Chapter 38: Hard to get

12 0 0
                                    

Naglakad ako palapit sa kama at kinuha ang mga bulaklak. Tuwang-tuwa ang puso ko pero binitawan ko ito. Nag-echo ang boses ni Monica sa utak ko. Pinaglalaruan lang ako ni Rafael. Hindi dapat ako magpadala. Itinabi ko sa gilid ng kama ang mga bulaklak at humiga. Bukas sigurado babalik na sa dati si Rafael. I should prepare myself for his next move in his vengeance. Hindi ko namalayan unti-unti na kong nilamon ng antok.

Nagising ako sa ingay ng pagkatok sa labas ng silid. Nagmulat ako. Humikab nang napakahaba bago bumangon. Mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon. "Sandali lang." Nagmadali ako magbukas ng pinto at nagtama kami ng tingin ni Matt. Kunot noo akong tumingin sa hawak niya. Ito ay mga gamit panlinis. 

"See this? Rafael told me to give it to you." Inabot niya sakin at tumalikod.

"Wait!" Pigil ko sa kanya. "May na kaaway ka ba?" Hindi ko mapigilang itanong dahil namamaga na ang labi niya. Kung kahapon daplis lang ngayon naman putok na ang labi niya.

"It is none of your business." Mabilis siyang tumalikod at bumaba ng hagdan. Anong nangyari sa kanya? Sumimangot na lang ako at tumitig sa timba, basahan at walis. I am right all along. Rafael will be back to normal. Okay na ito. At least I will not worry about my emotions. Masaya kung binaba ang mga ito sa gilid ng pinto at nagmamadaling maghilamos. Pagbaba ko wala nang tao. Ngumiti na lang ako at chineck ko anong pwedeng iluto. Natuwa ako dahil mukhang marunong ng mamalengke ng marami si Rafael. Nawili akong magluto. Pagkatapos kumain nagpahinga ako ng ilang minuto at nagsimula na kong maglinis ng buong bahay. Halos tanghali na ako natapos pero wala pa rin dumating. Siguro masyado talaga silang abala sa trabaho. Umupo ako sa couch at binuksan ang telebisyon. Natuwa ako dahil maraming pwedeng panoorin na movies. Hindi ko namalayan ang oras at nawili sa kilig sa mga pinapanood ko. 

"Go to your room. Rafael is not in the mood." Napatayo ako sa walang ganang boses ni Matt.

Nalilito man ako. Sumunod na lang ako ng tahimik. Papasok na ako ng silid ng marinig ang mga boses sa baba.

"Rafael, you're so naughty." Ang malanding boses ni Monica. Anong ginagawa niya dito? Akala ko bang wala na sila. Hindi ko mapigilan ang sarili at sumilip sa baba. Yakap ni Monica si Rafael at nakasuot pa sila ng formal attire. Anong klaseng meeting ang ginawa nila? Mukhang sumayaw sila ng ballroom. Umiling ako sa naisip. Tumahimik sila habang si Monica humagikgik. Lasing siguro siya. Tumalikod na ko at pumasok ng silid. Dapat masaya ako pero bakit hindi? Ramdam ko ang init ng likido nagmula sa mukha ko. Hinayaan ko tuluyan ng lumabas ang mga luha ko.

"Diane!" Napatalon ako sa gulat sa lakas ng katok sa pinto. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto.

"Ano yun Matt...." Napakagat ako sa labi ko nang makitang hindi pala si Matt ang kumakatok. Tumikhim ako at yumuko.

"You're..." Napahinto si Rafael at hindi tinuloy ang sasabihin. Ilang minutong dumaan ang katahimikan hanggang tumikhim siya at tinaas ang mukha ko. "Sleep early. Sasama ka bukas sakin." Tumango na lang ako. Napaawang ang labi niya na para may balak pang sabihin pero tumalikod na lang siya. Sinundan ko siya ng tingin. Ang tangkad pala niyang tingnan kapag na ka formal attire at mas lalong nakita ang hubog ng katawan niya.

Naalala ko tuloy ang napanood ko kanina. "Kapag tumingin ka. Akin ka." Bulong ko sabi habang nakatingin sa kanya. Anong kalokohan ang ginagawa ko? Umiling na lang ako at na-estatwa ng lumingon si Rafael.

"I said go to sleep early!" Pilit ako ngumiti at nagmadaling isara ang pinto. What the heck is that? Tinampal ko ang pisngi ko. Sa pelikula lang nangyayari yun. Hindi sa totoong buhay. Humiga ako pero hindi pa rin ako makatulog. Nagpasya na lang ako lumabas. Sigurado tulog naman na sila. Kung hindi naman, siguradong wala naman pupunta sa balkonahe ng ganitong oras. 

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon