Chapter 21: Evidence

9 1 0
                                    

Hindi ko minulat ang aking mga mata at pinandigan na tulog pa ako. Biglang tumahimik sa paligid at sa ilang saglit narinig ko ang pagbagsak ng pinto. Gumalaw ako paharap sa kanan at napaiyak.

"Michaela," Napaupo ako ng marinig ang boses ni Rica. "Kung ikaw nga ba talaga si Michaela. Isa din ba ako sa mga taong pinapaikot mo, Diane?"

Napaluha ako sa sinabi niya. "Hindi totoo yan. Ako talaga si Michaela."

"Marami nakitang larawan ni Sir James na nasa sa mga gamit mo sa bahay bakasyunan ni Sir Rafael." malungkot nitong pahayag.

"Anong ibig mong sabihin? Wala akong—"
Nilagay ni Rica ang kanyang cellphone sa higaan at lumabas ng silid. Kinuha ko ito at tumambad sa akin ang larawan na kuha sa mga gamit ko. I totally forgot the pictures I saw in James room.

"Mali pala ako," Matt suddenly went out of the bathroom. "I will not going to believe you," may diin niyang sabi at lumabas na ng kwarto. Lahat ng mga taong tanging naniniwala sa akin ay tuluyan ng lumayo. Ganoon ba kadali sa kanilang maniwala sa mga larawan na ito? Wala man nga akong ni isang larawan sa mga ito. Ibababa ko na sana ang cellphone ng makita ko ang sumunod na larawan.
"I will always love you, Diane, don't throw these pictures I had, it is a souvenir in our intimate night." Napamaang ako sa aking nabasa, bakit hindi ko ito nabasa noon? Nagpasya akong ilagay sa mesa ang smart phone at inabangan ang nurse.

"Ma'am huwag na po kayong nagpupumilit tumakas," sabi ng nurse na may mahabang pilikmata. Ngumiti ako ng pilit.

"Hindi naman ako tatakas. Magtatanong lang sana ako. Kailan ako makakalabas dito?" Huminga siya ng malalim at tinulungan ako papunta sa higaan.

"Upo muna kayo at ichecheck ko ang iyong mga vital signs," sagot niya. Tahimik akong sumunod sa lahat ng test hanggang makalabas siya ng silid.

Ilang oras ang lumipas at may muling pumasok sa silid. Nalungkot akong makita na hindi ito si Matt o si Rica man lang. "Kumain na po kayo," sabi ng matandang babae ng may mahabang puting buhok. Tumango na lamang ako at akmang lalabas na siya ng may naalala ako.

"Pwede na po ba akong lumabas bukas?"
Tumingin siya sa akin ng may pag-aalinlangan.

"Kung ako sayo iha, mas gusto ko na muna na dito ka. Magulo masyado ngayon sa Villa Letisha dahil ang mga tao ay nagsisimula makasagap ng balita, na ang pumatay kay Sir James ay nakatira lamang doon." sagot nito na hindi man kumurap ang mga mata.

"Salamat po," mahina kong sabi at tuluyan na siyang lumabas. Bagsak ang aking mga braso ng sumandal sa pader. Wala naman talaga akong kasalanan kaya hindi dapat akong panghinaan ng loob. Pagkukumbinsi ko sa aking sarili.

Sa nakalipas na tatlong araw sa ospital pareho lamang ang aking ginagawa. Paggising kakain, maliligo at naglalakad sa garden ng ospital hanggang sa ika-apat na araw dumating si Rica. Masaya ko siyang sinalubong ngunit hindi ako binigyan ng ngiti. Nagbayad lamang siya ng bills ng ospital at pagkatapos inaayos ang aking mga damit.

"Nakita ko ang mga larawang iyon sa kwarto ni James pero hindi talaga ako si Diane." may diin kong sinabi sa kanya. Sa nakalipas na araw pinag-isipan ko itong mabuti at nakapag-desisyon na ako kahit anong sabihin nila ipipilit ko ang totoo.

"Tama na! Nandito lamang ako upang ihatid ka kay Filo at idadala ka niya sa Secret island." sagot nito at lumabas na ng pinto. Sumunod ako sa kanya at pagpasok ng sasakyan akmang magsasalita akong muli ng may biglang tumawa.

"Diane, huwag mong utuin ang maid ko. Pasalamat ka na pumayag ako sa suhestiyon ni Rafael. Mula ngayon sa kubo ka na matutulog," Bumalik lahat ng alaala ko sa kubong nasunog at napalunok ako sa takot. Sa buong biyahe hindi ako maka-imik at ramdam ko ang pagtulo ng aking pawis sa noo, kamay at braso. Napatingin ako sa side mirror at nakitang nakatitig sa akin si Rica na nasa passenger seat. Umiwas siya ng tingin ng mapansin akong tumitingin sa kanya. Sa mahabang biyahe hindi ko magawang kumilos ng maayos hanggang huminto ito sa pamilyar na lokasyon. Ang nasunog na kubo ay tinanggal na at ang dalawang bagong kubo ay natapos nang gawin. Huminga ako ng malalim at pinatatag ang sarili. Wala akong maaasahan dito kung hindi ang sarili ko lamang.

"You need to pay all the fees that Rafael paid at the hospital, so do your job here. You need to clean, cook for the meal on all the workers and help them," Monica said in a stern voice. I nodded and followed her.

Wala akong lakas makipagtalo ngayon. Napangiti ako ng yakapin ni Rica si Filo. Mukha sinagot na niya ito. Pumasok kami sa bagong gawang kubo. Nagulat ako sa ganda nito sa loob. May dalawang kwarto at may simento na ang kalahating parte nito. May lampshade sa tabi ng upuan at may maliit na mesa. "Rafael ensure you don't burn anything here." Nabaling ang atensyon ko sa kanya at kumunot ang aking noo. "You are not aware that we found evidence that you burned the old nipa hut." dagdag nito.

"Wala akong kinalaman sa sunog na iyon." giit ko.

Tumawa lamang ito at tuluyan ng lumabas. Umupo ako sa upuan at nakita ang mga larawan dito. Dinampot ko ito at tinitigan. Nahulog ko ito ng makita ang mga larawan ni James nakuha sa cellphone ni Rica. Napansin ko ang isang sulat sa gilid nito.

"It is your remembrance of the intimate night that you have with my brother! I will give it back to you—Rafael." Napa-iyak ako sa aking nabasa.

"Wow! Sigurado nakokonsensya ka na ngayon sa ginawa mo!" Rafael burst out of the door shouting at me. Umiling ako at lalong nagpaliyab ng kanyang galit. "Intimate night you shared with him, then you just set him up and killed!"

"Hindi ko siya pinatay!" Buong tapang kong sinabi. He chuckled and closed the door.
"All evidence pointed at you. Why can you just admit it? Or surrender yourself to the cops!" He answered, glaring at me.

"Wala akong kasalanan..." bulong kong sabi habang umiiyak. Biglang natahimik si Rafael at nilapitan ako sa upuan na may malaking lamp sa tapat nito. Ang matalim niyang titig ay biglang naging blangko. Hinawakan niya ang aking braso at biglang pumalakpak ng malakas.
"Stop pretending!" Mahirap ba talagang paniwalaan ang lahat ng sinasabi ko sayo?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon