Chapter 61: Broken

8 0 0
                                    

Ilang oras na ako nakapikit pero hindi ako madatnan ng antok. Hanggang dumalaw ang doktor at kinumpirma na wala naging serious damage ang ulo ko. Inayos ni Matt ang mga hospital bills ko. Nagpasalamat ako ng todo sa kanya.

"Ang bilis mong magbihis." Ngumiti ako kay Matt paglabas ng banyo. 

"Ayaw na kitang maabala pa. Kumusta na pala ang lagay ni Rafael?" tanong ko habang tinutupi ang hospital gown.

"Malubha siya," malungkot niyang sagot. Napaangat ang labi ko at namutla. Kasalanan ko ito.

"Total okay na rin ako. Pwede ako na lang ang mag-alaga sa kanya dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nandito." Tinaas niya ang kilay niya at pilyong ngumiti. "Bakit?" 

"Sigurado kang iyon lang ang dahilan?" 

"O-Oo, ano pa bang magiging dahilan ko?" nauutal kong sagot.

"Bakit namumula ang mukha mo?" Tumalikod ako at hinawakan ang mukha ko. Pahamak naman ito.

"Halata kasi ang pag-aalala mo sa kanya. Sige puntahan mo na lang siya sa room 201." Pagpihit ko paharap sa kanya. Naglalakad na siya palabas ng silid habang tumatawa. 

Kumunot ang noo ko. Nagawa pa talaga niyang tumawa sa kalagayan ng kaibigan niya. Umiling na lang ako at lumabas ng silid. Ang bawat pinto ay pare-parehong puti pati ang mga pader. Nakita ko ang numero ng pinto ko. Nasa room 100 pala ako at sa second floor pala ito. Nagpatuloy akong maglakad hanggang makita ko ang elevator sa tapat ng room 111. Ngumiti ako at pumasok sa loob. Halos pasara na ang elevator nang biglang may babaeng sumigaw.

"Wait!" Pinindot ko ang elevator panel at pumasok ang babae. Napahinto ako ng makilala ang makinis na babae. "You look familiar." Kumunot ang noo niya at nawala ang ngiti sa labi niya. 

"Daniela," bulong ko. Tumango lang ito at pinindot ang number 3 sa elevator panel. Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang bumukas ang elevator. Sabay pa kaming lumabas. Tumikhim ako at dumiretso sa kwarto ni Rafael.

"Oh, you are going to visit Rafael?" Napahinto ako sa pinto at lumingon kay Daniela.

Tumango ako at pilit ngumiti. Binuksan niya ang pinto at bago pumasok lumingon muli sakin. "You are the reason why Rafael is here." singhal niya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tinaasan niya ako ng kilay at sinabing, "Hindi ka ba papasok?" Tumango na lang ako at hindi na nagkomento. "Rafael, how are you?" Lumingon si Rafael at umupo. Lumapit sa kanya si Daniela at dumistansiya naman ako at umupo na lang sa sofa. "Monica can't go here. She needs to look out for our Aunt."

"That's alright and please tell her to move on." Inis na sagot ni Rafael sa kanya. Ngumiti lang ito sa kanya at may tinawagan sa cellphone. 

"I need to go out," sagot niya at lumabas. 

"What are you doing here?" Lingon tanong sakin ni Rafael.

"Aalagaan kita." Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. Sumandal siya sa pader at doon ko lang napansin ang sling sa braso niya. Bumigat ang pakiramdam ko at napahawak sa siko ko. I felt broken inside and sorry for him at the same time. 

"Why are you crying?!" Singhal niya sakin. Awtomatiko kong hinawakan ang mukha ko. Tumulo na naman pala ang mga luha ko. "Can you go out if you will going to cry here? Besides, I am not dying!" giit niya.

Umiling ako at patuloy ang pagpunas sa mukha ko. Bumukas muli ang pinto at may bitbit ng mga prutas si Daniela. "Did I miss something?" tanong niya.  Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa amin ni Rafael.

"She's just emotional." walang ganang sagot ni Rafael at tumingin sa bintana. 

"Labas muna ko..." bulong ko at lumabas nang silid. 

Pagsara ko ng pinto napasandal ako sa pader at may tatlong nurse na lumapit sakin. 

"Okay ka lang ba?" Pilit akong ngumiti at kinagat ang labi.

"Okay…" Tumikhim ako. "Okay lang ako." Tumango sila at pumasok sa loob ng kwarto ni Rafael. "Tatlo talaga ang nurse niya?" Gulat kong sabi sa sarili. Hindi nasara ng mga nurse ang pinto. Hinila ko ito.

"Diane!" Napahinto ako ng sumigaw si Rafael. Pumasok ako sa loob at nakangiti sakin ang mga nurse.

"Bakit po, Sir?" Pinilit kong maging pormal kay Rafael. Ayaw kong mag-isip ang iba ng kung anu-ano tungkol samin lalo na may pagtingin talaga ako sa kanya.

"Tell her everything. From now on, I will not need a nurse." Direktang sinabi niya sa mga nurse. 

"Okay, Sir. Pagaling kayo. Mukha naman maalaga ang girlfriend niyo!" Pilyong komento ng isang nurse na may kulot ang buhok. Sumang-ayon naman ang dalawang kasama niya. Hindi siya sumagot habang nakataas naman ang kilay ni Daniela.

"Aalis na ko, Rafael. Get well soon." Sabat niya sa mga humahagikgik na mga nurse. Palabas na siya ng pinto ng biglang magsalita muli ang nurse na may kulot ang buhok. "Maganda sana kaso mukha masama ugali." Pumuhit paharap si Daniela.

"You know what, you are not paying here to gossip. Go back to work!" Sigaw niya at padabog na sinara ng malakas ang pinto.

"Attitude!" Singhal ng mga nurse.

"Tara po, sa labas na lang tayo mag-usap." Bulong ko sa kanila. 

"Bakit?" Maang nilang tanong. Nginuso ko ang papausok na ilong at tainga ni Rafael. 

"Sige. Tara na." Sagot nila. Sumunod naman ako.

"Teka!" Huminto ako at humarap kay Rafael. "Buy me food! I'm sick of hospital meals."

Tumango ako at lumabas ng kwarto. "Bakit ganyan mga amo mo?" Salubong na tanong nila. 

"May galit sa mundo." Komento ng kulot na nurse. Ngumiti na lang ako at ipinaliwanag nila sakin ang mga bawal kainin ni Rafael. Binigyan din ako ng listahan ng gamot at kung anong oras pinapainom. Kwinento din nila sakin kung gaano tumatanggi si Rafael sa mga gamot. "Yan naibigay na namin lahat sayo. Ikaw nang bahala. Pero kailangan pa rin namin i-check siya. Dapat normal ang blood pressure niya bago makalabas ng ospital."

"Sige. Salamat. Ilang araw pa kaya siya dito?"

"Yung last na doktor na tumingin sa kanya. Ni-recommend na magstay siya dito for a week at siguraduhin mong kumain siya sa oras. Lagi kasing hindi man lang nababawasan ang pagkain niya sa food tray." Tumango ako. May pagkamaselan din pala sa pagkain si Rafael. Nagpaalam na ang mga nurse. Agad naman akong bumalik sa loob.

"Where is my food?" Salubong na tanong ni Rafael.

"Tawagan ko lang si—"

"You have a smartphone?" Putol niya sa sasabihin ko. Umiling ako. "Paano mo tatawagan si Matt?" Tinaasan ko siya ng kilay. Alam niya agad si Matt ang tatawagin ko. "And besides, why do you need to contact him?" Hindi ako makasagot sa tanong niya. Sasabihin ko ba hihingi ng pera para sa pagkain niya. "I don't care if you have a relationship with him." I coughed harshly at his comments. What the crap is he thinking?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon