Chapter 73: Tremendous Fear

6 0 0
                                    

Bumigat ang pakiramdam ko at hindi makatingin kay ate Diane. Ang mga tingin niya ay makahulugan at nanonoot parang may alam siya na napakahalaga. 

"Bakit hindi ka makasagot?" Taas kilay na sabi niya. 

"Alam mo bang na-kidnap ako?" Tanong ko. Nawala ang ngiti niya sa labi at tumingin sa malayo. "Bakit ikaw naman ngayon ang hindi makasagot?" 

Umiling siya at lumapit sakin. "Sa huling balita ko tungkol sayo, nag-enjoy ka naman dito." Tumawa siya ng malakas. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko at ramdam ko ang pagpapawis ng kamay ko. "What?" Sita niya ng hindi ako makasagot. "Michaela, thank you." Dagdag niya at tuluyan ng naglakad papunta sa kotse nila. Nakatitig lang ako sa kanila at pinaandar na nila ang kotse. Ilang pulgada palang ang layo nila sakin ng biglang may dumating na mga pulis at hinarang sila. 

"Diane at Mildred Clementon, iniimbitahan namin kayo sa prisinto. May karapatan kayong manahimik at kumuha ng inyong abogado. Lahat ng sasabihin niyo ay maaaring gamitin laban sa inyo." Tumili si ate Diane.

"Michaela! Ano ito? Ina mo ko!" Sigaw ni mama Mildred. 

"Wala po akong kinalaman dito." Bulong ko at umatras sa loob ng gate. Mabilis ang mga pangyayari ng marinig ko ang sunod sunod na putok ng baril. Napayakap ako sa aking sarili at napapikit. It is the most frightening happening to me. I can feel the tremendous fear in my veins and something tickling in my tummy. Takot at panginginig ng aking katawan ang lalong nagpahina sakin hanggang naramdaman ko na may tumama sakin braso at tuluyan na akong mawalan ng malay.

Papalapit sakin si Rafael habang may ngiti sa mga labi at ang mga mata niya ay kumikislap na para bang ako ang pinakamagandang babae sa mundo. Ang puso ko ay biglang dumagundong nang napakalakas at naramdaman ko ang sakit sa kaliwang braso. Pagtingin ko puno ako ng dugo. Napasigaw ako at pagmulat ko puro puti ang nakikita ko. Kumurap ako ng ilang ulit at akmang tatayo ng biglang may kumirot sa braso ko. Napatingin ako rito at nanlaki ang mga mata. Bakit may sling ang braso ko. Awtomatikong rumehistro sa isip ko ang mukha ni Rafael. Panaginip lang pala ang lahat. Hanggang kailan pa ba ako aasa? Umiling ako at sumandal sa pader. 

Ilang minuto palang ako nakikipagtitigan sa kisame ng biglang bumukas ang pinto. Paglingon ko pumasok ang ama ko na namumula ang mukha at nakasunod si Ginang Letisha at Lance.

"How's my princess?" Hindi ako makapaniwala sa tanong ng papa ko habang naglalakad palapit sakin. Ramon Clementon never considered me as one of his own because of Diane. Then now, he was changed. Hindi ako sumagot at matamang lang siya tinignan. Halata sa itsura ni Ginang Letisha na hindi siya masaya na narito si papa habang si Lance naman tumango lang sakin at lumabas na ng silid. Siguro gusto niya munang sulitin kong ang mga sandaling ito. "Galit ka pa ba sakin?" Tanong ni papa. Bumaling ako sa kanya. Umiling ako pero huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko. "Pasensya ka na kung hindi kita nabigyan ng pansin. Napaikot ako ni Mildred na si Diane ang anak namin ni Letisha. Hindi man lang ako nagdududa sa mga obvious na mga bagay. Sana mapatawad mo ako." Yumuko siya at hinawakan ang braso kong my sling. Biglang naramdaman ko ang init na likido sa mukha ko. "Huwag kang umiyak." Dagdag pa niya habang kinukuha ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mukha ko. "Mapapatawad mo pa ba—"

"Tama na! Ramon! Kailangan magpahinga ni Michaela." Sigaw ni Ginang Letisha. Tahimik na lumabas si papa at niyakap naman ako ni mama. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Ginang Letisha talaga ang tunay kong ina. Yumakap ako pabalik sa kanya at hinayaan tumulo ang mga luha ko. Kay tagal kong inaasam ang pagmamahal ng isang ina at ngayon naranasan ko na. Ayaw ko nang magising kung ituman ay isang panaginip. Gusto ko maramdaman ang mga yakap ng aking ina araw-araw at makita ang mga ngiti niya sakin. Bumuhos lalo ang mga luha ko sa ideyang iyon. 

"Huwag ka nang umiyak pa." saway sakin ni Ginang Letisha habang iniiwas ang tingin. 

"Kayo rin po Ginang Letisha." Humarap siya at may bahid na lungkot sa mga mata.

"Pwede bang sanayin mo na akong tawaging mama?" Tumango ako.

"Mama," bulong ko. Hinawakan niya ang mahaba kong buhok at pinunasan ang mukha ko. Ngumiti ako at gumanti rin siya ng ngiti. 

Sumandal ako sa pader habang siya ay umupo sa katapat na silya. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko at nanlaki ang mga mata.

"Ano po palang nangyari….kina ate Diane?" Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.

"Huwag mo na silang isipin. Ang ama mo na ang bahala sa kanila. Si Diane hindi ko alam kong anong atraso niya kay Rafael pero pumunta na rin si Matt sa presinto upang mag-imbestiga." sagot niya at tumayo. Binitawan niya ang kamay ko at lumapit sa mesa. Kinuha niya ang baso ng tubig at iniabot ito sakin. "Uminom ka muna,"

"Ano po…" Hindi ko matuloy ang gustong kong sabihin at ininom na lang ang baso ng tubig. Tumikhim siya at umiling. 

"Alam kong hindi ka pa gaano kasanay sakin, anak, pero sana malaman mo na andito lang ako lagi sayo. Hindi ako makapaniwala na nasa harap na kita." Maluha-luha niyang sagot. 

"Salamat po. Sino po ang nakabaril sakin?" Tumikhim siya at iniwas ang tingin. "Hindi ko po ba pwedeng malaman?" 

"Hindi mo na sa ngayon. Magpagaling ka muna at gusto ko—"

"Michaela!" Naputol ang sasabihin ni mama ng biglang sumigaw at kumaripas ng takbo sakin si Rica. "Ano ang pakiramdam mo? Halos isang araw ka ng walang malay." Nag-aala nitong sabi. 

Ngumiti si mama at hinawakan ang kamay ko. "Bibili lang ako ng pagkain at prutas."

"Mam ako na lang po." Biglang yumuko si Rica sa harap ni Ginang Letisha. Hinawakan niya ang braso nito at tinapik.

"Bantayan mo yang anak ko, Rica. Kasama ko naman ang driver at isa pang maid para bumili ng pagkain." Ngumiti na lang si Rica at tuluyan ng lumabas si mama. 

"Kumusta ka naman?" Tanong niya sakin habang lumilingon.

"Hindi ko alam." Bulong ko. Ngumuso siya at umiling. 

"Kung ako siguro masaya, takot, at gulong gulo. Biruin mo yun. Ikaw pala ang nawawalang anak ni Ginang Letisha tapos binaril ka pa ng kinilala mong ina." Namutla ako sa sinabi niya. Lumunok ako at nanginig ang kalamnan ko sa nalaman. "Michaela? Okay ka lang ba? Tatawag lang ako ng doktor." Sunod sunod na sabi niya. Hindi ako makapagsalita hanggang nakalabas na siya. Naalala ko ang nangyari. Gusto ko sanang kausapin si ate Diane tungkol kay James pero takot ako sa isasagot niya at naglakad na siya pabalik sa kotse nila. Sumakit ang ulo ko sa kakaisip ko paano ako nabaril ng kinilala kong ina? Sinadya ba akong barilin? 

"Michaela!" Tumakbo si papa sakin at sumunod ang mga doktor. Agad akong sinuri ng doktor habang tinetest naman ang dugo at blood pressure ko ng mga nurse. "Anong pakiramdam mo?" tanong nila habang nakatuon ang atensyon sa akin. Tumingin ako kay Rica. Maputla siya at hindi mapakali. Ngumiti ako sa kanya at tinago ang takot.

"Okay lang po ako." Sagot ko sa doktor. Nakahinga sila ng maayos lalo na si papa. Lumapit siya sakin at hinawakan ang ulo ko. Nang makaalis na ang mga doktor. Umupo si papa sa sofa habang si Rica ay umupo muli sa katapat na upuan sa kama ko.

"Pasensya ka na. Nagulat ka sa sinabi ko. Nakalimutan kong sinunod ang bilin ni Ginang Letisha na huwag sabihin yun sayo." Malungkot niya pahayag at hindi makatingin sakin ng diretso. 

"Ano ka ba? Okay lang yun. At Least alam ko na." Pilit akong ngumiti pero ramdam ko pa rin ang kakaibang takot sa dibdib ko. Paano kong sinadya ni mama Mildred na barilin ako? Hindi ko maikakaila na hindi malabong mangyari na balikan niya akong muli. Matatakasan ko ba ang panganib?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon