-lito kong tanong.

"Michaela! Kailangan na natin umalis!" Pilit ni Lance at hinila na niya ako papasok ng kotse. Walang ng sinabi si Matt. Hinihintay ko ang pagpigil niya sakin pero tumalikod na siya. Lumunok ako at tumingin sa bahay ni Rafael. Hindi na nga siguro siya babalik. Paalam Rafael. Pumikit ako at sinara ang pinto. Hindi ko man lang nalaman ang totoong nangyari kay James. Kahit hindi maganda ang trato sakin ni Rafael masakit para sakin na hindi man lang niya nalaman ang totoo. Wala na akong magagawa pa, ang mga litrato lang ang mga nakita ko at wala akong ebidensiya nagpapatibay na may kinalaman si ate Diane o si Macky sa nangyari. Kaya ko bang comprontahin ang ate ko sa mga nalaman ko tungkol sa kanya at kay James? 

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon