Chapter 49: Can I fix the mess?

7 0 0
                                    

Sa kalahating oras na sinuklay ko ang balahibo ng kabayo nawala ang lungkot at inis ko. Hindi ako makapaniwala na takot na takot ako sa puting kabayong ito noon pero ngayon tuwang-tuwa ako sa kanya.

"Salamat!" Masayang kong sabi habang naghuhugas ng kamay sa gripo sa gilid nito. Pinunasan ko ang kamay ko at ang mukha. Pagtingin ko sa labas ng bahay na ka off na lahat ng ilaw. Siguro naman hindi  ni-lock ni Rafael ang pinto kung hindi tatakas na talaga ako. 

Paakyat pa lang ako sa hallway ng biglang umilaw sa tabi ng mga bulaklak. Napahinto ako at tumingin sa paligid. Nakarinig ako ng yabag palapit sakin. Hindi na ko nag-aksaya ng oras at tumakbo sa loob ng bahay. 

"Wait!" Hinila ko ang pinto at sinara ng malakas. Huminto ako habang hingal na hingal. Ang lapit lang ng tinakbo ko pero ang lakas ng tibok ng puso ko. "Diane! Open the door!" Nanlaki ang mata ko. Si Rafael ang nasa labas. Yumuko ako at binuksan ang pinto. Hindi ako makatingin sa kanya. Tumalikod na ko at hindi na lumingon. Nagmamadali na lang akong umakyat sa hagdan. 

It is a good thing that he never bothers to ask me. Buntong hininga ako nakasandal sa pader at sinara ang pinto. Ang mga sulat! Nakatayo ako ng maayos ng maalala ang mga ito. Kinapa ko sa bulsa. Buti na lang hindi ko nilagay sa side table ang sulat ni ate Diane pero ang sulat ni James. Luminga ako sa sahig. Wala na ang mga ito. 

Umupo ako sa gilid ng kama at natanaw ang mga nakabukas na sulat dito. Inayos ko ito at binalik sa envelope. Tumingin ako sa paligid ng kwarto. Dito siguro natutulog si ate Diane noon nagbabakasyon sila dito ni James. Itinabi ko ang mga sulat sa itim na box kasama ng mga pictures nila. Humiga na ko at tuluyan na inaantok.

Ang sinag ng araw tumama sa mukha ko. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata hanggang na ka adjust ako sa liwanag. 

"Sino ang nagbukas ng bintana?" Tanong ko at sumandal sa pader.

"Good morning, Diane!" Napatayo ako ng marinig ang sigaw ni Rafael. Patakbo ako sa pinto ng magsalita siyang muli, "Mukha maganda ang tulog mo ngayon. Alam mo ba kung sino ang may gawa nito?" Pumihit ako paharap sa kanya at nanlaki ang mga mata. Hawak niya ang puting balahibo. "Someone combed my horse hair abruptly."

Lumunok at yumuko. "Can I fix the mess?" Bulong ko. 

"What are you murmuring?" Ini-angat ko ang ulo ko at umiling. "Cook and clean!" Sigaw niyang muli. Tumalikod ako at narinig ang malutong niyang tawa. "Fix the mess!" Habol niya at tumatawang lumabas ng silid ko. Tumingin lang ako sa kanya hanggang makalabas na siya ng pinto. Anong nangyari sa kanya?

Pumasok ako sa banyo at tumingin sa salamin. Napasigaw ako sa gulat. Bakit may drawing ng balbas ang mukha ko? 

Kaya pala masaya siya. Rafael humanda ka sakin. Napahinto ako sa tapat ng pinto ng banyo ng maalala ang nangyari kagabi. Automatiko kong hinawakan ang labi ko at bumilis ang tibok ng aking puso. Umiling ako at binuksan na lang ang gripo. Naghihilamos ako ng naghihilamos ng mukha hanggang maging normal ang tibok ng puso ko. Nakahinga ako ng maluwag at nagpalit ng damit. Paglabas ko sa silid bukas ang kwarto ni Rafael at James. Kunot noo akong tumingin. 

"Diane!" Sumigaw si Matt sa may hagdan.

"Pababa na." Sagot ko. 

"Bakit ka late nagising? Alam mo bang badtrip si Rafael kanina wala pa siyang almusal." 

"Mukhang hindi naman." Giit ko. Hinila niya ako pakusina.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nagising ako dahil sa kanya. Tapos tinawanan lang ako." Sagot ko na naka nguso pa.

"Stop pouting. It's annoying." Tinikom ko ang bibig ko at nagsimula ng magluto. Mas mabuti huwag ko na lang sabihin sa kanya baka pati siya tatawanan lang ako. "That's enough. Rafael wanted a light breakfast." 

"Light breakfast? Bakit hindi na lang siya gumawa ng kape niya at kumuha ng tinapay?" Hindi ko mapigilang ikomento.

"Is it not your job?" Sabay kami tumingin sa pintuan. Lumapit si Rafael at huminto sa harap ko. 

"It is not my job. Kaya lang naman ako nandito dahil pinagbibintangan mo ako ang pumatay sa kuya mo." Nawala ang ngisi niya at kunot noo akong tiningnan. 

"You're right. Are you going to surrender now?" He answered with gritted teeth.

"Can I still fix this mess?" I asked, glaring at him. It should end at this moment. Ayaw ko nang tuluyan mahulog sa kanya. Baka sa susunod na halik niya hindi ko na makokontrol muli ang sarili ko. 

"Is it not obvious? Sa tingin mo ba maayos mo pa lahat ng ginawa mo? Kaya mo pang buhayin ang patay?!" Salubong ang kilay niyang tanong. Lumunok ako at tumitig sa kanya. Ang mukha niya pulang-pula na.

"Wala akong kasalanan—"

"Babe!" Naputol ang sasabihin ko ng biglang nagtitili si Monica sa labas. Umiling si Rafael at nagmamadaling lumabas. Tumikhim ako at tinuon na lang sa mga karne ang atensyon ko. Nakakainis! Dapat hindi muna dumating ang Monica iyon. Paano ako kukuha ng tiyempo sabihin lahat kay Rafael? Huminga ako ng malalim ang naghugas ng kamay. Bago ako magsimulang maghanda para sa tanghalian nilagyan ko muna ng tubig ang heater at nagluto ng pancake. Pagkatapos itinuon muli sa mga karne ang atensyon ko.

"Manloloko!" Komento ko habang hinahati ito.

"Anong manloloko? Di ba ikaw yun?" Nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Matt. Andito pa pala ang isang ito. 

"Wala." Iling ko at tinuloy na lang ang pagluluto. Hindi ko na siya pinansin habang nakabantay sakin. Pagtunog ng heater kumuha ako ng tasa upang magtimpla ng kape para kay Rafael.

"Siguro kumakain naman siya ng pancake." Tumango lang si Matt at kinuha ang tray sakin.

"Ako na magdadala sa kanila." Akmang palabas na siya ng bumaling siya sakin. "How about the drink of Monica?" Busangot akong kumuha ng baso at sinalinan ng juice. "Alam mo na pala ang breakfast na preferred din ni Monica." Ngumiti ito at lumabas ng pinto. 

"Nang-asar pa ang Matt na ito." Bulong ko. Napaupo ako at sapo ang ulo. Kung hindi dumating si Monica naipakita ko na kay Rafael lahat ng nalaman ko tungkol kay ate Diane at James pero sapat ba yun para maniwala siya sakin?

Yumuko ako sa mesa at pumikit. Wala pa akong nakikitang ebidensya pero nalaman na ni Rafael ang tungkol kay Macky. Hindi pa ba sapat yun sa kanya. Napatayo ako nang biglang tumunog ang pinapakulo kong baboy. Nagpaka-busy na lang ako sa kusina. Naghuhugas ako ng plato ng marinig ang mga yabag na palapit sakin. 

"Nagluto ka pa? Aalis kami nila Rafael. Ikaw lang kakain niyan." Maarteng komento ni Monica. Ibinaba niya ang tray sa sink at tumingin sakin. "Hugasan mo din yan." Tumango na lang ako. Naglakad na siya muli at biglang humakbang pabalik. Kinuha niya ang baso at nilaglag sa sahig.

"Bakit mo hinulog?" Napasigaw ako sa gulat. 

Bigla siyang umupo sa sahig. "Diane! Huwag!" Kunot noo ko siyang tiningnan at pinulot ang basag na baso.

"What did you do to her?" Isang malakas na tulak ang nakuha ko kay Rafael at napahigpit ang hawak ko sa basag na baso. Kinuyom niya ang kanyang kamay at nanlilisik na tumingin sakin. 

"W-Wala akong... kasalanan." Nauutal kong sabi. 

"Lagi naman ganyan di ba? You are always giving us that reason! You will pay for this mess!" Kinarga niya si Monica habang patuloy ang pagsigaw sakin. Hindi ako makagalaw sa sahig. 

"Ang kamay mo!" Sigaw ni Matt habang tumakbo papunta sakin. Akmang titignan ko ang kamay ko ng biglang tinakpan niya ang mga mata ko. "Don't look. Rafael and Monica went out. What happened here?"

"H-Hindi ako nagbasag ng baso. Hinulog..." Hindi ko na matuloy ang sinasabi ko at tuloy-tuloy na ang mga luha ko sa mukha. Kinarga ako ni Matt habang patuloy lang ang pag-iyak ko. 

"Stop crying! Kung wala kang kasalanan huwag kang umiyak!" Sigaw niya habang binuhusan ng kong ano ang kamay ko. 

"Masakit!" Sita ko. 

"Bakit mo kasi hinigpitan ang hawak sa baso?" Singhal niya. Grabe siya. Talagang papagalitan pa ko. Naramdam ko ang pagbalot niya sa kamay ko. Dumilat ako at tumingin dito. Buti na lang huminto na sa pagdudugo. "Alin ba talaga ang masakit, ang kamay mo o ang puso mo?" Napatingin ako sa kanya. Ano ba talaga ang iniiyakan ko?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon