Chapter 51: Love or Lust?

11 0 1
                                    

Yumuko ako at pilit pinapakalma ang tibok ng aking puso. Hinawakan ni Rafael ang baba ko at ini-angat ang ulo ko. Nagtama ang mga mata namin. Kumislap ang mga mata niya at ngumiti ng tipid. Hindi ko mabasa ang kanyang iniisip. Hinawi niya ang buhok ko na natatakpan ng aking mata. Lalong nagwala ang puso ko. Hindi ako makagalaw at ramdam ang pagpapawis ng aking palad at noo.

"You're beautiful." bulong niya. Ano bang ginagawa niya? Pinapaasa na naman niya ako. Umurong ako at tinampal ang kamay niya.

"M-Magluluto na ko." nauutal kong sabi at patakbo pumunta sa bahay niya. Habol ko ang hininga ng makarating ako sa kusina at ni-lock ang pinto. Huminga ako ng malalim at tinuon ang atensyon sa mga gulay. 

Makalipas ang kalahating oras nawala na rin sa sistema ko ang init at kilig na binigay ni Rafael sakin. Kailangan hindi ako magpadala sa mga salita niya lalo na sa mga kinikilos niya. Basta kapag may nakita na akong ebidensya aalis na ko. Pilit kong sinisiksik sa isipan ko. Bago lang ito sa pakiramdam ko kaya akala ko pagmamahal na pero hindi! Gwapo lang siya na matangos ang ilong at mukhang anghel kapag nakangiti. Napahinto ako sa naisip. Bakit ko siya pinupuri? Lust lang ito! 

"Tama! Lust lang ito!" Napasigaw kong sabi.

"Pinagnanasahan mo ako?" Napatigil ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang boses niya. Paano siya nakapasok? Kinandado ko naman ang pinto. Hindi ako makakibo at nararamdaman ang presensya niya na papalapit sakin. "Next time matuto kang magsara ng pinto ng maayos. You locked the door, but it was not closed, so I can quickly go here and besides...." He trails off his words. I gulped down and closed my eyes. What the crap! Hindi pa rin niya tinuloy ang sasabihin niya. Pumihit ako paharap. Pilit tinatago ang tensyon sa loob ko.

"May i-uutos po ba kayo?" Nakatingin lang siya sakin mula ulo hanggang paa tapos nilagay ang daliri sa gilid ng noo niya. "Kung wala naman. M-Magluluto muna ko." Basag ang boses ko sa huling sinabi. Tumalikod na lang ako ulit at humakba sa gilid para kunin ang mga gulay. Naramdaman ko ang yabag niya na nakasunod lang sakin. Nakakairita na siya. "Hindi ako sanay na pinapanood kapag nagluluto." bulong ko. Humakba ako papunta sa mesa at sumunod na naman siya. "Pwede ba?" Pigil kong ang sigaw ko sa kanya. Kunot noo niya akong tiningnan. Kinuha ko ang kutsilyo at humarap sa kanya.

"What are you trying to do?" Nanlaki ang mga mata niya. Napataas naman ang kilay ko. Hihiwain ko ang mga gulay. Anong iniisip niya? Napangiti ako. 

"Kapag hindi ka pa...." Huminto ako at tumingin sa kutsilyo. Mabilis siyang tumakbo sa labas ng kusina. Natawa ako. "Iniisip ba niyang sasaktan ko siya?" Tumawa ako ng malakas habang hawak ang tiyan. Ang Rafael na kilala ko laging galit at walang kinatatakutan. Umiling ako. Duwag pala siya! Teka... Napahinto ako sa pagtawa. "Siguradong iyon ang iisipin niya dahil para sa kanya ako ang pumatay sa kuya niya." bulong ko. Binitawan ko ang kutsilyo. Pumunta ako sa lababo at naghihilamos ng mukha. Lalo ko lang pinapalala ang lahat. 

"You're funny." Kunot noo akong lumingon. "Sa tingin mo talaga tumakbo ako dahil takot ako sa kutsilyo? Hindi mo ba naisip na hindi iyon ang dahilan." Lumapit siya na may pilyong ngiti. "I have the evidence, Diane. Hindi mo ginamit ang sarili mong kamay sa pagpatay kung hindi sinira mo ang sasakyan ng kuya ko para maaksidente siya. You even plan it with that Macky. Ngayon hawak ka na namin. Napaisip ako. Bakit walang naghahanap sayo? Pati ang pinalit mo sa kuya ko masaya ngayon na wala ka." Humakba pa siya palapit sakin. Gumilid ako sa lababo at tinaas ang kamay.

"Huwag kang lalapit." takot kong sagot. Nanginginig ang kamay ko. Binaba ko ito at umiwas ng tingin.

Tumawa ito ng pagak at umiling. "Huwag mong sabihin takot ka sakin." Hindi ako takot sayo. Takot ako sa sarili ko baka hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko at makalimutan ang lahat. Gusto kong sabihin ang mga ito sa kanya pero hindi tama dahil ako lang ang mukhang kawawa. Humakbang pa siya at isang dangkal na lang ang layo niya. "Tumingin ka sa akin." bulong nito. Pumikit ako ng mariin. "I said, look at me into my eyes!" Dumilat ako sa lakas ng sigaw niya. "Good! Then tell me. Why are you not even escaping here? May nakaligtaan ka ba na ebidensya dito na magpapahamak sayo ng tuluyan?" Umiling ako. "Then tell me now! What is your real motive?!"

Real motive? Gusto ko lang naman siyang tulungan. "Wala." tipid kong sagot.

"Really? Kung ganun bakit hindi ka pa tumakas? I give many chances for you to escape and get out of here!" Kunot noo ko siyang tiningnan. Chances of escape? Bakit? Hindi ba gusto mong maghiganti. Gusto kong isigaw sa kanya pero umiling na lang ako ng paulit-ulit.

"I..." Tumikhim ako para hindi mautal. "I don't get it," 

"You make me insane!" Tinakpan niya ang mga mata niya at umiling. "You don't know how hard it is for me every time I see you." Tinanggal niya ang kanyang kamay sa mukha niya at tumingin sakin. 

"Anong—" Naputol ang sasabihin ko ng dumapo ang labi niya sa mga labi ko. Hindi ako makagalaw. Umatras siya at ang mga mata niya ay namumula. Umiiyak ba siya? Hinawakan ko ang mukha niya. Tumitig siya sakin at hinawakan ang batok ko. Napalunok ako ng unti-unti siyang lumapit. Maingat niyang hinalikan ang labi ko. Hindi nagmamadali kung hindi may pag-iingat at pag-aalinlangan. Sinunod ko ang bawat galaw ng kanyang labi at pumikit. Nilamon na ko ng pagnanasa na mahal niya rin ako. Kumawala siya at pareho kaming kapos sa hininga. Naglakas loob akong tumingin sa kanya. Hindi na namumula ang mga mata niya. 

"I'm hungry," he whispered and rushed to the door. Napakapit ako sa lababo at huminga ng malalim. Para saan ang halik na iyon? May nararamdaman na din ba siya sa akin? Tumalon ang puso ko at pigil ang ngiti. 

Napapangiti ako habang nagluluto. Ang halik na iyon ay iba sa lahat. Walang galit ako nararamdaman sa mga mata ni Rafael at maingat ang bawat pagkilos niya. Kahit sa konting sandali naramdaman ko ang pagmamahal. 

Pagkatapos kong magluto. Inayos ko na ang dining table. Okay lang kaya sumabay ako sa kanyang kumain? Wala pa naman si Matt. Maglalagay na lang ako ng sobrang plato. Hihintayin ko na lang na alukin niya ko. Kinikilig kong naisip. Pagpasok niya sa dining room malapad ang ngiti ko pero hindi man siya tumingin sakin. Nawala ang ngiti ko. Lumapit siya sa mesa at hinila ang upuan. Walang kibo siyang kumain. Nakatayo lang ako sa tapat ng mesa naghihintay sa sasabihin niya.

"Why are you standing there?" Napangiti ako ng magsalita siyang muli. Lumapit ako sa mesa at hihilain na ang upuan ng tumikhim siya. "What are you doing?"

"Kakain," tipid kong sagot. Umiling siya.

"I always kiss you, right? Don't gives any meaning on it. It is a plain lust." diretso niyang sinabi. Namula ang mukha ko. Ang sakit palang masampal ng katotohanan. Lust? Init lang ng katawan niya kaya niya ko hinalik. Nag-init ang dugo kong tumayo. He will never change. "Where are you going?" Hindi na ko lumingon at padabog na sinara ang pinto. Ano ang inaasahan ko sa kanya? Bakit ba ko nag-ilusyon? Umiiyak akong tumakbo sa hagdan at direstsong pumasok sa silid ko. Sinara ko ang pinto at humagulgol. Michaela tama na! Pilit kong alo sa sarili ko. Bakit ba ang tanga ko naniniwala agad ako sa mga ginagawa niya? Bakit ko ba tinikom ang bibig ko? Bakit ba ako umaasa na magbabago siya? Sino ba ako para sa kanya? Nilunod ko ang sarili ko sa mga luha hanggang maramdaman ang pagod. Humiga ako sa kama at tumingin sa pinto. Maayos ang pagsara nito at nakandado sa loob. Walang Rafael na susulpot. Masyado akong naging masaya sa ginawa niya kanina nakalimutan ko na siya pala si Rafael. He is the man who only sees me as a criminal, nothing more and nothing less. I should learn my lesson. Huwag nang aasa pang muli sa mga kinikilos niya. Love and lust are two different things. I felt love for him, but it was lust for him. Am I that naive in love?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon