Chapter 55: The Person Behind

10 1 0
                                    

Tinulak ko si Rafael para makaalis sa mga bato.

"I'm asking you!" sigaw niya. Umiling ako pero hinila niya ang kamay ko.

"Sobrang saya mo na pinaglalaruan ako!" sigaw ko at sinampal siya.

"What are you talking about?" sita niya.

"Tama na!" Tumulo na naman ang mga luha ko. "Oo na. Sige na. Tama ka na. Ano masaya ka na ba? Pwede bang lubayan mo na ko? Nahihirapan na ko!" Sunod-sunod kong sabi sa kanya. Sumandal ako sa malaking puno ng acacia at umupo. Pagod na ko. Tumahimik siya at hindi nagsalita.

"You are a great pretender!" Umiling ako. "Ngayon inaamin mo na tama lahat ng hinala namin sayo!" Iling lang ulit ang sagot ko. Hinila niya ang braso ko at iniangat ang ulo ko. "Look at me! Anong dahilan mo para patayin ang kuya ko? Tell me now!" Humigpit ang hawak niya sa braso ko. Tinutulak ko siya pero masyado siyang malakas. Diinan niya pa lalo ang hawak niya.

"Hindi ko siya—"

"Stop! Kakaamin mo lang. Tell me now! Or else—"

"What? Sasaktan mo ko? Dadalhin mo ko sa pulis? Ikukulong mo ko?" Matalim ko siya tinitingan. Binitawan niya ang braso ko pero hinila naman niya ang kamay ko. Hindi kami dumaan papunta sa kubo. "Saan mo kong dadalhin?" sigaw ko pero para wala siyang naririnig. Lumakas ang tibok ng puso ko ng dumaan kami sa mga matataas na damo. Nangilabot ako ng tuloy-tuloy niya pa rin akong hinila. Lumingon ako. Masyado na kaming malayo sa kubo. Hindi nila maririnig kong may gagawin siyang masama sakin.

"Rafael," bulong ko at nanginginig ang boses. Huminto siya at huminga ng malalim.

"I am not doing anything. I wanted you to calm down." He whispered. Tumikhim ako at tumingin sa langit. Ang liwanag nito nakakahikayat panoorin. Sumipol ang malakas ng hangin. Napangayakap ako sa sarili. Naramdaman ko naman ang presensiya niya sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko ng bumaling sa kanya. Tinatanggal niya ang polo niya. "Wala akong balak sayo. Suotin mo ito. Masyadong ng lumalamig." Iniabot niya ang polo niya. Nag-atubili akong kunin ito. "We are here not to fight again. We need to talk." Tumango na lang ako at hinablot ang polo. Sinuot ko ito at tumingin sa kanya.

"Gusto mong mag-usap tayo ng maayos pero hindi mo naman pinaniniwalaan ang mga sinasabi ko." Tumingala siya at umiling.

"Mahirap maniwala sayo." Bumaling siya sakin at ang mga mata niya ay mapukaw. Lumunok ako at umiwas ng tingin. Kumirot ang kaliwang paa ko. Napayuko naman ako at hinilot ito. Humakbang siya palayo. Hindi na talaga siyang magbabago. He indeed thinks we can talk without blaming one another. Sa lahat naman ng mga sinabi ko wala siyang pinaniniwalaan. Makahanap lang talaga ako ng ebidensya kung sino talaga ang nasa likod ng aksidente ni James. Aalis na ko.

"Pumunta ka dito." Napalingon ako at nanlaki ang mga mata. May hawak siyang tuyong damo at inayos niya ang mga ito sa lupa upang maging malinis na uupuan. On the second thought, I am wrong again. Perhaps Rafael has a good point now.

Humakbang ako palapit sa kanya at umupo. Sumunod naman siya at tumabi sakin. Nang magtama ang aming mga braso umakyat ang kakaibang sensasyon sa katawan ko. Napatayo ako at lumunok. "Mas magandang tumayo—"

Naputol ang sasabihin ko nang hinila niya ako ulit paupo. "Are you uncomfortable next to me?" Oo! Pinipeste mo ang puso ko! Umiling na lang ako bilang sagot. Hanggang kailan ba siya magiging mabait? Pwede bang parusahan na lang niya ako para mapuno na lang ng galit ang puso ko. "Ano bang nakita mo sa lalaking yun para palitan ang kuya ko?" Pumikit ako ng mariin at hinilito ang sentido. Akala ko bang mag-uusap kami ng maayos, bakit nagsisimula na naman siya?

"Hindi ko alam," inis kong sagot at sumimangot.

"Alam—"

"Stop!" Putol ko. Kunot noo niya akong tiningnan. "Bumalik ka na lang kaya sa Monica mo!" singhal ko. Kalahating oras dumaan ang katahimikan. Ginapgap niya ang kamay ko. "Bitawan mo ko!" Ngumisi naman siya. Ang mga ngiti niyang nagpapalunod sa puso ko.

"Are you jealous?" Nagbuga naman ako ng hangin.

"Bakit naman ako magseselos? Isa pa kayo naman talaga ang magkarelasyon, kahit ilang beses mong sinabi di mo siya gusto at pinagpipilitan niya lang ang sarili niya sayo." Tumikhim ako. "Isa pa walang akong karapatan magselos." Hindi siya sumagot sa mga sinabi ko. Lumingon naman ako sa kanya at pigil niya ang tawa. "Anong nakakatawa?" Kailangan na niyang magpunta sa ospital. Tuluyan na siyang nabaliw dahil sa galit niya. Tumawa siyang ng malakas. Natulala ako dahil pati sa mga mata niya abot ang ngiti.

"Bakit ka tumatawa?" sita ko. Ngumiti lang siya ng malapad at biglang tumunog ang cellphone niya. Huminto siya at tumayo. Naglakad siya palayo habang may kausap. Panaka-naka akong tumingin sa kanya. Ang mga ngiti niya ay unti-unting nawala at kunot noo siyang tumingin sakin. Nilagay na niya ang cellphone niya sa bulsa at mabibigat ang hakbang palapit sakin.

"Ang galing mo!" Hinila niya ako patayo. "Muntik mo na kong mapaniwala sa mga kilos mo. Masaya ka bang paglaruan ako?" Umiling ako. Sino bang nakausap niya? Hinila niya ako palapit sa kanya. "Kaya ba sinasabi mong may nagnakaw ng nakaraan sa bahay ko? Ang galing ng mga plano niyo! Ngayon naman pinatago mo ang Macky na yun!"

"Hindi kita maintindihan," bulong ko.

"Talaga? Paano nalaman ng Macky mo na hinahanap namin siya?! Tinawagan mo siya? Binalaan mo!" Patuloy siya sa paghila sa kamay ko at nasasaktan na ko sa higpit nito.

"Bitawan mo ko!" Tinulak ko siya at napaatras. Nanlilisik niya akong tiningnan at hinila palabas sa mga matataas na damo. Tinulak niya ko sa kalsada. Sakto naman ang palabas nila Monica sa kubo.

"Rafael!" sigaw ni Monica pero hindi niya pinansin ito at tuloy-tuloy niya akong kinaladkad sa sasakyan niya.

"Sakay!" sigaw niya habang pulang-pula. Malamang hinid dahil sa araw kung hindi sa namumuong poot sa kanyang puso. Pagsakay ko binilisan niya ang pagmaneho ng kotse niya hanggang makarating kami sa bahay niya. Hinila niya ko pababa hanggang makarating kami sa sala. Kinando niya ang pinto at tumingin sakin. "Tell me now! Are you the person behind the accident?!" Tinulak niya ko at napaupo ako sa sahig. Umiling ako at pigil ang hininga. Mula naman sa umpisa ako ang sinisisi niya. Bakit ngayon para nag-iba siya? Umupo siya sa harapan ko. "Why did you do it? I thought..." Huminto siya at tumayo. Sinipa niya ng malakas ang upuan at nakarating ito sa may pinto.

"Rafael!" Sunod-sunod na katok ang narinig namin sa labas. Hindi naman siya kumilos hangang sumigaw muli ang nasa labas. Si Matt ito. Tumayo ako pero hinila lang ako ni Rafael at inupo sa sofa. Lumapit siya sa pinto.

"Matt, get back to work. Diane and I need to settle something here." malumanay niyang sabi. Tumibok ng malakas ang puso ko. Bakit kailangan niyang magsinungaling kay Matt?

"Nakarinig ako ng mga—"

"We were cleaning." Putol nito sa sasabihin ni Matt at lumingon sakin. Nanlilisik ang mga mata niya na para bang aapoy ano mang oras. Tumaas ang mga balahibo ko. Anong binabalak niya sakin?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon