Chapter 79: Revenge or Love

3 0 0
                                    

Rafael's Point of View

Patuloy ako sa pagtakbo at hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Matapos kong marinig ang mga salitang iyon kay Matt para akong nabunutan ng tinik. Napahinto lang ako ng maalala ang bata, bumigat na naman ang kalooban ko. Tinanaw ko ang villa. Bakit nga ba siya nandito? Sino ba talaga ang batang iyon? Mabagal akong naglakad palapit at tumapat sa gate. Tinanaw ko ang bintana. May mga nagtatawanan sa taas at may boses lalaki rin. Hindi nga ako trinaydor ni Matt pero hindi pa rin maikakaila na may anak na siya. Nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko at tumalikod.

"Sino po kayo?" Napalingon ako sa matinis na boses ng batang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nagimbal ako ng makita ang mga mata niya na hugis oval at ang perpektong hugis ng mukha niya. Para kong nakikita ang sarili ko noong bata pa ko. Lumunok ako ng ilang ulit at hindi ko mahanap ang tamang salita. Nananaginip ba ko? Kumurap ako ng ilang ulit at ginaya naman ako ng bata. Lumapit siya sa gate at hindi tinatanggal ang tingin niya sakin. "Hindi niyo po ba akong naririnig?" Inosente niyang tanong. "B-Bakit po parang kahawig kita?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Sa mura niyang edad, agad na niyang alam na may pagkakahawig kami pati ang pagsasalita niya tuwid at halatang matalinong siyang bata.

"Raffy!" Mas lalong lumakas ang kutob ko nang marinig ang tawag sa kanya. Tinignan ko ang palabas na babae at ito ay ang totoong Diane. Napaatras siya ng makita ako at natuod sa kinatatayuan niya. Hindi ko mapigilan ang sarili at mabilis na binuksan ang gate. Akmang hihilain ko siya pero may biglang humarang sakin. Nagtama ang mga mata namin ni Michaela. Ang mga mata niya na kumikislap noon ay para may lalabas na apoy na ngayon. Hindi ako makakibo dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Gusto ko siyang hagkan at ikulong sa aking mga bisig pero hindi ko magawa dahil sa init na nagmumula sa akin katawan. Hindi ko alam kong galit o pananabik ang pilit kumakawala sakin.

"Tama na, Rafael. Nahuli na ang may tunay na kasalanan. Nagmahal lang ang ate ko ng maling tao. Ginamit lang siya ni Macky." Diretso niyang sabi habang pinipigilan humikbi pero may nakawala pa rin luha sa kanyang mga mata. Tumikhim ako at pilit tinatago ang pananabik na yakapin siya. Gusto kong hawakan ang kanyang mukha at sabihin huwag na siyang umiyak pero yumuko lang ako. Makakaya ko bang kalimutan lahat ng hirap at sakin na pinagdaanan ng kuya dahil kay Diane? 

Pag-angat ko sa ulo ko nakita ko pa ang ngisi sa mukha ni Diane. Uminit ang ulo ko at nilagpasan si Michaela. "Minahal kang ng kuya ko ng totoo. Bakit nagawa mo siyang lokohin? Hindi ba sapat ang lahat ng atensyon na ibinigay niya sayo. Pinili ka niya kaysa samin pamilya niya!" Tuluyan na akong sumabog at napabuga ng hangin. "Answer me! You're the Diane Clementon that he loves deeply and is madly in love with you. Why did you cheat on him, and what's worse, you even became an accessory to the crime?" Nawalan ang ngisi niya sa kanyang labi at bigla siyang humagulgol. Nanlaki ang mga mata ko sa pag-iyak niya. Hindi ko ito inaasahan. Nawawala na siya sa katinuan.

"Oo tama ka! Masaya ka na! Minahal ko rin si James! Lahat naman tayo nawawala sa katinuan kapag nagmahal di ba? Kung ikaw mas pipiliin mo ba ang kaligayahan mo o ang kaligayahan ng minamahal mo?" Sigaw niya sakin. Hindi ako makakibo sa tanong niya. Napatingin ako kay Michaela na nakatalikod samin. Am I still going for revenge, or will I risk taking the chance to love her? "Bakit hindi ka makapagsalita?! Ikulong mo na rin ako gaya ng ginawa niyo kay Mackenzie!!" Patuloy sa pagsigaw si Diane at lumapit sakin. "Gawin mo na!!" Akmang sasampalin niya ko ng hinila ko ang kamay niya at matalim siyang tinignan.

"Whatever your reason is, you still wrong! You choose to love the man who doesn't know your worth! James loves you eternally. You have paintings and love letters on every corner of our house!" Humarap si Michaela at natuptop ang bibig. 

"A-Alam mo ang tungkol sa mga larawan nila at mga sulat." Nauutal niyang sabi. Naalala ko sa ikalawang araw na pagbabalik ko sa rest house naglakas na ako ng loob na tignan lahat ng paintings ni kuya James pati ang kanyang silid. Hindi ako makapaniwala. I saw everything, and Diane is his world. 

Nakatingin lang sa akin si Michaela. Hindi ako umimik at akmang hihilain ko si Diane nang bigla akong napahinto sa maliit na mga kamay na pumulupot sa akin bewang. 

"Daddy!" Narinig ko muli ang batang lalaki. Yumuko ako at sinalubong ang mga tingin niya. Buong akala pumasok na siya sa loob. 

"A-Anong sabi mo?" Bulong ko. Tama ba ang narinig ko? Lumunok siya at binuka ang bibig pero napigilan siya ni Michaela. Na-guilty ako na narinig pa ng bata ang mga sinabi ko.

"Raffy, go inside." Narinig kong sabi niya sa bata. 

"Michaela," tawag ko sa kanya at tumitig. Pinunasan niya ang mga luha niya.

"Please tama na, Rafael. Habang buhay ka na lang bang mabubuhay sa paghihiganti? Nakakulong na ang tunay na salarin. Hayaan mo na ang ate ko. Pinipilit na niyang magbago." Pakiusap niya habang humihikbi. My heart shattered into pieces seeing her crying with so much pain. I closed my eyes, trying to calm myself, but the idea of Diane planning something with Mackenzie kept luring me that she also deserved to go to jail.

"Kailangan niya ng magbayad sa ginawa niya!" Giit ko nang pagdilat ko ng aking mga mata. 

"Ganyan ka na lang ba? Sige kong gustong mong mabuhay sa galit gawin mo! Hindi naman kami o si ate ang sinisira mo! Ang sarili mo ang sinisira mo, Rafael! Yang galit at bigat ng loob na dala-dala mo dyan sa puso mo ang makakasira sayo!" Sigaw niya sakin at nilagpasan ako. Hindi ako nagsasalita at nananatiling nakatingin kay Diane. Nagmahal nga siya ng mali tao pero deserve ba niyang magdusa rin? Sa lahat nang nabasa at nakita kong larawan at sulat nila ni kuya. May pagkakataon na naramdaman ko na mahal niya rin ang kuya ko pero anong nag-udyok sa kanya upang talikuran at lokohin ito? 

Lumapit ako sa kanya pero bago pa ko magsalita biglang may humila sakin. Paglingon ko, Michaela already kneels in front of me. "I'm begging you…." Buong akala ko pumasok na siya sa loob ng mansyon pero heto na naman siya ngayon sa harap ko nagmamakaawa. Ano ang mas matimbag sakin ang pagmamahal ko sa kanya o paghihiganti? Will I take revenge or choose love?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon