Chapter 29: Rafael drunk

12 0 0
                                    

Mabilis akong pumasok sa kabilang kwarto at hindi mapakali. Sinara ko ang pinto at humiga sa malambot na kama. Biglang bumuhos ang malakas na ulan at tumayo ako upang isara ang bintana. Nanginig ako sa lamig matapos mabasa ang aking ulo dahil sa lakas ng hangin. Mabilis kong kinandado ang bintana at naghanap na maaaring pamalit na damit. Walang akong ibang mahagilap kung hindi isang mahabang t-shirt lamang na may logo sa likod. Hindi ko na ito masyadong pinansin at humiga na lang muli sa malambot na kama. 

Ilang oras pa lang akong nakakahiga dinalaw na ako ng antok ngunit biglang may boteng nabasag mula sa labas ng silid. Nagmadali ako lumabas at nag-alala na baka nadisgrasya na si Rafael. Pero bumungad sa aking ang pilyong niyang ngiti.

"You can't sleep....." He hissed and walked slowly to grab my hand. I moved backward and shut the door. Hanggang ngayon umiinom pa rin siya. Gaano ba kataas ang tolerance niya sa alak? Nasapo ko na lamang ang aking noo sa inis. Habang patuloy pa rin ang pagkabog ng aking dibdib. Minabuti ko nang lumabas upang masigurado na matutulog na siya at tumigil na sa kakainom. Paglabas ko nakahiga na siya sa sahig. Umiling na lang ako at tinungo ang kusina para kunin ang walis at basurahan. Tahimik akong naglakad pabalik at nakakunot ang aking noo ng makitang wala siya sa sahig. 

"Rafael..." pabulong kong sabi. Walang sumasagot kaya winalis ko na lang ang mga nabasag na bote. Tinago ko na ang bote ng alak saan na naman niya nakuha ito? Pagkatapos kong nailagay ang mga basag na bote sa basurahan biglang may humila sa aking papasok ng kaliwang kwarto. Tinulak ko ito ng malakas at narinig ang sigaw ni Rafael. Napakagat labi ako ng makita ko siya nauntog sa mesa sa gilid ng kama.

"Bakit mo kasi akong ginugulat!" Napasigaw kong sabi sa kanya.

Tumayo siya kahit hirap tumayo ng tuwid at tinaas ang kanyang kanang kamay. 

"You... are plain.. nothing interesting on you.. except your pretty face, your wrinkled forehead when arguing at me and your kissable lips that luring me to kiss you and madly wanted to be mine.. " pabulong nitong sabi pero maliwanag pa sa sikat ng araw sa aking pandinig. Napalunok ako at umaatras. Lasing lang si Rafael at wala sa wisyo. Pilit ko dinidiin ito saking isipan at tumalikod sa kanya. "Where do you think you're going?" 

Mabilis niya akong niyakap at hinawakan ang aking buhok. "You smell great!" Masaya pa nitong sabi. Tinulak ko ito pero di man ito natumba. He laughed devilishly glaring at me. "I can manage my drunkness, Diane. I am better than any man here. Do you want to try it?"

Nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya at pilit nagpupumiglas sa mahigpit niyang hawak sa braso ko. "You can't escape on me. For the very least why you let yourself sleep in my room? And why are you not satisfied with James?" Napamaang ako ng biglang binanggit niya ang pangalan ng kuya niya. "It is obvious, Diane! His effect on you is shown!" Pumalakpak siya ng malakas at hinila ako paharap sa kanya.

"Bitawan mo ko! Lasing ka na!" Pagpoprotesta ko sa kanya pero parang walang narinig si Rafael at tinulak ako sa kama niya.

"You have a lot of time to escape, Diane. Nahihiwagaan.... ako sayo.." bulong nito habang papalapit sa kama. 

"Maawa ka.." Tumawa ito ng pagak at tinungga ang alak sa kanyang kamay. 

"Why should I? Ikaw ba naawa sa kuya ko?!!" Nanggagalaiti nitong sabi at hinagis ang walang lamang bote sa pader. Nabasag ito na dahilan upang magkalat sa sahig at matalsikan ako ng bugbog sa paa. Nanlaki ang mata ko ng makita ang pagdurugo saking paa. Napasigaw ako sa takot. "Huwag mo akong idaan sa kaartehan mo!" Patuloy na pag-sigaw ni Rafael. Pumikit na lamang ako habang pigil ang iyak. Why did he change in a snap? Akala ko okay na kami pero hindi pala. Nagulat na lang ako ng biglang may mainit na braso ang yumakap sa akin at hinila ako pahiga. Tumibok ng napakalakas ang aking puso at nagpapawis na ako sa nerbyos. Ayaw kong dumilat dahil sigurado makikita ko ang dugo sa aking paa pero paano ako makakatakas kay Rafael kung hindi ko nakikita ang daan palabas? Umiiyak na lamang ako ng umiiyak hanggang naramdaman ang kamay niya na pinupunasan ang aking mukha. "Bakit mo kailangan patayin si James? May nagawa ba siya sayo?" Hindi na sumisigaw si Rafael pero ramdam ko pa din ang galit sa kanya tinig. Ano magagawa ko kung ako mismo hindi ko alam ang nangyari sa kanya? 

"Wala—" Isang malakas na hampas ang pinakawalan ni Rafael sa unan sa tabi ko. Nanginginig ako sa takot at nakayakap sa sarili. 

"All my life. James is my idol. Lahat ng bagay na ginagawa niya iniidolo ko. He never stops talking about you and keeps telling things he loves about you. Why did you kill him? Tell me!"

Minulat ko ang mata kong at tinitigan siya sa mga mata. "Hindi ko alam! Hindi ako si Diane..." Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko maalis ang mata ko sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ko at tinanggal ang mga hibla ng aking buhok na humarang sa aking mga mata. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at hindi ako makakilos. Nahihiptonismo ako sa mga mapupungaw niyang mga mata. Bakit ang bilis ng pagbabago ng kanyang reaksyon? Ang mga pilikmata niya ay mahaba at bagay ito sa matangos niyang ilong. Unti unti siyang lumapit sa akin at wala ni isa sa amin ang nagsalita hanggang hinawakan niya ako sa batok at dumampi ang kanyang labi sa aking leeg paakyat sa aking mukha. Huminto siya at ang sistema ng aking katawan ay nagtatalo. Hindi ko siya magawang maitulak hanggang tuluyan niya akong halikan sa labi. Hindi ito tulad ng unang naming halik. Ngayon ay nanunuot at pilit niyang pinapasok ang dila niya sa aking bibig habang inililibot niya ang kanyang kamay sa aking katawan. Isang galak ang namumutawi sa aking buong katawan at hindi ko man lang magawa mag-protesta sa ginagawa niya. Nahihibang na ba ako? Tuluyan na akong nabalot ng kapusukan at naitaas kong ang aking labi na mabilis naman sinunggaban ng mga labi ni Rafael. Nanghihina ako sa kakaibang sensasyon na bumabalot sa aking sistema. My spine quivers and it feels good that I'm craving for more. Ito ba ang sinasabi nilang nakaka-addict na halik. I have never experienced this not until now. 

Unti unting akong hiniga ni Rafael sa kanyang kama at napahawak ako sa batok niya. Patuloy ang labi niya sa paghalik sa akin na para bang walang bukas. Napaluha ako sa saya sa kakaibang pakiramdam na ito. Ngunit sa isang malakas na busina ng sasakyan ang nagbalik sa amin sa realidad. Mabilis na bumitaw si Rafael at lumabas ng silid. Naiwan akong nakahawak sa aking labi. Napatingin ako sa sarili at doon ko lang napagtanto kung gaano kalayo kami nakarating. Totoo ba ito? O dala lang ng alak ang lahat?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon