Chapter 44: The Pain of Her Past

14 0 0
                                    

Pigil ko ang pagpikit ng aking mata habang binabantayan ang nilulutong nilagang baboy. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga malabong alaala na nakikita ko kapag nakaidlip. 

"Diane! Yung niluluto mo." Napapitlag ako ng makitang umaapaw na ang sabaw ng niluto ko. "Wala ka bang tulog?"

Pinatay ko ang kalan at humarap kay Rica. "Ang sarap kaya ng tulog ko kagabi."

Sumimangot siya. "Kaya pala ang laki ng eyebags mo." Ngumiti ako ng pilit at humarap sa lababo. Nagsimula ng akong maghugas ng bumukas ang pinto. Sabay kaming humarap ni Rica at nanlaki ang mga mata. 

"Let's go," tipid na sabi ni Rafael at lumabas muli.

"Aalis ka na agad dito." Nakalabi sabi ni Rica.

"Magkikita rin tayo muli." Niyakap ko siya at tinapik ako sa likod. Sinamahan niya ako sa maid quarters at nagpasya akong iwan muna ang mga damit ko. "Pwede naman sigurado akog bumisita dito pa minsan-minsan."

"Sige. Magpapaalam din ako tuwing off ko na pupunta sa inyo at may magandang balita ako!" Nakangiti nitong sabi.

"Ano yun?" 

"Lumakas na si Ginang Letisha!" Tuwang-tuwa niyang sagot. Napasabay pa ako sa pagtalon niya. Umiling ako habang nakatingin sa kanya. 

Ang bait talaga ni Rica kahit amo niya si Ginang Letisha at hindi ka ano-ano concern siya dito.

"Magandang balita nga yan." Sagot ko at nagpalit na ng damit. Isang hakbang pa lang ako sa banyo nang magsalita siyang muli.

"Gusto ka din pala niyang makita at makausap." Napahinto ako at pumihit paharap sa kanya. Lumunok ako at namilog ang mata niya. "Wala naman siyang kinalaman sa away niyo ni Monica at di ba naging mabait din siya sayo?" 

Tumikhim ako at tumango. "Sige, bihis mo na ko tapos magpapaalam ako kay Sir Rafael." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok na ako sa loob. Nagpalit ako at tumitig sa salamin. Hinawakan ko ang katapat ng puso ko at nagulat. Bakit ako kinakabahan? Wala naman akong dapat ipangamba. Kahit naging masungit si Ginang Letisha sa huli namin pag-uusap alam ko hindi iyon ang nasa puso niya. Pumikit ako ng mariin at bumalik na naman ang malabong alaala ng sunog. Dumilat ako at binuksan ang gripo.

"Wala lang ito!" Pilit kong isinisiksik sa utak ko at naghilamos ng mukha ng ilang ulit hanggang panatag na kalooban ko.

"Diane! Galit na naman amo mo. Bilisan mo dyan!" Sigaw ni Rica sa labas. 

"Sige susunod na ko." sagot ko at pinunasan ang mukha ko. 

Ma'am Letisha experienced a lot of pain and is still living in the past. I could not imagine being in her position. Hindi ko makakaya yun na mamatayan ng anak tapos nabubuhay pa rin siya sa pag-asang buhay pa ito. Binuksan ko ang pinto at tuloy-tuloy ang hakbang patungo sa sala. Nakaupo si Rafael sa mahabang silya. Mukha wala si Monica dahil hindi siya na ka bantay dito. Ilang hakbang na lang ako palapit sa kanya ng biglang siyang pumihit sa direksyon ko. Kunot ang noo at umiling.

"Hindi pa nga ako nagtatanong sayo, umiiyak ka na agad." Sumimangot ako sa sinabi niya at hinawakan ang pisngi ko. Napasinghap ako ng maramdaman ang basa sa mukha ko. 

Am I crying again? About what? Am I giving sympathy because of the pain of the past of Ma'am Letisha? "Diane! Enough drama! Matt had already found the man who shot my horse. Let's go back to the rest house. I'm tired." 

Pinunasan ko ang mga luha ko at humarang sa dadaanan niya. "Gusto ako makausap ni Ginang Letisha. Saglit lang ako." 

Buntong hininga siyang tumango. Napansin ko ang maitim sa ilalim ng mata niya. Wala sigurado siyang tulog. Umiling na lang ako at umakyat sa taas sakto naman na bumaba si Rica ng hagdan.

Ngumiti siya at hinila ako sa kwarto ni Ginang Letisha. "Teka... lang." giit ko habang palapit sa silid.

"Ano ka ba? Hindi ka naman papagalitan ni Ginang Letisha sa Cat fight niyo ni Ma'am Monica." Kantyaw niya. Ngumiti ako ng pilit at biglang bukas niya ng pinto. Sumalubong samin ang Ginang na nakasuot ng simpleng puting damit at nakababa ang mahaba niya buhok. Hindi ako makakakilos sa lambot ng tingin niya sa akin at may kislap ng ngiti ang mga mata. Tumibok ng malakas ang puso ko at gumaan ang pakiramdam ko. 

Yumuko ako at sinabing, "Kumusta na po ang kalagayan niyo?"

"Ayos lang naman ako. Halika pumasok ka muna rito. Gusto lang kitang makausap." Mahina niyang sagot. Ngumiti ako at pumasok sa loob. Sinara naman ni Rica ang pinto. Tinaasan ko siya ng kilay at binulong kung saan siya pupunta.

Imbes sagutin ako tumingin siya sa likod ko. "Maiwan ko muna po kayo, Ma'am." 

"Huwag mo kong iwan dito." Bulong ko. Ngumiti lang siya at pinihit pasara ang pinto.

"Natatakot ka bang kausapin ako?" Umiling ako at humarap kay Ginang Letisha. "Gusto ko lang sana sabihin sayo na ganyan talaga ang ugali ni Monica. Hindi ko siya masisisi dahil matagal niyang naging kaibigan si Rafael bago bigyan siya ng tsansa sa isang relasyon. Kaya hindi mo maalis sa kanya na lagi siyang nakabantay dito. Patawarin mo sana siya kong lagi ka niyang inaaway." Buntong hininga siyang tumitig sakin.

Tumikhim ako at iniwas ang mga tingin niya. "Hindi..." Napahinto ako at iniisip ng mabuti ang dapat sabihin. "Wala naman po siyang dapat ipangamba. Wala po kaming relasyon ni Rafael-este Sir Rafael. Amo ko lang po siya." Bumigat ang puso ko sa mga binitawan kong salita pero yun naman ang totoo. 

"Alam ko naman iyon iha." Ngumiti siya at naglakad palapit sakin. Hinawakan niya ang braso ko at niyakap. "Kung kailangan mo ng kausap pwede mong pasyalan si Rica dito at pwede ka rin makipag-kwentuhan sakin. Naiinip na rin ako dito sa villa dahil ayaw nila akong bumalik sa trabaho dahil dapat magaling na magaling na daw ako." Tumawa pa siya at tinapik tapik ang likod ko. "Mag-ingat ka lagi."

Kumalas siya sa yakap at umupo sa sofa. "Alam mo ba nangungulila ako sa nag-iisang anak kong babae." Yumuko ako sa kanya at pa simpleng tumingin sa gilid. Nakatuon siya sa maliit na kulay rosa na cabinet. Binuksan niya ito at nasinghap ko ang amoy ng banayad na maladamong berdeng amoy. Nakakagaan ng pakiramdam para ba akong nasa isang hardin na may sariwang hangin at umaawit na mga ibon. 

"Nagustuhan mo ba ang amoy? Ito ay mga daisies. Si Monica ayaw na ayaw niya itong nakikita kaya nagpagawa pa ko nitong mukhang cabinet pero sa loob nito ay mga daisies. Halika tingnan mo." Lumapit ako at tumingin. Ito rin ang parehong bulaklak na gusto kong tinitingnan. May maliit at maninipis na puting petals. Madalas ito kasama ng mga ligaw na damo. Ang amoy hindi ganoon ka espesyal sa iba pero para sa akin ito ay isang bulaklak na napakahalaga para sa ina at anak. Simbolo ng pagmamahal ng isang ina. Ito ay dalisay at tanging hangad ay mapabuti ang anak. Malungkot akong tumingin kay Ginang Letisha. How long will she endure the pain of her past?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon