Chapter 17: The Start

15 1 0
                                    

"What are you thinking?" Matt asked. 

"Huh?" Ngumiti na lamang ito at ibinalik sa kanya ang karet. 

"Hindi ako pinapunta ni Rafael dito para tulungan ka. I just show you the right way in using this thing." sagot niya at tinuro ang hawak kong karet. Ngumiti na lang ako ng pilit. Akala ko naman ang sinasabi niyang mali ay ang hindi pagsabi kay Rafael na ate ko si Diane. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa hanggang tumanghali na at sobrang tindi na ang sikat ng araw. Nahilo ako at napaupo sa damuhan. "Are you okay?" Tumango na lamang ako kay Matt. Ipinikit ko ang aking mga mata at nang makabawi na sa pagod, tumayo akong muli at nagsimulang nang maggapas. 

Sa paglipas ng isang oras natapos ko rin sa wakas. "I did it!" sigaw kong sabi at mabilis na tumakbo kay Matt at inagaw ang hawak niyang bottled water.

"Sa akin iyan." giit nito.

"Thank you," sagot ko hanggang maubos ko ang laman ng bote. Umiling na lamang ito at binuksan ang pinto ng pick up. Sumakay ako at walang kibo kaming nagbyahe. Sakto lang ang pagpapatakbo niya upang makita ko ang ganda ng isla na ito. "Asan pala tayo?"

"Ito ay isa sa mga pagmamay-ari ni Rafael. It is indeed a secret island." 

"A secret island?"

"Yeah, this is the favorite place of James and Rafael." Natigilan ako sa sagot niya.

"Nakilala mo rin ba ang kuya ni Rafael?" Tumango lamang siya. Gusto ko pang magtanong pero mukhang mahihirapan ako baka isipin ni Matt na kakampi ako ng ate ko. 

"James Jones is the opposite of Rafael. He is kind, charming and helpful person. Mas gusto siya ng mga tao dito sa Villa Letisha dahil lagi siyang nakangiti at likas na matulungin. Kaya kapag nalaman nila na ikaw ang sinisisi ni Rafael sa pagkamatay ni James baka magulat ka na lang na ipapatapon ka nila sa ibang siyudad." Napalunok ako sa babala niya at humawak sa pinto ng sasakyan. "Bakit hindi mo pa kasi sabihin sa kanya ang lahat?" Dagdag nito at hininto ang sasakyan.

"Hindi ko alam kong paano." Saad ko. 

"Bahala ka na. Hindi ako maaaring makialam sa inyo baka akala ni Rafael kinakampihan kita. Bumaba ka na." Sagot nito na tumitig sa akin.

"Dito? Anong gagawin ko dito?" Tanong ko at tumingin sa paligid. Mayroon dalawang kubo rito at may kakaibang mga bulaklak na may kulay lila, pula, puti at dilaw.

"Just stay here," Matt answered, driving away.

"Hey!" sigaw ko pero tuluyan na niya akong iniwan. Naglakad na lang ako papunta sa dalawang kubo. Napakunot ang kilay ko ng bigla may narinig akong pagsigaw. Mabilis akong nagtago sa puno. Paglabas niya ako ay nagimbal. "Monica,"

"Oh, you are here, Diane. Rafael wanted me to teach you something," she said with a sweet tone of voice. Monica will never smile and be sweet like this or else. 

"Babe, who your talking to?" Rafael appeared topless and his hair still wet. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Tumingin na lamang ako sa bulaklak sa aking harapan. "You are here, good then. It is the start Diane, so I hope you will listen attentively to Monica." 

Tumango na lamang ako at hindi pa rin nakatingin sa kanya. "Bakit hindi ka makatingin sa amin?" tanong ni Monica at hinila ang kanyang braso dahilan upang magtama ang paningin nila ni Rafael. Huli na ang lahat para bawiin pa niya ang kanyang mga titig. Ang mga mata niya ay parang napakaamo ngayon at natatangay siya sa mga titig nito. "Diane!" histerikal na sigaw ni Monica. 

"Ano?" 

"Are you shouting at me?" Monica retorted.

"Hindi." saad ko. Hinila niya ako sa loob at sinara ang pinto. Narinig ko ang mga halakhak niya sa labas. Nanggigigil akong napatingin sa bintana at nakita silang nagyayakapan at naghaharutan. Seriously? Nagtago ako sa sulok ng makita napatingin sa bintana si Rafael. Ang bilis ng tibok ng aking puso na para ba akong mababaliw. Bakit ang sakit? Tinignan ko ang aking kamay, braso, katawan at mukha, wala naman mga sugat pero bakit sobrang sakit. Namalayan ko na lamang na may tumutulong luha sa aking mukha. 

"Diane!" Monica shouted, raising her eyebrows at me. "Why are you crying?" 

Umiling lang ako at pinunasan ang aking mukha. "Hindi ako naniniwala sayo. Tell me what happened." Ang kulit naman ng babaeng ito. Nag-isip na lamang ako ng madadahilan ng biglang tumunog ang aking tiyan. "Oh my! You are hungry! Patay gutom ka pala." diin nito. Ngumiti na lang ako ng pilit at tumango sa kanya. "Since I am happy today, I will buy you food but after this you need to follow all my rules." 

"Why should I?" Nagulat siya sa aking sinabi at umupo sa malambot na kama. "I mean, gutom na gutom na talaga ako." Buti na lang nasa mood siya ngayon at tumango na lamang siya. 

Makalipas ang isang oras may dumating na mga tao at may dalang basket. "Buti na lang nakarating na kayo. Tulungan niyo si Diane rito. Gusto kasi ni Rafael na matapos agad ang dalawang pang-kubo dito." Tumango lamang ang dalawang lalaki na nakasumbrero at mukhang kasing edad ko lang sila. Akmang sasakay na si Monica sa pulang sasakyan ng bigla ko siyang hinawakan. 

"Teka, iiwan mo ko rito?"

"Yes, Rafael told me, it is the start, so you need to abide by rules."

"What start?"

"Boba ka ba?" maarte nitong sabi. Nakakapikon na ito. Gusto ko na siyang patulan ng biglang siyang magsalita muli, "sa madaling salita, kailangan nang simulan ang pagpapahirap sa iyo hanggang hindi ka umaamin sa kasalanan mo."

Hindi ako makagalaw sa sinabi ni Monica. Ibig sabihin wala lang kay Rafael ang mga pagpapahirap niya sa akin sa Villa Letisha at dito pa talaga niya akong gustong pahirapan. Tumingin ako sa paligid at napayakap sa aking sarili. Masyadong malayo ito sa siyudad at mahihirapan akong makatakas dito. Ano ba kasing pumasok sa isip ko? Bakit ba ako bumalik sa bahay ni Rafael? "Do you get it now?" Monica added. 

"Oo," iyon lamang ang aking nasagot at bumalik na sa dalawang lalaking nag-aayos ng pagkain. 

"Ma'am, bakit hindi pa po kayo sumama kay Monica? Alam na po namin ang gagawin namin dito." sabi ng lalaking nakadilaw na damit at may kulay tsokolateng mata. 

"Gusto po kasi ni Sir Rafael na hands on ako dito sa project niya," Tumango na lamang sila sa aking sagot at inihanda na ang makakain. Tahimik lamang kami ng biglang may tumikhim sa aming likuran. Humarap kami at napaatras ako sa aking nakita. Pinaglalaruan ba nila ako?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon