Chapter 37: Infatuation or Love?

7 0 0
                                    

"Let me help you." Tinulak ko si Rafael pero pilit pa rin niya akong binuhat palabas ng banyo. Naglakad siya palabas at nakatuon ang atensyon sa paligid ng silid. Maingat niya akong hiniga sa kama at tahimik na lumingo sakin. May hibla ng buhok ang tumakip sakin mukha. Akmang aayusin ko ito ng pigilan niya ang kamay ko. Ngumiti siya at dahan-dahan tinanggal ang mga hibla ng buhok sa mukha ko. Napasinghap ako nang nagkalapit ang mga mukha namin. Ang mga mata niya ay mapupungay na para bang may gusto sabihin. Napakapit ako sa kumot.

"What is this?!" Sabay kaming tumingin sa may pinto. Ang mga kilay ni Monica ay nakataas at umuusok ang kanyang ilong at tainga. Mabilis siyang lumapit samin. "You! Can you stop flirting with my boyfriend?!"

"Hindi—" Isang malakas na sampal ang nagpahinto sakin. Namumula siya sa galit habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Hawak ko ang mukhang ko at hindi makakibo. 

"Don't you dare hold or touch Rafael! He is mine!" Napatingin ako kay Rafael na nakatulala lang sa gilid ng kama. Hindi man niya ako ipagtanggol. Tama si Rica. Pinaglalaruan lang nila ako.

"Hindi ko siya inagaw sayo. Kunin mo na siya at paalisin dito." Biglang tumawa ng malakas si Monica at hinila si Rafael. 

"You can go home, Monica." Sabay kaming napatingin ni Monica kay Rafael.

"Babe, what are you talking about?" Maluha-luha tanong nito sa kanya. 

Lumapit si Rafael sa kanya at parang may binulong pero biglang, "I said go home!" sigaw niya.

Tinulak siya ni Monica at mabilis na tumakbo palayo.

"Bakit mo yun sinabi sa kanya?" 

"What? I already ended our relationship so please give me a chance." Kunot noo ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. 

"Are you sick? Nauntog ka ba? Nakakalimutan mo na ba na balak mo pa kong ipahuli sa pulis." Hinawakan niya ang kamay ko pero hinila ko ito.

"Stop it!" 

"Ako pa talaga ang dapat tumigil? Hindi ba dapat ikaw?" I hissed and could not bear the pain anymore. I can see it in Monica's eyes that she was hurt but it alter when Rafael told her to leave. "Nag-eenjoy ka bang paglaruan ako?"

"Diane, ako ang nahihirapan dito. Hindi mo ba nakikita—"

"Huwag mo kong gawing tanga. Alam ko binabalak mo." Umiling siya at lumapit sakin. 

"I am dead serious about us. Wait and see." Umiling ako. Talaga bang desidido siya sa gagawin niya? Hinawakan niya ang kamay ko pero tinulak ko siya.

"Diane," sabay kaming napalingon sa may pinto. Hindi maipinta ang mukha ni Rica at lumapit samin.

"Umalis ka na Rafael." giit ko. Niyakap ako ni Rica at biglang humagulgol. Walang nagawa si Rafael kung hindi lumabas.

"Anong nangyari?" Maingat kong hinawakan ang buhok ni Rica at patuloy lamang siya sa paghikbi. "Sige hindi na kita pipilitin. Iiyak mo lang yan." 

Halos kalahating minutong umiiyak si Rica hanggang mahimasmasan siya. "Pasensya ka na. Nabasa ko nang husto yung damit mo." Sabi nito habang patuloy ang paghikbi.

"Okay lang yan. Magpapalit na rin naman ako." Pilit akong ngumiti sa kanya. Gusto ko man itanong kung anong nangyari pero mukhang masyadong personal ang pinaghuhugutan ng sakit ng iyak niya. Kinuha ko ang baso ng tubig sa may side table at inaabot ito sa kanya.

Pinunasan niya ang mukha niya at pilit ngumiti. Pagkatapos uminom ng tubig. Hinayaan ko muna siyang maupo sa gilid ng kama at kinuha ko ang damit ko nasa bag na dala niya.

"Okay na ako. Magbihis ka na. Naayos ko na rin ang mga bills mo pati yung mga gamit mo nasa sasakyan na ni Sir Rafael." Napalingon ako sa kanya.

"Anong sabi mo?" Kunot noo kong tanong.

"Diane, babalik ka na sa rest house ni Rafael. Hindi na tayo magkasama. Babalik na dito ako sa mansyon ni Ginang Letisha. Malubha ang sakit niya at kailangan nila ako doon." Hindi ako makasagot sa mga sinasabi niya. Magkasama kami muli ni Rafael sa bahay niya. Napalunok ako at napapikit ng mariin. "Ano ka ba! Huwag kang mag-alala kinausap na ako ni Sir Rafael. Sinigurado niyang hindi ka niya sasaktan." 

Tumitig lang ako sa kanya. Nakangiti siya pero hindi abot sa kanyang mata. Kaya ba siya umiiyak? Isa pa ko sa iisipin niya.

"Oo naman. Hindi niya ko sasaktan. Nag-usap na rin kami." Ayaw ko siyang madamay sa gulong ito. Mas mabuti nga bumalik na ako sa bahay ni Rafael para mahanap ko na ang kasagutan sa mga tanong ko.

Bumukas ang pinto at pumasok si Matt. "Rica, ako nang bahala kay Diane."

Tumango lang si Rica at niyakap ako. Bago siya lumabas ng pinto nakita ko ang luhang tumulo na naman sa kanyang mukha. "Get dress." Napalingon ako kay Matt at tumango. Tahimik ako pumasok ng banyo at nagbihis. Paglabas ko andun na ang nurse at ngumiti sakin.

"Magaling ka na. Tatanggalin na natin ang dextrose mo." Ngumiti ako. Inaabot niya ang aking kanang kamay. Maingat niya tinanggal ito at nilagyan ng bulak at band aid.

"Let's go." Matamlay na sabi ni Matt. Sumunod ako sa kanya at wala kaming imikan hanggang makarating sa sasakyan niya. "Rafael has an urgent meeting so I need to be with you at the rest house."

Tumango lang ako. Sinuot ko ang seatbelt at pumikit. Narinig ko pa siyang pumalatak. Walang akong ganang makipag-usap kahit kanino. Hindi ko pa rin malaman kung ano talaga ang gustong mangyari ni Rafael. 

Sa kalahating oras ng byahe namin hindi na muling nagsalita si Matt hanggang huminto ang sasakyan. Bumaba ako at hinila ang bag ko.

"Ako na yan." Kinuha niya sakin ang bag at inalalayan akong maglakad.

"Kaya ko na. Salamat." 

"Sigurado ka?" Ngumiti ako sa kanya. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha. "Anong nangyari diyan sa gilid ng labi mo?"

"Wala lang ito." Sagot niya at mabilis na pumasok sa bahay. Ano kayang nangyari sa kanya?

Biglang may tumikhim sa likuran ko. "Are you not going inside?" Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Napalunok ako. "P-Papasok na po." 

"Bakit ka nauutal?" Hinawakan ako ni Rafael sa braso dahilan para mapaharap ako sa kanya. Yumuko ako at tinago ang mukha. "Diane."

"Pwedeng bukas na lang ako magsimulang maglinis. Napagod ako sa byahe." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na tumakbo sa taas. Napasandal ako sa pader at habol ang hininga. Paano ko siya haharapin kong laging lumalakas ang pintig ng puso ko kapag kaharap siya? Pumikit ako mariin. Dapat gumalaw lang ako ng normal. Hindi ko siya gusto. Tama! Kailangan ko lang gawin itong mantra para mapigil ko ang nararamdaman ko para sa kanya. It is not love! It is only infatuation. Gwapo lang siya. Yun lang yun. Attracted lang ako sa kanya pero hindi ko siya mahal. Inulit-ulit ko sa utak ko na lahat ng ito ay infatuation lang hanggang makapasok ako sa silid. Lahat ng pinilit ko sa aking isipan unti-unting nabasag ng makita ang makukulay ng mga rosas sa kama. Is it an infatuation or love?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon