Chapter 46: Wishing for a Great Future

14 0 0
                                    

Tumayo na si Matt at hindi na muli akong kinulit tungkol sa takot ko sa dugo. "Bakit ka nakaupo dyan? Magluto ka na at maglinis!" Humarap ako kay Rafael nang makapasok siya sa loob. Tumayo ako at hindi na lang sumagot. Dumiretso ako sa kusina at napahinto ng maamoy ang fried chicken at sinigang. Pagpasok ko nakasuot ng apron si Matt at sumisipol pang nagluluto. 

"Wow!" Hindi ko mapigilang sabihin. Humarap siya sakin at umiling.

"Di ba sabi ko magpahinga ka muna doon sa sala?" Kunot noo akong tumingin sa kanya. Hindi ko maalala kong may sinabi ba siya kanina. Di bale na lang. 

"Gutom na ko." Bulong ko.

"It is obvious." Komento niya at nilagay sa tray ang mga fried chicken. "Mauna ka nang kumain samin. Sigurado hindi ka papayagan mamaya ni Rafael na sumabay samin." Tumango ako at kumuha ng kubyertos at plato. Nilagay niya sa mesa ang mga ulam pati na rin ang isang mangkong ng kanin. Kumislap ang mga mata ko at hindi na sinayang pa ang oras.

Makalipas ang ilang sandali. Inaantok na ko sa sobrang kabusugan. Tumingin ako kay Matt at yumuko. "Maraming Salamat."

"Sige na. Magpahinga ka na sa kwarto mo. Tiningnan ko na rin si Rafael. Tulog pa kaya matulog ka na din." 

"Pero—"

"Ako nang bahala maglinis dito. Basta ngayon lang ito!" Pagputol niya sa sasabihin ko. Hinayaan ko na lang siya at umakyat na sa taas. Palihim ko siya sinilip sa baba. Magaling siya maglinis at mas mabilis pa sakin. Papaturo nga ako sa kanya kung paano gawin ng mabilis ang paglilinis ng sala.

"What are you looking at?" Mabilis akong bumaba at kinuha kay Matt ang walis. Kunot noo niya ako tiningnan. Tinuro ko sa kanya si Rafael gamit ang nguso ko na pababa na sa hagdan.

"Rafael." Pilit ns ngiti ang binigay ni Matt. "Let's eat." Hindi sumagot si Rafael at sinundan niya lang si Matt sa kusina. Nakahinga ako ng maayos at ipinagpatuloy ang paglilinis. Mabuti na lang konti na lang ang naiwan na kalat ni Matt.

Pagkatapos kong maglinis umakyat na ko sa taas para makapag-pahinga. Naghilamos ako at nagbihis. Papahiga na ko sa kama ng marinig ang ugong ng sasakyan. Nagmadali akong tumingin sa bintana. Saan pupunta si Matt at Rafael? Umupo na lang ako sa gilid nang kama at hindi pa rin dinadatnan ng antok. Luminga na ako sa silid at napansin ang isang maliit na kahon sa pagitan ng cabinet at lamp shade. Lumapit ako at itinaas ang berdeng kurtina. Hinila ko ang itim na kahon at binuksan ito. Nanlaki ang mata ko sa nakita. 

"Ang mga larawan ay lumang luma na." Nasambit ko sa sarili at hinaplos ito para matanggal ang mga alikabok. Kinuha ko isa-isa ang mga larawan at hinipan upang matanggal ang dumi. Napahinto ako ng makita ang mga larawan. "Si ate Diane at James."

Ang larawan ay kamukha ng harap ng bahay na ito at nakaupo sila sa gilid habang ang mga paa ay nasa tubig. Pwede ko itong magamit para malaman ni Rafael na hindi talaga ako si Diane pero mapapahamak ang ate ko. Pumikit ako ng mariin. Nag-iisip kung anong maaaring gawin. Iniisa-isa ko ito hanggang sa dulo ay may nakatuping kapirasong papel. Mariin ang pagkakasulat at ang mga nakalagay na salita ay, "Wishing for a Great Future." Kulang ang sulat at halata ang pagkakapunit nito. 

Tumayo ako at niligay sa side table ang mga larawan at sulat. Ang sabi ni Rafael nagbreak si Ate Diane at James dahil nalaman nito ang pagkakaroon nito ng ibang karelasyon. Hindi kaya planado na lahat ng ito. Lalo na pinalabas pa nila ang mga larawan ko na kasama ang iba't-ibang lalaki na hindi ko naman kilala. Kung ang parehong gabi na iyon dun din nila ginawa ang lahat, isa lang ang motibo nila. Hahayaan nila si Rafael na isipin na ako talaga si ate Diane. Nanghina ako sa ideyang iyon. 

"Isa lang ang ibig sabihin nito. May kinalaman talaga si ate Diane." Bulong ko sa sarili. Pumikit ako ng mariin at tahimik na humikbi. Ano ba ang dapat kong gawin? 

Hindi ko na namalayan ang oras at patuloy lang ako sa pag-iyak. Hanggang narinig ko muli ang tunog ng van. Nakabalik na sila. Pinunasan ko ang mukha at tinabi ang mga larawan at kapirasong papel. Sa pagmamadali ko hindi ko napansin ang paa ng upuan sa gilid ng kama at nahulog ko ang kahon. Nagmadali akong pulutin ito at napatigil sa nakitang punit na larawan. Kinuha ko ito at pagtingin ko. Ito ang larawan namin ni ate Diane pero nakapunit ang larawan ko. Tiningnan ko ang likod nito at may nakasulat. "I will never have a great future because of this bitch beside me." —Diane.

Humagulgol na naman ako sa sakit. Bakit hindi ko magawang magalit kahit alam ko kung gaano kasama sakin si ate Diane? 

Napalunok ako ng marinig ang mga yabag sa hagdan. Paakyat na si Rafael. Mabilis kong pinulot ang mga larawan at nilagay sa itim na kahon. Narinig ko ang pagpihit ng doorknob. Mabilis kong hinagis sa ilalim ang kahon at tumayo. 

"What happened to you?" Iniwas ko ang tingin kay Rafael. "Bakit namumula ang mata mo?" Umiling lang ako. "Diane!" 

"Wala!" Napasigaw ako sa gulat.

"Are you upset with me?" Umiling ako. "Answer me!"

"Hindi." Bulong ko.

"Then..." Huminto siya at hindi ko alam kong bakit. Pag-angat ko sa ulo ko nakita kong binabasa niya ang kapirasong sulat. "What is this? Sulat ito ng kuya ko! Tell me! Nakokonsensya ka na ba sa ginawa mo sa kanya?!" Lumunok ako at hindi makasagot. Yumuko ako at tumingin sa sahig baka may naiwan pang ibang larawan.

"My brother even saw your relationship to have a great future. He even wished for it! Why did you kill him?!" He shouted, and his veins were visible on his neck and arms.

"Hindi ko siya pinatay!" Tumitig ako sa mga mata niya. Ramdam ko ang pagpipigil niya ng galit. Hindi dapat siya magpalamon sa poot. "Bakit hindi mo tanggalin ang galit sa puso mo?" Dinuro ko ang dibdib niya at natulak ko siya sa pader sa sobrang inis. Hinuli niya ang kamay ko at niyakap ako. 

"If you were in my position, what would you do?" He said in a husky voice while leaning on my shoulder. Hindi ako makasagot sa sobrang lapit ng mukha niya sa pisngi ko. Dapat itulak ko na siya. Umatras siya at tinitigan ako. "Bakit hindi ka makasagot?!" Dumilim ang mukha niya at umiling. 

Tumalikod na siya at pahakbang na palabas nang magsalita ako. "Kung ako..." Lumunok ako at umupo sa gilid ng kama. "Aalamin ko muna ang totoo. Alam ko may hawak kang ebidensya pero sapat na ba yun para makain ka ng galit. Nakita mo ba na si...." Huminga ako ng malalim. "Nakita mo ba na ako ang may gawa?" binulong ko na lang ang huli kong mga salita. 

Pumihit siya paharap at mabibilis hakbang palapit sakin. "You're unbelievable!" He shouted in my face and rushed out of the room. Ramdam ko ang bigat sa puso ko habang nakatingin sa pinto. What can I do to remove his wrath?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon