Chapter 62: Nothing at all

7 0 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Rafael. Bakit naman niya naisip na may relasyon kami ni Matt.

"Bakit hindi ka makasagot?" 

Ngumisi ako. "Akala ko wala ka namang pakialam." Kunot ang noo niya at hinagis sa kama ang phone.

"Use it. Contact Matt. Sabihin mo siya na lang magbantay sakin!" Highblood na nga siya agad. Ang bata naman niyang highblood. Umiling-iling ako.

"Pwede kalma ka lang. Tatawagan ko lang siya para pabili yung mga pagkain mo."

"No need! Here is the money. Buy me good food." Mabilis niyang nilabas ang wallet niya at nagbigay ng maraming bills.

"Parang masyado naman marami ito." 

"That's enough." Inabot niya ang phone niya at tinago.

"Teka…" bulong ko.

"What?! Akala ko bang gusto mo lang magpabili ng pagkain ko?" Umusok na ng tuluyan ang ilong niya. "Bilhan mo na ko ng pagkain!" Sumigaw siya muli. Lumapit ako at tinakpan ang mga mata niya.

"Take a deep breath." Utos ko sa kanya. Napangiti ako ng sumunod naman siya. Ang bilis talaga magbago ng mood niya.

"Breath out." Bulong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inalis sa mga mata niya. Nagtama ang tingin namin at pinisil niya ang kamay ko. Napalunok ako ng unti-unting nagwala ang sistema ko sa lambot ng kamay niya. 

Bigla niya akong binitawan na para bang napaso siya. "Go." Bulong niya at tumalikod. Naglakad ako palabas ng pinto at pigil ang hininga. Nagbuga lang ako ng hangin pagkasara ko nito. Umiling na lang ako at lumabas ng ospital. Naglakad ako sa may gilid at hindi alam kong saan ba bibili ng makakain niya.

Natanaw ko ang pamilyar na itim na sasakyan. Huminto ito sa harap ko at nagbaba ng salamin. Salubong ang kilay ni Matt na tumitig sakin. "Bakit mo na naman iniwan si Rafael?" 

"Ibibili ko lang siya ng makakain." Giit ko. Umiling siya at binuksan ang pinto.

"Hop in!" Utos niya. Pumasok na lang ako sa passenger seat at mabilis niyang minaneho ang sasakyan. "Did he tell you what he likes to eat?"

"Hindi eh." Naalala ko ang bilin ng nurse. "Alam mo bang hindi niya kinakain ang hospital meals?" 

"What?" He pulled over and made a jerky motion on his head. "Ang tigas talaga ng ulo! Sigurado ka ba?"

"Oo, yun yung sabi ng mga nurse niya. Kaya dapat makabili tayo ng makakain niya." Nakagat ko ang dila ko. "Aray!"

"Anong nangyari sayo?" Umiling ako. Sino kaya nakaalala sakin or worse someone curse me.

"Ganito na lang mamalengke ako at ihahatid muna kita sa rest house. Don't you dare escape! Kung hindi ako ang malilintikan kay Rafael!" Singhal niya.

"Hindi!" Mabilis kong sagot. 

Matapos nga akong hinatid ni Matt sa bahay ni Rafael. Umalis siya para mamalengke. Nakalimutan ko naman ibigay sa kanya ang pera. Kanina pa siya hindi dumadating. Napadako ang tingin ko sa orasan. Isang oras na lang ang magtatanghalian na. Aabot kaya kami?

Sa sobrang inip ko kakahintay sa kanya. Hinalungkat ko na lang ang refrigerator at ang mga gulay. Nagsimula na akong magluto nang dumating siya.

"Nagluluto ka na agad. I already bought meats and chicken."

"Bakit ngayon ka lang kasi?" Naningkit ang mga mata kong tumingin sa kanya. 

"Don't worry, Rafael already ate." Pumihit ako paharap sa kanya at nameywang.

"Nag-inarte pa siya tapos kakainin din pala niya ang hospital meals." Komento ko.

"No, actually Monica came with Daniela." Natulala ako. Akala ko bang wala na sila bakit kinain niya ang dalang pagkain ni Monica? Kinagat ko ang labi ko at tumalikod. Naghihimutok ang puso ko sa sobrang inis na may halong galit. "Don't worry. After Rafael ate, he made sure that Monica and Daniela would go home, so you need to prepare his dinner." Nagliwanag ang paningin ko sa dinagdag niyang impormasyon. Pumihit ako paharap sa kanya at tinulungan siya sa mga dala niya. Hindi ako nag-aksaya ng oras at nagsimulang magluto ng mga masasarap na pagkain. 

Iniwan niya ako sa kusina at inayos ang mga damit ni Rafael. Sinamantala ko ang pagkakataon na maayos lahat ng mga pagkain na dadalhin. Gumawa din ako ng vegetables salad at sandwiches.

"Ano yan?" Sakto ang paglalagay ko sa pagkain nang bumalik si Matt mula sa kwarto ni Rafael. 

"Mga ulam, vegetables salad at mga sandwiches." Umiling siya at pagak na tumawa. "Bakit?"

"Bibitayin mo ba siya?" 

"Hindi!" Mabilis kong bulyaw sa kanya. 

"Bakit ang dami mong niluto at gumawa ka pa ng sandwiches?" Ngumisi siya at hinawakan ang ulo ko. "Wala ka naman sakit. Gusto mo siya!"

"Hindi!" Umiling ko at nagmamadaling lumabas ng kusina. 

"Saan ka pupunta?" Kahit nakatalikod ako ramdam ko pa rin ang ngisi niya sa kanyang mukha.

"K-Kukuha ng damit ko." Nauutal kong sagot at halos madapa ako sa pagtakbo sa hagdan. Hingal na hingal akong pumasok sa silid at kumuha ng ilang damit. Umupo ako at pumikit. Masyado na akong nahahalata ni Matt. Si Rafael kaya nararamdaman rin niya? 

"Malamang hindi." Bulong ko at naalala ang pag-uusap namin kanina. Akala pala niya may relasyon kami ni Matt. Talaga naisip niya pa yun? 

May kumatok sa pinto ng tatlong beses. "Tara na! Naiinip na daw si Rafael." Animo'y may mga daga sa dibdib ko na nag-uunahan nang maalala ang habilin ni Rafael kanina. Lagot ako sa kanya! Binuksan ko ang pinto at tahimik na naglakad palabas. Ramdam ko ang lamig sa mga palad ko at lumunok ng ilang ulit.

Pagsakay ko sa kotse nanginig ang kalamnan ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. "Mauna ka na lang…" Mahina kong sagot sa kanya.

Lumukot ang noo niya at hinawakan ang kamay ko. "Why are you so cold?" Mabilis niyang pinatay ang aircon at binigyan niya ako ng jacket. Tumanggi ako at binalik sa kanya. Pumalatak naman siya at nilagay ito sa balikat ko. 

"Let's go! Magagalit na naman si Rafael." Komento niya.

Halos hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng ospital. "Mauna ka na." Pilit ko kay Matt. Tumikhim ako at huminga ng ilang ulit. Bakit ba ako natatakot kay Rafael? Wala naman akong ginagawang masama. Alo ko sa sarili. Tama! Wala akong maling ginawa! Inayos ko na ang bibitbitin pero kinuha lahat nito ni Matt. 

"Sige na, mauna ka na. Susunod na lang ako." Ngumiti ito dahilan upang lumitaw ang mga nakakasilaw niyang mga ngipin. 

"Salamat." Kahit papano pumanatag ang loob ko. Nag-elevator agad ako at dumiretso sa silid ni Rafael.

Pagbukas ko ng pinto hindi maipinta ang mukha niya. "Why you took for so long?" Pa-angil niya na para bang anumang oras sasakbangin ako. Ngumiti ako ng pilit kahit ramdam ko ang lamig sa mga palad ko.

"Nagluto pa kasi ako para naman makakain ka na ng maayos." Tumango ito at titig na titig sakin.

"Did you enjoy the attention that Matt gave you?"

"Ano bang sinasabi mo? Bihag niyo ako di ba? Bakit naman ako magsasaya na may bantay?" Nawala ang mga daga sa dibdib ko pero umusok naman ang ulo ko sa inis. "Kung di ka lang may sakit." Bulong ko.

"What are you murmuring?" Ngumiti ako ng malapad sa kanya.

"Nothing at all." Giit ko at kinurap kurap ang mga mata ko sa kanya. Sakto naman ang dating ni Matt.

"See? Si Matt pa talaga ang pinagbitbit mo." Singhal niya. Hindi ko na lang siya pinansin at inayos ang mga pagkain niyang pinaghirapan ko.

"Pagaling ka, Rafael. Una na ko." Sagot ni Matt kay Rafael at hindi pinansin ang mga komento nito. 

"Sige." Tipid niyang sagot kay Matt.

"Ano naman ang niluto mo?" Tanong niya paglabas ni Matt. Nakangiti kong pinakita sa kanya.

"What do you think of me? A pig?" Inirapan ko siya at tinabi ang mga dala ko. Hindi man lang nagpasalamat. Umupo ako sa mahabang sofa na malapit sa pinto at malayo sa kanya. "Hey! Bakit mo tinabi ang mga pagkain? Ganyan mo ba ko aalagaan ng isang linggo?" Napasinghap ako. Bakit ang sarap pakinggan ng huli niyang sinabi?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon