Chapter 8: Eat Well

21 3 0
                                    

Tumakbo ako ng tumakbo at hindi malaman kung saan papunta ang aking mga paa. Gusto kong makawala sa sakit na aking nadarama. Naramdaman ko na lamang ang malamig na tubig na dumapo sa aking ulo. Pagtingin ko sa kalangitan bumubuhos na ang ulan. Natawa ako ng mapait dahil pati ang panahon nakikisali sa aking pag-iyak. Nakakita ako ng waiting area na may maliit na bubong. Minabuti ko na munang umupo dito. Naalala ko na naman ang nakita kong eksena kanina. Naglapat ang mga labi ni Monica at Rafael. Hindi pa sila nahiya sa gitna pa talaga ng daan. Bigla akong napatayo at narinig ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ito maaari unti unti na ba akong nahuhulog sa kanya. Nagising ako sa malalim kong pagiisip ng bigla may isang kotseng huminto sa akin.

"Diane pinaparusahan ka na naman ba ni Rafael?"

"Matt? Akala ko bang umalis ka na."

"Nadelay ang flight ko pabalik kaya minabuti ko munang pumunta dito." Bigla niyang sinara ang bintana ng kanyang kotse. Akala ko isasakay niya ako. Umupo na lamang akong muli pero hindi pa rin umaandar ang kanyang sasakyan. Nasiraan ba siya ng kotse? Natuwa akong makita siya na lumabas ng sasakyan at may dalang payong.

"Halika na ihahatid na kita sa bahay ni Rafael baka magkasakit ka pa sa basa mong damit." Napangiti ako na diretso ang salita niya ng tagalog ngayon.

"Ang galing mo nang magtagalog!" Natuwa kong sinabi at inalalayan niya akong pumasok sa sasakyan. Nakangiti ako sa kanya dahil natutuwa ako na kahit masungit siya hindi pa rin nagdadalawang isip na tulungan ako. Pagpasok niya biglang may bumusina ng malakas sa likuran. Napatingin kaming dalawa at pamilyar ang kotseng ito. Tumingin lamang kaming hanggang tumapat ito sa amin. Nanginig ako sa aking nakita. Si Rafael at ang babaeng linta kanina.

"Mukha sinusundo ka na ni Rafael."

"No." Mataman na nakatingin sa akin si Matt. "What?"

Bigla siyang tumawa ng malakas. "Anong nakakatawa?"

"Nothing. It is just too obvious."

"Ano ang sinasabi mo?" Nakakunot kong tanong sa kanya. Umiling na lang siya at pinaandar ang sasakyan. Tumingin na lamang ako sa labas. Nadaanan pa namin sina Rafael at nakita ko ang karatulang Villa Letisha. Ito pala ang bahay ng babaeng maarteng iyon. Sumimangot ako at hindi tinignan si Rafael.

"Matt, can I just go with you?"

"No! Actually I will stay in that Villa and I will just drop you here."

"No, paano ako uuwi?"

"Andyan naman na si Rafael and he already texted me." Ang bilis talaga ng halimaw na ito. Lahat napapasunod niya sa kanyang mga kamay. Wala akong nagawa kung hindi bumaba kahit nanginginig ang aking mga paa at kamay sa lamig.

"She's here!" sigaw na sabi ni Rafael. Ako ba ang tinutukoy niya? Nasagot ang aking katanungan ng hilain niya ako at pinakilala.

"She is Diane and she will work here." Anong sabi niya?

"Masipag ka naman ba iha? Kung hindi lamang sa pakiusap ni Rafael hindi ka namin tatanggapin bilang trabahador ng pabrika." Tumango na lamang ako dahil nakakunot na ang noo ni Rafael habang hindi ako kumikibo.

"Kung gayon tanggap ka na. Ako nga pala si Letisha."

"Kayo po ang may ari ng villa na ito?"

"Oo." Ngumiti ang ginang at napakaganda niya. Tumitig siya sa akin at nakita ang panginginig ng aking kamay.

"Okay ka lang ba?" Hinawakan niya ang aking damit.

"Basa ang iyong damit. Rafael dalhin mo muna siya sa loob upang makapag-bihis." Walang siyang nagawa kung hindi isama ako sa loob ng mansion ni Miss Letisha. Nagliwanag ang aking mga mata sa nakikita. Makinang na mga perlas ang nakita ko sa pader ng mansyon at mga paintings ng mga iba't ibang bulaklak. Bigla na lamang akong hinila ni Rafael.

"Hindi ba kasama mo kanina si Matt bakit hindi ka pa nagpalit ng damit." Sasagot na sana ako ng biglang dumating si Monica.

"Hi, Rafael." Malambing niyang sabi. Napanguso na lamang ako pero napansin niya ako at nagsimula na naman siya.

"What are you doing here?" Paangal niyang sigaw.

"Monica, why are you shouting?"

"Auntie ang babae ito lang naman ang nagbuhos ng kape sa aking 2000 pesos na damit." Napalunok ako sa ganoong presyo. Simpleng damit lang naman yun tapos ganun kamahal.

"Hindi ko po sinasadya ang nangyari." Nagpakumbaba na lamang ako dahil ang bait ng Auntie niya. Ngumiti ang ginang at binigyan ako ng isusuot. Sinamahan ako ng kanilang kasambahay at itinuro sa akin ng banyo. Pagpasok kumislap ang aking mga mata sa napakagandang dress na binigay niya sa akin. Pagbalik ko nakita ko na naman si Monica at Rafael na masayang nagtatawanan. Sumakit na naman ang aking dibdib. Mali itong nararamdaman ko. Umiling ako at lumapit na lamang sa ginang at nagpasalamat. Umalis na kami ngunit hindi pa rin matanggal sa mukha ni Rafael ang ngiti sa kanyang mga labi. Tumingin na lamang ako sa labas habang pabalik na kami ng kanyang bahay. Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang makarating kami. Bumaba na siya ng kotse at doon na tumuloy ang pinipigilan kong luha. Mali itong nararamdaman ko at dalawang linggo ko pa lang siya na kakasama. Ilang minuto muna akong sa sasakyan bago ako bumababa. Laking gulat ko ng pagpasok ng kanyang bahay ay nasa may pinto siya.

"Mula bukas magtatrabaho sa pambirika dahil madalas ako doon para mamatyagan ko ang mga galaw mo at huwag na huwag kang magtatangkang tumakas." Madiin niyang sabi. Tumango na lamang ako dahil pagod na ako at gusto ko na lang magpahinga. Naglakad na ako palayo ng biglang tawagin niya ako muli.

"Where are you going? You need to clean the house and cook my dinner!" Napatingin ako sa kanya at nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit. Tignan mo nga naman pagkasama niya ang babaeng iyon nakangiti siya. Tumango na lamang ako at nagpunta sa kusina. Hanggang kailan ba ako magtitiis bakit hindi ko magawang umalis sa bahay na ito. Hindi naman talaga ako ang kailangan niyang parusuhan. Ngunit alam kong mabait siyang tao itinatago niya lamang ito dahil sa pagkasuklam niya kay ate Diane. Kailangan kong malaman ang tunay na nangyari. Tinuon ko na lamang ang aking atensyon sa mga gulay at manok na iluluto ko. Sinimulan ko nang hiwain ang mga gulay na pang sigang at ang manok. Pinilit kong ngumiti habang ako ay nagluluto at hinihintay kong kumulo ito. Nagwalis na muna ako at nagpunas. Napangiti ako dahil malinis pa rin naman ang bahay. Bumalik na ako sa kusina at inayos ang mesa. Nilagay ko ang kanin at ulam. Sakto ang pagdating ni Rafael sa dining table dahil nakahain na.

"Kain na tayo." Yaya ko sa kanya. Hinila niya ang upuan at umupo. Akmang uupo ako ng bigla siyang magsalita.

"Ako lang ang kakain. Get out!"

"Pero gutom na rin ako." Matapang kong sagot.

"That's great! Umpisa na ang kalbaryo mo hangga't hindi ka umaamin sa kasalanan mo."

Gusto kong sabihin na wala naman talaga akong kasalanan at hindi ako si ate Diane. Ngunit alam kong hindi siya maniniwala. Hinayaan ko na lamang siya at umakyat sa aking kwarto. Mahihiga na lamang sana ako nang may nakita akong nakalagay sa higaan.

"Eat well."

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon